GENE POV
Sa totoo lang sobrang taas ng tingin ko sa kanya. I think isa rin itong rason kung bakit ayaw ko sa kanya dati. Like para siyang isang ulap sa kalangitan na hinding-hindi ko maaabot. Hindi kami magkalevel.
"Nahihiya na ako sa iyo. Kasi di tayo bagay.." malungkot kong turan.
"Luhhh..."
"Bagay na bagay.."
"Korni mo po HAHAHAHA.." I think he laughed so hard.
"Yaw mo yownn?"
"Kiss kita diyan eh.." he said.
Grabe lang kasi parehas na kaming jeje. Mga muntanga.
"Mahirap makiss sa chat di ramdam.." sabi ko.
"Sige sa personal na lang po. Kiss kita sa harap ni Ynna.."
"Kaya mo ba?" I asked. "Sakin okay lang.." kasi wala naman ako pake.
"Ako pa? Syempre hindi.." tumawa siya.
"Nahihiya kasi ako kaya gusto ko ikaw gumawa.. Kaya mo yan.."
Nagpaalam muna siya na magklaklase sila. Dahil wala akong magawa nag-stalked ako ng account niya. Mga photos niya puro travel abroad, mga dinadala nilang artist pati na rin noong nag-ojt siya sa US. Nagtapos siya ng HRM pero naging teacher siya sa isang academy. Wow lang diba?
Nakita ko ang isang larawan niya na nakaupo sa isang swing mag-isa. Sinaved ko iyon at inedit. Ginuhitan ko ng larawan ng isang tao sa kanyang tabi at sinend sa kanya.
"Ako na nag-adjust para masamahan kita.."
"Baliww hahahaha.." he replied
"Bakit mo ako tinitignan?" tanong ko.
"Gwapo mo po kasi. Nakakamatay kagwapuhan mo.."
"*Hinalikan.."
"Eww po. Joke hahahah.."
Nagulat ako ng bigla siya nag video call..
"Wait kumakain ako.. Tapos dami pa kasama.." sabi ko.
"K po. Ayaw mo lang ihh charot!"
"Katabi ko kasi pinsan ko.." sagot ko.
Di pa alam samin na di ako ganoon straight. Seventy percent siguro.
"Napakaboring po! 4:15 pa last class ko. Lako magawa.." sabi niya.
Dahil don eh ako na mismo tumawag sa kanya. Ayaw kong nalulungkot bee-bee ko. Maliban don eh gusto ko din makita pagmumukha niyang kengkoy.
After namin mag-video call sabi ko. "Sana makita na kita. Gustong-gusto talaga kita yakapin.."
All I know is I'm into him so much. Sobrang na-fall na ako sa kanya. Para akong isang aso na nalaglag sa isang butas at hindi na makalabas. Yung dating wala lang sa akin naging mahal ko na ng sobra.
"Wehhh? Talaga fu ba? Ahahahah. Yakapin kita mahigpit pag nagkita tayo.
"Sige po gusto ko maramdaman tibok ng puso mo.." sabi ko. Wag sana kayong masuka.
Dumating ang gabi at nagpaalam na siyang matulog.
"Sleep well" I said. "Hug mo na lang yokai mo. Isipin mo ako.."
"Tbh di kita iniisip kapag natutulog. Ayaw ko kasi sa panaginip lang gusto ko totoo hahaha.."
Di pa kami pero Im hoping that one day magagawa namin 'yun. It's kinda romantic for me and so sweet. Sarap sa feelings ng makatabi mong matulog ang taong mahal mo habang magkayakap kayo ng mahigpit.
"Tulog na po tayo.."
"Good night po.."
Ganyan natapos ang araw na iyon. Walang bago. Sweet-sweetan na para bang walang katapusan. Parang walang di magandang mangyayari sa future. Masyado na akong bulag sa kanya. Nabulag ng pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya.
30 days of Faked Love
Thank You For Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/189955791-288-k17390.jpg)
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Non-Fiction[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL