Volume 25

9 0 0
                                    

Aqui’s P.O.V

            Totally confused. Yan ako ngayon. Ilang araw na rin ang lumipas simula ng quad. Scene na yun. Masyado ng nageeffort si Jayden para sa kin. Kailangan ko ng kumilos. Kailangan kong gumawa ng paraan para tigilan nya to dahil alam naman natin na sa simula palang wala siyang mapapala sa akin. Nagpapakahirap lang siya. Nagpapakahirap lang siya dahil kahit anong mangyari, hinding hindi ako sasabak sa isang relasyon. Para ano pa? para paasahin ang taong nagmamahal sa akin na may makakasama siya habang buhay? Para masaktan siya ng dahil sa akin? para maiwan siyang mag-isa at magmukang tanga? Ano pang saysay at kailangan kong sumabak sa isang relasyon? Ni wala ngang magandang dahilan upang sumabak ako. Kailangan ko ng kumilos. Kailangan ko na.

Papunta ako ngayon sa tambayan namin. Alam kong nandito siya. Alam kong nandito ang taong hinahanap ko.

“Sophia.”

“kailangan kitang makausap Jayden.”

“about san?”

 “about sa nangyari sa quadrangle.”

“anong meron Sophia??”

“please Jayden. Tigilan mo na ako.”

“ano? Bakit?”

“Jayden alam mo naman ang kalagayan ko diba. Alam mong anytime pwede na akong mamatay. Alam mong anytime pwede ko na kayong iwan. Jayden ramdam ko. Ramdam kong lumalala na ang sakit ko. Ramdam kong mas mahihirapan na ako. Sa tingin mo Jayden may time pa ako para sa relasyon na yan. Sabihin mo sa akin, anong magandang dahilan para sumabak ako sa relasyon? Para ano pa, ha? Kung sasagutin kita, anong mapapala mo? Maiiwang mag-isa, masasaktan, magmumukang tanga.? Jayden, ayaw kong paasahin ka. Hindi sa hindi kita gusto pero Jayden ayokong mag-aksaya ka ng effort para sa wala. Kasi Jayden kahit anong mangyari, hinding hindi ako papasok sa isang relasyon na alam kong sooner or later mangiiwan ako. Kaya sana maintindihan mo kung bakit kita pinapatigil. Alam kong nagsisimula ka palang pero please. Tama na.” hindi ko na napigil at isa isa ng nagpatakan ang luha ko.

“Sophia. Naiintindihan kita. Pero sana maintindihan mo din ako na kaya ko ginagawa ang mga bagay na yun ay dahil ginusto ko. Ginusto kong mageffort para sayo kahit na wala akong mapapala. Hindi naman ako naghahangad ng kapalit Sophia eeh. Gusto ko lang iparamdam sayo na mahalaga ka sa akin. Gusto ko lang iparamdam sayo ang pagmamahal na nadarama ko. Sana naman hayaan mo ako. Hayaan mo akong ipadama sayo yun. Hayaan mo akong sumuporta sayo sa sakit na dinadala mo. Hayaan mo akong tulungan ka para gumaling ka. Hayaan mo akong magustuhan ka Sophia. Hayaan mo ako.”

“Pero Jayden-“

Sa halip na patapusin, niyakap ako ni Jayden.

“I really really like you Sophia and I think I am already falling inlove with you. And I don’t care even if it went deeper and deeper. I am ready to face all the consequences if I already feel that I Love You. Just let me do what I want. Just let me love you. I will stay here as long as you need me.”

Pagkatapos nya yung sabihin tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Jayden, bakit? Please, wag mong pahirapan ang sarili mo, kung may paraan pa, please gawin mo.

 30 minutes have passed at nandito pa rin ako sa tambayan. Wala na akong klase since half day lang ako ngayong araw. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang scene kanina.

“wala na. wala na akong magagawa, kung ayaw mo talaga akong layuan. Hahayaan kita. pero hindi ko alam kung hanggang kelan, kung hanggang kelan pa ako tatagal. Hindi ko alam” napabuntong hininga na lang ako.

“lalim nun ahh.”  Nagulat ako nun kaya muntik na akong mahulog sa puno pero…

“woaah. Aqui. Ingat ka” nahawakan ako ni Drew sa wrist ko at hinigit palapit sa kanya.

At eto na naman po ang puso ko. Nagkukumawala sa dibdib ko.

“s-salamat”

“bat nandito ka pa din? Diba uwian mo na kanina pa?”

“ahhh ehhh. Wala naman. Nagpapahangin lang.”

“ganun ba. Sige sasamahan kita.hindi kita iiwang mag-isa” sabay ngiti niya.

Hindi ko alam pero dahil sa ngiti nyang yun, isa isa na namang pumatak ang luha ko.

“A-A-qui b-bat ka umiiyak??”

“ha? Ahh ehh wala” sabay pahid ko.

“Aqui, may problema ba?”

“wala Drew wala.” Pero loko tong mata ko eeh. Tuloy pa rin sa pagpatak ang luha.

“meron Aqui eeh. Anong problema??”

“D-Drew. hayaan mo lang akong umiyak please. At please rin wag ka munang magtanong kung anong dahilan o kung may problema. Hindi pa to ang oras.”

“ahh sige Aqui. Just cry. Nandito lang ako”

Kagaya nga ng sinabi niya. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam pero dahil sa ngiti niya. Narealized ko na hindi ko pala sila kayang iwan. Dahil sa ngiti niya narealized ko na sobrang masasaktan sila once na iniwan ko sila. Dahil sa ngiti niya narealized ko na may mga tao nga palang handang tulungan ako para gumaling sa nakakalecheng sakit na to. Dahil sa ngiti niya narealized ko na. kailangan ko sila. kailangan ko siya.

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon