Volume 8

19 2 0
                                    

            So eto na. Friday na at awarding na ng mga winners. Pinapunta na lahat ng Business Ad. Students at Engineering Students sa gymnasium para masimulan na ang program.

“Let’s start this awarding program by a prayer lead by Ms. Santiago”

Then yun. Prayer followed by National Anthem then Opening Remarks ng Associate Dean ng parehong Department.

Ang hahaba nga ng litanya ng mga Associate Dean eeh. Ayaw pang mag-awarding para tapos na. nakakainip.

“Now, Let’s start the awarding. Una po ang mga nanalo sa Quiz Bee, Obstacle Course, Dating ng mga Gwapo, Boy of the Year, blah,,,blah,,,blah”

Nako panigurado, excited na ang lahat na malaman kung sino ang Boy of the Year at Dating ng mga Gwapo sa buong Engineering. Makikita mo sa mukha ng iba na nagfe-feeling na sila ang mananalo. High na high ang confidence grabe. Psh

“for our Boy of the Year and Dating ng mga Gwapo choice of the campus, may we call on Mr. Philien Drew Martinez.”

Hanep. Si Drew pala ang Boy of the Year at Dating ng mga Gwapo choice of the Year. Lakas makaCONFIDENT naman ang isang to. Umakyat na siya nun sa stage at kumaway-kaway na akala mo artista, eto namang mga bubuyog na ito nagsiiritan. Wala ngang kakwenta-kwenta ang ginawa niya eeh.

At sinundan na ng iba pang awarding sa different contests.

“Now, for Business Administration Quiz Bee Grand Finalist, let’s give an applause to Ms. Sophia Aquisha Narrido”

Oo. Tama nga ang nabasa nyo, ako ang nanalo sa Quiz Bee namin, ang galing talaga ng pakiramdam ko, tama ang pagkakaalala ko,

Umakyat na rin naman ako sa stage at sinabitan ako ng medal tapos  binigyan din ako  ng certificates.

“pano ba yan, pareho tayong may award. Bagay talaga tayong magkaibigan haha”

“psh”

Bumaba na rin naman kami nun, at eenjoyin na ang huling araw ng School Week, panigurado balik sa kaboringan sa Monday at may klase na.

“nice. Matalino ka pala. Miss Sungit.”

“what are you doing here?”

“nakalimutan mo na ba, ditto na ako mag-aaral at enrolled na din ako. Sana maging kaklase kita”

“sana hindi. And stop calling me Miss Sungit.”

“ayaw mo nun, sige Sophia na lang”

“O_O Don’t you dare-“

“Sophia. Hahaha”

Ambastos, dina ako pinagtapos sa pagsasalita.

“awat na JR, baka mabato ka pa niyan ng mangga hahaha tara na nga lang sa canteen”

Habang naglalakad kami papuntang canteen, pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante. Siguro dahil kasama ko ang dalawang lalaking pinagkakaguluhan nila. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at sumama ako sa kanila.

After kong bumili,

“sige. Dyan na kayo.”

“saan ka pupunta Sophia?”

“wala ka na dun. Geh”

Siguro naman alam ni Drew kung san ako pupunta.

Habang kumakain ako, naisip ko ang chance na maging kaibigan ko din ang Jayden na yun ,

“hindi pwede yun. Hindi ko dapat siya maging kaibigan. Hindi na dapat madagdagan ang kaibigan ko, okay na sakin ang isa. Hindi dapat”

Oo, tama. Hindi na dapat pang madagdagan ang kaibigan ko. Dahil mas mahihirapan akong iwan sila. At dadami ang makikita kong masasaktan dahil sa kalagayan ko, hindi talaga dapat.

Napapaidlip na ako nun ng may pumaswit sa akin.

Akala ko si Drew pero mali pala ako.

“anong ginagawa mo ditto at pano mo nalaman na nandito ako?”

“sinabi sa kin ni Drew kung nasan ka. may itatanong lang sana ako sayo.”

“ano yon?”

“kilala mo ba si Mrs. Alday? Kelangan ko kasi siyang makausap about my transferring.”

“oo, kilala ko siya. Nasa faculty siya ngayon. Right side, table 44.”

“ahhh. Sige salamat.”

“geh”

Habang paalis si Jayden, pinamasdan ko lang siya. Feeling ko magiging malaki ang parte niya sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ko nafeel yun, pero kinabahan ako.

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon