Time heals everything..
GENE POV
Since broken hearted ako I tried all the things that can make me forget about what happened. Suhestiyon 'yun ng isa sa mga kaibigan ko. Kasi noong umattend ako ng kpop event bahagya ko siyang nakalimutan.
Lumipas ang tatlong araw. Nalulungkot pa din ako kasi hindi ganon kadali ang mag-adjust lalo na kapag nasanay ka na. Aminin natin na kapag nawala ang isang taong mahalaga sa atin ay tila ba naliligaw tayo.
Napansin din ng mga pinsan ko ang pagiging matamlay ko. The happy go lucky kid was gone. Maging ang isa kong kapatid ay nagtatanong kung may problema ba ako kasi panay patugtog ko ng tagalog sad songs at nakayoko lang ako sa lamesa habang nakayakap sa isang unan. Ilang araw din akong naging ganoon.
We went clubbing! I titled it break up party. Sabi ko iiyak ako ng iiyak doon. Ibubuhos ko ang lahat ng sakit at sama ng loob. At pagkatapos ng gabing iyon ay tama na. Kahit mahirap ay mag momove on na ako at hinding-hindi ko na iisipin si Jae.
I met five of my online friends. Some people who supported me. Nag-inuman kami for my sake. Tinutukso pa nila ako ng mga salitang ahh iniwan.. Pero di ko na ramdam ang sakit. Manhid na ata ako that time. Di naman ako nalasing, nahilo lang and I almost kiss someone. Iyong sabi kong iiyak ako di ko nagawa. Ayokong masira ang magandang atmosphere kasi ang saya namin. Parang walang problema. Tanda ko alas singko na ng madaling araw ako nakauwi.
One week past. Iyong sabi kong hindi ko na siya iisipin di ko nagawa. Sobrang hirap pala. Todo post ako sa my day ko ng kadramahan ko at wala akong paki kung annoyed na mga facebook friends ko. Isa pa hindi siya ganon kadaling kalimutan lalo na kapag nagviview ako ng viewer number one siya. Pati bestfriend niyang si Hannah na hindi ko kaclose view ng view ng my day ko. Kabwisit lang diba?
Simula ng naghiwalay kami naging gala na ako sa gabi. Meet here! Meet there! Meet everywhere. I met some of my online friends. We even watched a movie and its a celebrity screening. Naging okay ako kahit papaano. Mas naging active. Until one day a friend of mine sent a message. My day ni ex.
I'M GLAD YOU'RE HAPPY NOW
I'LL LET YOU THINK I'M FINE
MAKE YOU THINK I'M HAPPIER
WITHOUT YOULET YOU BE FREE OF THE CURSE THAT IS ME
BECAUSE I KNOW YOU'LL BE BETTER OFF WITHOUT ME
Me like shuta ka!? Ako lang pwede magdrama. Ako ang sinaktan at iniwan diba? Isa pa hindi pa ako masaya. Okay lang ako kasi accepted ko ng wala na siya sa buhay ko. Spelling nga magkaiba kahulugan pa kaya?
After two weeks I became better. Andoon na ako sa stage kung saan tanggap ko ng wala na siya sa buhay ko. Mas nagfocus ako sa sarili ko kung saan ay dapat ginawa ko noon pa. Masyado lang kasi akong nadala sa daloy ng kwento naming dalawa.
Sa ngayon masasabi kong okay na akong talaga. Totally moved on parang walang nangyari sa amin. It's been more than two months. At ngayon natapos ko na kwento naming dalawa. Nakakahinga na rin ako ng maluwag at masaya na. Balik sa dating ako at wala ng drama related sa kanya. Sa ngayon nasa probinsiya na ako at nagfofocus sa papalapit na pasukan.
Talagang time heals everything..
Im glad he left me. Sa sobrang bulag ko dati di ko namamalayan na hindi na pala healthy kasama siya. No wonder kung bakit sinasabi lagi ng kaibigan ko na lagi akong mukhang pagod. Sobrang toxic, to the point na ako na mismo pala ang lumalason sa sarili ko. Pero as I said Im blinded by love.
I have learned my lessons thanks to him. Sobrang dami ko talagang natutunan sa kanya para sa susunod alam ko na gagawin. Mas nag matured na rin ako.
Siya nga pala may araw na naview ko my day niya. Nagpost siya na may naalala siya sa tuwing dumadaan siya sa Cubao. Tapos di daw niya mapigilan ang sarili niyang sugatin muli. Sabi ng kaibigan ko papansin lang daw siya. Natawa na lang ako dahil siguro nga. Mahirap na baka madali na naman ako. Maawain pa naman akong tao.
So that's it! Hope you enjoy reading it. Simple lang pero gusto ko lang talaga ishare.
Noong first week ng break up sobrang relate ako sa kanta ng I Belong To The Zoo na Sana kasi ganon na ganon ang nangyari sa akin. Ngayon natatawa na lang ako.
Paalam na! At thank you sa pagbabasa. Maraming salamat at nakarating ka pa sa last page na ito.
-Katajikotoko
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Não Ficção[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL