CHAPTER 31

406 12 0
                                    

GENE POV

"Ingat ka po.." mensahe ko sa kanya na may kasamang sad emoji. Nakakainis naman kasi napakabilis ng oras.

"Ingat din po bibi ko.." sabi niya. "I love you.."

He posted a photo of us. Syempre dagsa na naman ang comments. Mga kinikilig dahil walang love life. May nagsabi pang isa na magkalapit daw ba kami at lagi kami nagkikita kahit na alam niyang sa Quezon City ako at sa Pampanga siya.

Pagkauwi ng bahay ay di na muna ako natulog kahit madaling araw na. I chatted him sabi niya nasa Valenzuela na siya.

Masaya ako at ganoon din siya based na rin sa nga mensahe niya. Napag-usapan ulit namin kung kailan kami magkikita. Sabi ko pupuntahan ko siya sa fanmeet ni Mark Siwat. Susubukan ko kahit na malayo because for him Im willing to do anything. Kahit saang lupalop pa iyan.

Nang makarating siya ng Pampanga ay nagpaalam na din akong matutulog kasi babagsak na ang talukap ng mga mata ko.

"Sige po bibi ko. Good night! I LOVE YOU FOREVER.." Sabi niya.

FOREVER DAW. I hope those words were real. Sana mapanindigan niya at hindi siya magbago. Mahal na mahal ko na siyang talaga. Kung mawawala siya sa akin sa tingin ko ay di ko alam ang mangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. His my everything right now. Sa ngayon ay sa kanya ko lang ibubuhos ang lahat. Attention, pagmamahal at oras.

"Good night bunso. Love you so much.." I replied.

Kinaumagahan..

"Good morning po baby!" napakaaga kong mensahe sa kanya. Imagine ang sarap sanang bigkasin iyon sa harapan niya pagmulat pa lang ng aking mga mata. Iyong tipong magkatabi kami sa kama at magkaharap.

"Good morning din po!" Bati niya after two hours kasi wala naman siyang pasok kaya late siya gumising. Iyon ang utos ko sa kanya total wala naman siyang pupuntahan.

"Nalalasahan ko pa din sa labi ko ang laway mo.." biro ko sa kanya.

"Di ka nagtoothbrush. Kaya nalalasahan mo pa HAHAHA.." reply naman niya.

"Nagtooth brush ako pero di natanggal.." sabi ko na lamang. Baka asarin na naman niya ako. "Sarap mo po ikiss.."

"Mas masarap ka po.." sabi niya.

"Nagtatanong si Ynna sa akin. Nagpakwento ba sa iyo?" tanong ko. Kulit kasi ni Ynna chat ng chat. Nakikibalita. Isa na siyang ganap naming tagahanga.

"Nagchat siya. Ano daw ginawa natin.." tumatawa niyang reply.

Sinabi ko na lamang na hayaan muna namin kasi tiyak kong kawawa itong baby ko kapag nagkwento ako kay Ynna. May group chat pa naman sila. Siguradong iaattack siya.

Naalala ko noon sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko siya sa Pampanga at papaalam ko sa amin na manonood ako ng concert. Tanong niya kung kailan sagot ko baka third week ng June.

"Lahat gagawin ko makita kang muli.." sabi ko. Im so determined that time.

"Sige fu.. Kaexcite naman.." sabi niya.

Ako din sobrang excited. Di ako makapaniwala sa sarili kong magagawa ko pang magsinungaling mapuntahan lamang siya.

"Basta weekend ha!" paalala niya. "Mga Saturday ganon.."

"Oo naman po. Alam ko naman sched mo.." sagot ko.

Sa sobrang tagal naming nag-uusap alam ko na galawan niya.

Nagpaalam siyang magmall sila ng kawork niya at kasama niyang isa na papuntang Taiwan. Si Ming. Sabi ko mag-enjoy lang muna siya at mamaya na kami mag-usap.

Nagchat si Geron. Nagpapakwento din kong ano ginawa namin ni Jae sa circle. Since close naman kami nagkwento ako sa kanya.

"Alam mo ba.." panimula ko.

"Ano?"

"Magcoconfess ako sa kanya kapag nag-Baguio kami.." sabi ko.

"Nang alin?" tanong niya.

"Tatanong ko sa kanya kung mahihintay ba niya ako.." sabi ko. "Kung mahihintay niya ako lilipat ako ng Pampanga para sa kanya. Doon ako titira para makasama ko siya lagi.."

"Arti mo!" sagot naman niya.

Natawa lang ako. "Bakit?"

"May pa confess-confess ka pang nalalaman.."

"Ganon talaga.." sabi ko.

Kahit naman iexplain ko sa kanya di din niya siguro maiintindihan kasi wala siya sa sitwasyon ko. Geron is not in love like me. Di niya alam ang pakiramdam.

Iyong pagcoconfess na iyon inisip kong mabuti maghapon. And I'm willing to give up and do anything for him. Mag-aadjust ako para sa kanya. Kahit mahirap handa ko iyong harapin.

Titira ako ng Pampanga kahit na anong mangyari. Andon naman siya eh. Siya ang magbibigay lakas sa akin.

Ito na ata ang pinakamahirap na planong naisip ko at sana lang kayanin ko talaga.

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading! <3

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon