GENE POV
Sumunod na araw ay mga aso naman napagkwentuhan naming dalawa. Mga alaga ko at alaga nila. Pati na rin pag-punta niya sa Baguio ay napag-usapan naming dalawa. Pupunta siya this coming holy week. Napag-usapan din namin kung papaano sila naging magkaibigan ni Ynna na mutual friend namin sa FB. Bestfriend siya ng crush kong babae.
"Lonely mode. Nagpamassage kasama ko dito kami mall malapit sa school. Need ko maghintay ng mga 1Hr.." he said.
"Lonely pa ba yan kachat na nga ako.." sabi ko naman. "Kanta ka nga.."
"Yoko nga may tao dito.."
"Luhh hiya ka pa.. Kantahan mo ako.." pamimilit ko.
Nagsend naman siya ng gusto ko ang nota. Ang nota-nota mo..
Ako naman natawa ng sobra. "QAQO KA HAHAHA.."
Tuloy-tuloy lang usapan namin hanggang sa makabalik siya ng dorm nila.
"Katatapos lang mag-swimming. Muntik na akong matae sa pool.." sabi niya.
"YUCK!"
Gawain na niya ang magswimming tuwing hapon dahil lagi siyang niyayaya ng nga students niya.
"Kumain kasi ako ng Jajamgyeom at chicken kaya deretsu banyo. Tumatae.."
"Isa ngang selpi diyan para maniwala ako.."
"Umiiri pa. Picturan ko tae ko.."
"Yuck.." tanging nasambit ko.
Ganoon na kami ka-close na ultimo pagtae ay napag-uusapan na namin. Nagsend ako ng selpi ko na galit ako kasi kadiri naman usapan namin dalawa diba?
"Pabili pong cooking oil. Yung frito.." tukoy niya sa nasa likuran ng sinend kong pic.
"Hahahaha sige bili ka.."
"Bilhin ko na din po yung lalakeng nakasando ng yellow.."
"Take home mo na.. Kahit di mo na bilhin.." biro ko.
"Sige po uwi ka na dito hahaha..."
Di ko namamalayan we started to talked dirty. Pero normal lang naman yun sa tingin ko dahil lalake kami parehas.
"Goodnight po! Huwag ka na ding magpuyat.." paalala ko kasi lagi siyang natutulog ng madaling araw tapos magrereklamo na inaantok habang siya ay nagtuturo..
"Good night po. Pahinga well.."
"Good night bibi.." sabi ko at hindi ko namalayan noon na tinawag ko pala siyang bibi.
-------
Sumunod na araw ay baliktad na ang sitwasyon. Ako na ang unang nagchat.(AUTHORS NOTE: yung usapan po namin is yung actual convo talaga namin. So heto na nga ako na nagiistart ng convo namin. Nagbago na ang sitwasyon. Tapos iyong pagbabago ng sitwasyon matagal bago ko narealized..)
"Good morning! Saan po venue ng concert ng Twice?" Sa pagkakatanda ko nakita ko post niya noon kaya ko ito natanong.
"Sa puso ko po.. Wala pang announcement. Date pa lang pero malamang sa MOA.." sagot niya.
"Layo pero di naman talaga ako manood. Di rin ako fan. Nakikinig lang ako ng mga kanta nila.."
"For sure.. 15k-3k ang ticket.. Kain ka na.."
"Ayaw ko pa kumain.." sagot ko.
"Luhh napindot.." sabi niya ng mapindot niya ang video call.
"Buti napindot lang di ako prepared.. Ampangit ko.."
"Kahit naman prepared ka di mo naman sasagutin hahahaha.."
Totoo ang sinabi niya. Bihira nga ako makipagchat sa iba video call pa kaya? Nagbago lang ang lahat ng makilala ko siya.
"Sasagutin ko po hahaha. Sige VC tau next time para kantahan mo ako.."
"Talaga po?" masaya niyang turan. "Pero di kita kakantahan. Yoko nga.. Di nga ako marunong kumanta diba?"
"Luhh kelangan ba marunong?"
"Pangit boses ko. Boses kiki.."
"Mas panget boses ko.." sabi ko. "Gusto kong marinig kang nagkokorean.."
"Di nga ako marunong magkorean.. hahaha.."
"Wag ka nga!" sabi ko. "Nag-aaral ka nga salita nila.."
"Di pa ako marunong. Hirap kaya.."
"Sige kanta ka na lang ng tagalog.."
"Ewww di ako nagkakanta ng tagalog. Bakit ba kasi kanta ayaw ko kumanta hahaha.." sabi niya.
"Turuan mo ako mag-english. Diba teacher ka?"
"Luhh marunong ka mag-english! Basic lang tinuturo ko.." sagot niya.
"Marunong pero wrong grammar.."
"Wrong grammar din naman ako e, di naman ako english teacher hahahaha.."
"Sige turuan mo na lang ako maglandi.." sabi ko.
"Di po ako marunong maglandi.."
"Ay wow! Shocking answer" sabi ko..
"Ikaw lang po nilandi ko. First attempt po yun. Porket ba nilandi kita. Marunong na akong lumandi? Landi pa ako iba?"
"Sabi ko dati mag-apply akong staff niyo. Okay lang kahit alilain niyo ako sagot mo Bakit alilain jowain na lang kita. Ganon po ba yun? Dapat agad-agad?"
"Hahaha ganon po ata lumandi. Wala ng patumpik-tumpik pa. Jowain agad. Joke. Nagbibiro lang naman ako that time hahaha. Di ko po alam bakit ko ginawa yun tbh.."
"Alam ko namang nagbibiro ka lang din. Gulat lang naman ako.." nasabi ko na lamang.
"Sorry na.. Marupokpok lang.. Buti di mo ako blinock."
"Grabe naman po block :(. Di ako ganon. Syempre mas maganda naman na kilalanin muna yung tao.."
Sobrang haba ng convo namin hanggang sa mapadpad usapan namin sa mundo ng anime. Hanggang sa kdrama at napunta na naman sa concert ng Twice.
"Good night po!"
"Good night din! I love me.." sabi ko.
"I LOVE ME TOO.." reply niya na may kasama pang sad emoji.
30 days of Faked Love
Thank You For Reading!
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
No Ficción[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL