Volume 15

10 0 0
                                    

Aqui’s P.O.V

            Waaaaaa. Ayoko ng bumangon ditto. Ayoko ring lumabas ng room na ito. At higit sa lahat ayokong Makita ang Drew na iyon. Nakakahiya talaga ang nangyari. Waaaaa. Grabe, pag naaalala ko yun nagtataasan ang balahibo ko. Pero wait, ano kayang nangyari sa heart beat ko kahapon, para akong tumakbo ng sobrang layo sa sobrang bilis ng tibok. Wag mong sabihing may sakit ako sa puso, nu ba yan may tumor na nga may sakit pa sa puso. How blessed I am. Tsk

At dahil pa tatlong araw na namin to sa resort na ito. I should prepare myself para sa mga nagiintay na activity. Kailangan ko ng matapos yun. Hussle.

Tumayo na ako sa bed at handa na sanang magpalit ng swim suit dahil kailangan. Kaya kinuwa ko yung paper bag sa may dining table ditto sa room ko at kukunin ko na sana ang swim suit para makapagpalit na ako pero…

>////////////////////////////<

“AHHHHHHHHHHH”

Ba-bat swimming t-trunks ito. Nasan na ang swim suit ko??

Kinalkal ko yung paper bag pero dalawang swimming trunks lang ang laman nun. Kanino ba to? Bat to nandito sa room ko at nasan na yung swim suit ko. ?? oh jusko nasan na yun??

Sa kaiisip ko kung san ko nailagay yung paper bag na may laman na swim suit ko, biglang nagsink-in sa akin si Drew.

w-wag mong sabihing n-nagkapalit kami? Oh no. hindi.

Naalala ko naman na siya nga pala ang kasama ko kahapon sa pagbili ng swim suit na iyon at bumili din sya ng swimming trunks. Pero pano kami magkakapalit hindi ko naman iniwan o binitawan man lang yung paper bag na iyon at hindi ko din ipinahabilin sa kanya. Never kong gagawin yun, lalo na’t ganun nga ang laman nun.

Then sudden flash back.

“Aqui. Wait lang ha. Iyo muna tong paper bag ko. Bibili lang ako ng maiinom natin”

“ahh sige. Bilisan mo ha”

“yeah”

After 5 minutes.

“Aqui oh”

“thanks”

“akin na nga yang paper bag ko baka paginteresan mo pa ang laman nyan.”

“asa”

At nagsimula na kaming maglakad nun para umuwi.

End of flashback.

>_______________< Ow NO.

At dahil dun. Mala flash akong tumakbo papunta room nila Drew pero kasamaang palad hindi ko alam kung anung room nila.

Dinial ko ang number ni Jayden at tinawagan. Ayokong tawagan si Drew, naiinis pa rin ako sa kanya.

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon