Volume 4

16 2 0
                                    

            Saturday ngayon kaya magparty tayo. Dahil hindi ko makikita ang Drew na iyon.

“Aqui?”

“yes Mommy?” kasalukuyan akong nakaupo sa may garden namin, nagbabasa ng libro about Personal Development.

“kailan ka ba pupunta kay Dr. Aquino?”

“hmmm. 2ng week na lang Mommy ng February.”

“bakit ang tagal naman? First week pa lang ng January oh. Dapat matingnan na ang condition mo, para malaman natin kung may development at epekto ang mga gamut mo”

“mommy, okay lang naman malate ang check-up ko atleast kinocontinue ko ang pag-inom ng gamut.”

“eeh kasi Aqui”

“Mommy. Don’t worry about me, okay lang po ako. Promise. Para nga pong wala akong sakit eeh look. haha.”

Niyakap ako ni mommy ng sobrang higpit, alam kong nag-aalala yan sa kin. Hindi ko alam kung paano sila iiwan ng hindi sila nasasaktan. Ayokong Makita silang nasasaktan lalo na dahil sa kalagayan ko. Pipilitin kong maging okay para sa kanila. Pipilitin kong wag silang masaktan. Pero ang tanong , kaya ko ba? Lalaban pa ba ako? Papatunayan ko pa bang malakas ako? Paano?

Napaisip ako . paano nga ba? Eeh ni wala nga akong lakas ng loob para labanan ang sakit ko. Paano ko pa kaya poprotektahan ang pamilya ko?

Napukaw lang ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number? Sino kaya ito?

“hello?”

“Aqui??”

“speaking. Sino to?”

“YOW ! AQUI”

O_o   dapat ba talagang sumigaw?. Alam ko na kung sino ito.

“BAT KA BA SUMISIGAW?”

“hahahaha. Wala lang. “

“tsk. San mo naman nakuwa ang number ko ha? Megaphone.”

“megaphone talaga. From my source”

“from my source from my source ka pang nalalaman. Pwede bang wag mong guluhin ang weekend ko, intayin mo na lang mag lunes tsaka mo ko guluhin. “

“hindi naman ako nanggugulo ahh. Naghahanap lang ako ng kausap.”

“wala ka bang kapatid? O kaya yung parents mo. Sila na lang. at wag ako.”

“wala akong kapatid, at tsaka wala ditto ang parents ko nasa bahay namin,”

Teka, nsan ba ito?

“nasan ka ba ngayon?”

“nasa apartment ko. Bakit pupunta ka??”

“hindi no. naitanung ko lang. sige na. bye bye na. ayoko ng may maingay”

“uy uy wait lang. uy”

Ine-end ko na ang tawag. Napaka ingay talaga ng isang yon. Haaay. Pati ba naman weekend ko guguluhin niya ako, ayoko na talaga. Waaaa

“Aqui, sino yon?”

“wala Mommy, kakilala ko lang po”

“kaibigan mo ba?”

“hmmm. I don’t know Mommy, pero sabi niya kaibigan ko na daw siya whether I like it or not”

“hahahahaha. Mabuti naman at may nakakausap ka na sa school nyo. Lagi ka na lang kasing mag-isa.”

“Mommy , alam nyo naman kung bakit ayaw kong magkameron ng kaibigan”

“oo anak. Pero isa lang naman yan ahhh. At wala ka namang magagawa kung gusto ka niyang maging kaibigan. Try mo lang, walang mawawala sayo”

i-try?? Pero pano kung maging close kami tapos bigla nyang malaman na mamamatay na ako. Pano kung hindi niya matanggap at masaktan din siya. Tama ba yun??

Pero tama naman din si Mommy susubukan ko lang naman eeh, siguro naman hindi ako magiging in touch sa kanya. Lalo na’t magkaiba kami ng ugali. Eto na nga ata ang time para naman magkameron na ako ng kasama kahit konting oras lang. pero ang saklap naman, sa lahat naman ng magiging kasama ko yung megaphone pang iyon. Tiis tiis na lang,

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon