GENE POV
Its real that in life, you'll never know what's gonna happen. You thought that everything is going to be okay hanggang sa dumating ang isang bagay na hindi mo inaasahan.
Iyong kabang nararamdaman ko noon mas lumala. Dinig na dinig ko ang pintig ng puso ko. Mabilis at malakas.
"Kinakabahan ako sa'yo..." tanging nasambit ko kahit na alam ko na ang sasabihin niya. I want to cover my ears and close my eyes. Nanginig ako, ang buo kong katawan.
"Sorry po.." he said. "Gusto ko po munang makipag-break muna.."
Tila ba nasabugan ako ng bomba sa mukha. Nanginginig ako. Iyong mga tuhod ko biglang nanghina. Nahanap ko na lamang ang sarili kong nakaupo. Gusto kong umiyak that time pero kasama ko pinsan ko. I admit na nahihiya ako kaya huminga ako ng malalim at nagpigil ng luha.
"Pwede bang malaman kung ano rason?" lakas loob kong tanong. At least I deserved an explanation di ba para kahit papaano ay hindi ako mapaisip ng kung ano.
"GUSTONG-GUSTO KO PA DIN KASI IYONG EX KO. DI MAWALA-WALA FEELINGS KO SA KANYA.." sagot niya na may kasama pang sad emoji. Potang ina lang! Anong kinalulungkot niya? "AYAW PO KITA MASAKTAN LALO. TO BE HONEST, MAS MASAYA AKO KAPAG KA-CHAT KO SIYA.."
GAGO BA SIYA?
Isang sampal iyon sa pagmumukha ko sa totoo lang. Ano daw? Mas masaya siyang ka chat niya ito?
Litong-lito na ako. Masakit. Sobrang sakit. Bigla akong nabingi.
Sinabi ko na lamang na sinaktan na niya ako kasi iyon naman ang totoo.
"Sana noon pa ay di ka na nagparamdam pa.." sabi ko pero sa totoo lang gulong-gulo ang isipan ko. Ito ang unang beses na nalagay ako sa sitwasyong ganito. "Kung yan ang desisyon mo I respect you.. Ayaw ko naman ipagpilitan ang sarili ko sa iyo. Sa ngayon di ko alam ang gagawin ko.."
Pride na lang meron ako kaya kahit nasasaktan ako ay kailangan ko na iyong pangalagaan. Para naman kahit papaano ay hindi ako kahiya-hiya sa mata niya.
"Kung babalik ka sa kanya sana maging masaya ka. I'm sorry din, gaya nga ng sabi ko dati di kita deserve.." sabi ko pa. Mabait na ako niyan kasi di ko siya inaway. Masyado akong nanghina na para bang hinigop ng kung ano. Wala akong kalakas-lakas.
"Ilang araw kong pinag-isipan if anong gagawin ko. Kung tama ba yung ginagawa ko or not. Kaya di po ako gaano nagchachat. Ayaw ko kasi ng ganito. Di pa rin ako makamove on. Ang hirap po.." sabi pa niya.
I heard enough kaya I stopped. Sinabi ko na lamang na pinaglaruan niya ako and I said goodbye..
Gusto ko ng magsara ng store at pumuntang kwarto para umiyak. Sobrang sama ng pakiramdam ko kapag nag-aaway kami. What more pa kayang hiniwalayan niya ako?
I talked to my friends ang told the news sabi pa nila nagbibiro lang daw ako. To prove that I'm not kidding I sent our last convo.
Syempre nalungkot din sila at pinayuhan ako dahil naglabas ako ng sama ng loob sa kanila. Buti na lang meroon silang nakakaintindi sa akin.
Dumating ang oras ng pagtulog. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang may sakit ako.
Kahit na nakahiga at nakapikit ay di ako dalawin ng antok. Tumagilid na lamang ako at bahagyang umiyak. Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa may dibdib ko. Hirap akong huminga na para bang sinasakal ang puso ko gamit ang isang alambre.
Never na pumasok sa isipan ko na ang mga dating binabasa at sinusulat ko ay mararanasan ko. Na totoo pala ang ganoon kapag nasaktan ka sa pag-ibig.
Sobrang sakit. Dinaig ko pa ang nabalian ng buto.Nakapikit pa rin ako at pilit kinukuha ang tulog. Sa totoo lang ay awang-awa ako sa sarili ko. Ang isipan at katawan ko ay pagod. Pagod na pagod. I don't deserved this crap.
Madaling araw na subalit gising pa rin ako. Bumangon ako sumandal sa pader. Binasa ng huling convo dahilan para mapaiyak akong muli. Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Bakit ganito? Bakit siya ganoon? Umiyak ako ng umiyak hanggang sa magsawa ang mga mata ko at luha na mismo ang tumigil sa pag-agos.
30 days of Faked Love
Thank You For Reading!
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Non-Fiction[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL