Maximum Volume

37 2 0
                                    

Bawat pagsubok may hangganan. Hindi naman panghabang buhay ang mga yan. Matuto ka lang lumaban at pwedeng sooner or later matapos na agad yan. Sa simula, aakalain mong wala ng pag-asa na masurvive mo yung pagsubok na yun pero in the end malalaman mo na there’s a couple of reason why you should not surrender in that consequences. Well, a great example para dyan ay ang nangyari sakin. Nabasa nyo naman na, kamuntik muntikan na akong kunin ni God pero dahil sa pinakita ko na matatag ako at handa akong labanan ang sakit ko. eto at buhay na buhay ako. Nung una inaamin ko, gusting gusto ko ng sumuko. Pagod na kasi ako. Pero dahil nandyan si Drew at ang pamilya ko pinilit kong mabuhay. And I did it. I survived.

Well, iuupdate ko kayo about sa mga nangyayari samin ngayon.

First kay Jayden. Alam nyo bang isa na siyang Business Man ngayon. After niyang gumaraduate last year, ginamit nya yung ipon niya upang makapagpatayo ng isang company at dahil sa galing niyang maghandle ng business. Kumita ang company niya at ngayon nagdedecide na silang magkaron ng Branch sa America. Ang galing no. Galante na ang loko.

Si Farra naman, ahm. Well, she’s doing great. 4th year pa lang siya since na suspend siya at kung itatanong nyo naman yung tungkol sa issue namin. Bati na kami. Sa katunayan siya ang tumulong sa akin na iset-up yung singing thingy na yun nung bumalik ako. Nagkausap kami nun nung nagkita kami sa America. Nagsorry siya sakin about sa mga nagawa niya. sobra daw niyang pinagsisihan yung mga nagawa niya at nakonsensiya daw siya ng sobra dahil lumala yung sakit ko dahil sa kamalditahan niya. Sabay din kaming umuwi nun galing States. Nagbakasyon lang daw kasi siya sa Tita niya dun. At pareho kaming nagulat nung magkita kami.

Kay Mommy at Daddy naman, well, isa lang ang masasabi ko. ANG SAYA SAYA KO DAHIL MAGKAKAMERON NA AKO NG KAPATID. Unexpected diba. akala ko hindi na ako magkakameron ng kapatid pero eto nga biglang nagging preggy si Mommy. 8 months na siyang preggy at sobrang laki nung tummy niya. sana nga girl yun para palagi ko siyang aayusan para maging magkasing ganda kami. Hihihi ^______^

And last but not the list, .hmmm isheshare ko pa ba. Wag na lang kaya. Nakakatamad eeh. xD hahahaha. Oh sige na nga, para di nakakabitin.isheshare ko na. hiya ko naman sa inyo Readers. Well, teka nga. Kanina pa ako muwell na ng muwell ah. Hahaha. Basta yun nga, as I was saying, about samin ni Drew. okay lang naman kami. Graduating na kami pareho. Dahil nga sa sakit ko, nagstop ako ng pagaaral at iyun nagkasabay kami ni Drew. 5 years kasi ang sa Engineering kaya in the end sabay pa rin kami. At ngayon eto kami problemado sa Thesis. Grabe ang hard.-_______- pero kahit ganun Masaya pa rin kami. Dahil sabay naming tinatapos at sinusurvive ang mga problema. Alam nyo bang kahit graduating na kami ng college si Drew ganun pa rin, isip bata at napaka ingay. Hindi na ata talaga to magbabago. pero para sakin, mas maganda yun. Kasi dahil sa kaingayan niya araw-araw Masaya ako. Sobrang dami ng nangyari sa amin. At kahit na may mga dumating na problema sa min. We remain together and fight for forever. Ganun namin kamahal ang isa’t isa.

Kring.kring.kring

“Aqui, pakisagot naman ng Telephone. Di lang ako makatayo. Ambigat ng tummy ko eeh.”

“Okay po”

Agad akong tumayo at sinagot ang telephone. Important call kaya to.? Sino kaya to?

“hello?”

“Hello, nandyan po ba si Aqui?”

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon