Volume 32

20 2 0
                                    

            Naggagala-gala lang ako ngayon sa buong campus. Iniisip ko pa rin kung bakit ganun yung nafeel ko nung sabihin ni Jayden yun kanina. Feeling ko talaga may nagawa akong mali sa kanya. Para kasi siyang nasasaktan. Nakakainis naman kasi, hindi ko man lang naitanung kung bakit siya ganun. Nakokonsensiya tuloy ako sa hindi ko malamang dahilan. Spell A-R-G-H. -____-

Papunta ako ngayon sa roof top ng building ng department namin para dun tumambay, yun kasing puno dinikitan ng jail booth ng ‘BAWAL UMAKYAT’. Eeh kapag umakyat ka dun. Huhulihin ka nila tas ikukulong sa kunyaring Kulungan. Para makalabas magbabayad ka ng 50, kung ayaw mo namang magpiyansa, dun ka hanggang hapon. Ang mahal kaya ng bayad, sayang sa pera, kaya naman ito ang ending ko. Sa roof top magtatago.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng hagdan ng makarinig ako ng pito.

“oh bakit?”

“you are arrested.” Sabi nung babaeng nakacostume ng pang police. Panigurado sa jail booth to.

“ano namang ginawa ko?”

“nilabag mo ang Article 111”

“nu naman yun?”

“eto oh.” Sabay turo niya sa tinutuntungan ko.

O___O

>___<

-____-

“ba-wal u-mak-yat” dahan-dahang sabi niya.

“eeh hindi ko nakita yan”

“sa presinto ka na lang magpaliwanag.” Sabay posas niya sa kin.

“huy ano ba, tanggalin mo nga to. Eeh san naman ako aakyat kung bawal dun. Yun lang naman ang hagdanan doon.”

“kaya nga walang naakyat sa building ng BA dahil prohibited.”

“eeh kung nilakhan nyo sana yung sulat na ‘Bawal Umakyat’ di sana hindi ako umakyat.”

“kung gagawin namin yun, walang majejail booth.”

“hindi ko na problema yun. Basta tanggalin nyo to.”

“hindi pwede Aqui. Magpiyansa ka na lang”

“ang mahal ng piyansa. Patakasin mo na lang ako.”

“walang kwentang pulis ako pag nagkataon”

“tsk”

Wala na. huli na ako. Tss. Kaasar. Ang liit kaya nung sulat tas nasa hagdan pa. sino kayang makakakita nun? Haler,.

Pagkarating namin sa jail booth. Nag hand gesture yung nanghuli sakin sa babaeng nakaupo sa harap ng table, na nakapulis suit din. Yung gesture ng pulis sa pulis. Yung salute. Ganun.

“Ma’am, nahuli ko po si Aqui sa salang pag-akyat sa pinagbabawal na hagdanan.”

“ganun ba.”

“opo”

“sige iwan mo na kami.” Pagkasabi nung ma’am daw. Umalis na yung babae, panigurado manghuhuli na naman yun. Tsk.

“anung desisyon mo Miss Aqui. Magpipiyansa ka ba?”

“ano? Hindi ahh. Ang mahal kaya”

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon