GENE POV
"Eottokae!?"
Agad kong nabitawan ang cellphone ko pagkatapos lumitaw sa facebook news feed ko ang balitang pupunta ang cast ng Love By Chance dito sa Pilipinas. Ang LBC ay drama sa Thailand. BL themed series. Di naman ako ganon ka faney ng drama subalit MeanPlan is life. Uwu..
Agad kong siniyasat ang aking nakita at nadismaya pagkatapos makita ang detalye. Gaganapin ang fan meet sa may Sky Dome bandang hapon at nakakaiyak kasi hindi ako pwede sa mga ganoong oras. Sa gabi lang ako pwedeng lumabas kasi ako lang ang inaasahan ni tita na magbantay ng store niya. Oo, tinalo ko pa ang nakakulong. Advantage lang ay pumuputi ako.
Sumandal na lang ako sa upuan at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Wala naman akong magagawa, isa pa ay need ko ng pera pang school this coming August. Para matanggal ang pagkadismaya tinuloy ko na lamang ang pinapanood kong korean drama.
*Toot
May nagmessage sa GC namin. Group chat naming magkakaibigan na nagkakilala lang thru online. Nabuo ang GC na iyon kasi same interest kaming lahat. Kpop, Korean Drama, Chinese Drama at BL.
Hoy! Nakita niyo na ba ang balita? Pupunta LBC cast!!
Oo nga! Exciting shettt...
Blah blah blah..
Kayo na lang mag-usap kasi di ako makakapunta. Tsk! Sabi ko sa isip ko.
Ganon lang mabilis na natapos ang araw kong iyon. Nanonood ng kdrama habang nagbabantay ng store. Wala namang iba.
*Toot
Nag-DM si Ynna. Nagsend na naman siya ng voice clip na kumakanta siya. Ako naman kinikilig kasi crush ko ang babaeng ito. Alam niya pero walang galawang nagaganap kasi mas mabuti iyong ganoon lang. Walang break up. Lagi ko pa siya nakakachat.
Fast forward..
Dumating ang araw ng fan meet. Syempre para di maistress at mainggit umiwas muna sa paggamit ng FB. Kdrama lang muna total doon naman umiikot ang buhay ko. Doon naman ako sumasaya.
Pasado alas tres ng madaling araw. Bumangon ako para umihi ng biglang tumunog ang phone ko.
"Papi Gene.."
Kinusot ko ang aking mga mata at nagulat sa nakita. Si Ynna kasama ang cast ng LBC! Si Mean. Si Plan. Si Perth. Si Mark. Silang lahat nakaselfie niya. OMG! Ano kababalaghan itong nangyayari? Dahil doon nabuhay bigla ang kaluluwa ko.
"Tang i** bakit ka nandiyan?" Tanong ko.
Naisip ko na lang aksidente niyang nakita ito kasi sa Jollibee. Call center agent kasi itong si Ynna tapos gala pa siya.
Nagsend ulit siya ng iba pang picture.
"Aba! Nang-iinggit. Bakit ka nga nandiyan?"
"Kinuha kasi akong staff HAHAHA" sagot niya.."
Me like Whuuuutt!??
"Sama mo ko!"
Nakatanggap lang ako ng tawang sagot.
Nalaman ko na kaya pala sila nandoon sa Jollibee kasi sinecelebrate nila birthday ni Plan. Tapos sinabi pa niyang may after party pa sila pagkatapos ng fan meet.
Hayst swerte naman ni Ynna. Naisip ko na lang na sana all. Kung sino pa ang di fan siya pa ang nagkachance na makapunta. Di lang pupunta makakalapit pa.
Naalala ko bigla iyong sinabi niya.
"Bestfriend ko kasi iyong organizer.."
Inalala ko yung sinabi niya.
Jae Rim..
Jae..
Ahhh! Jae Rim Song..
Agad kong hinanap ang FB account niya at nakita ko naman dahil marami kami mutual friends.
Tinitigan ko ang profile picture niya. Mukhang suplado. Iaaccept kaya niya friend request ko? Mukhang sikat din kasi almost 20k ang facebook followers niya. Mukhang mahirap abutin at kausapin si kuya.
Nagkamot ako ng ulo ko. Bahala na! Kahit di na niya iaccept. Mukha siyang spazzer din at need ko din ng update lagi-lagi. So hayon, inadd ko siya na sana sa umpisa ay hindi ko pala ginawa.
30 days of FAKED LOVE
Thank You For Reading!
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Non-Fiction[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL