GENE POV
Napakasweet naming dalawa pagkatapos kong sabihin na gusto ko na siya. Patay na patay na nga ata ako eh. Nakakatuwa lang kasi ganoon pala kapag naiinlove ako. Lagi ko siyang naiisip. Pag gising cellphone agad ang aatupagin para icheck kung may mensahe siya sa akin.
Sinabi niyang nasugat labi niya kasi kinurot niya kaya pinagalitan ko siya. Sabi ko baliw siya. Ayokong makita na sinasaktan niya sarili niya physically dahil pakiramdam ko nasasaktan din ako. Natutuyo daw kasi kaya inutusan ko siyang bumili ng lip balm.
"VC nga tayo miss na kita.." hiling niya.
"Yoko.." Syempre ako naman pabebe muna. Gustong-gusto ko siyang inaasar.
"Luhhh.. K po. Di wag po.." Sabi niya na may kasamang thumbs down pa.
Ako naman di ko siya matiis kaya nakipag VC din ako.
"Ang dungis ko.." Sabi ko. Di talaga ako confident sa mukha ko sa VC dapat kahit papaano mukha akong maayos. Nakalimutan kong sabihin na itong si Jae mukhang Korean. Medyo..
"Di naman po. Gwapo pa din.." Sabi niya.
"Ayaw ko talaga kapag walang filter. Laki pa ng ilong ko.." sabi ko sabay tawa. Filter is life kasi sakin.
"Gwapo pa din kahit ano sabihin mo.." Reply niya.
I smiled. Nakakatuwa lang kasi tanggap na tanggap niya itsura ko at kung ano ako. I think I picked the right one this time.
He cares a lot to me. Ayaw niyang nagkakape ako sa gabi kasi di daw ako makakatulog. Kapag di ako kumakain galit na galit siya. Minsan sabi niya kumain daw ako kung hindi ako daw kakainin niya. Sinaway din niya ako ng sinabi kong magpapatattoo ako at papatattoo ko mukha niya. Para daw akong timang.
Habang tumatagal ay mas lalo ko pa siyang nakilala. Lagi siyang inaantok kapag nagtuturo siya dahil di siya makatulog sa gabi. Kasi naman natutulog siya bandang 7pm at gigising ng mga bandang 9pm. Todo reklamo siyang tumataba siya pero mahilig naman siyang kumain at uminom ng gatas tuwing gabi. Aside from Korean music at Thai dramas which we both love, nalaman ko din na mahilig din siya sa anime gaya ko. We shared many things in common kaya mas nagkakasundo kami.
Palagay na palagay na ang loob ko sa kanya. Kahit siguro di namin gusto ang isa't-isa ay papasa kaming matalik na magkaibigan dahil sa mga hilig namin pero wala eh mas gusto niya akong jowain porket may itsura ako konti.
"I love you.." sabi ko.
"THANK YOU, NEXT" sagot niya.
"Halla FRIENDZONE.." malungkot kong reply.
"Joke lang.. I love you too.."
"Di na ako mag-I love you.."
"Halla!"
"Nahiya ako bigla hahaha.." mukhang nagbago na talaga ang ihip ng hangin..
Nagsend siya ng emoji na nakahawak ng heart.
"Ang sweet ng pagsabi mo ng I love you kanina.." sabi ko.. "Tapos ngayon lang ako nag I LOVE YOU.."
"Alam mo ba? Kwento ko first ex ko.."
"Ano na naman?"
"Hindi siya nag-a I Love You sakin. Di niya ako nirereplyan ng I love you too hanggang mag-break kami.."
"Hayaan mo na po.." tanging nasambit ko. "Bakit iniisip mo pa?"
"Tapos sabi niya di niya daw malabas feelings niya.. Mahal na mahal ko iyong ex ko na iyon.."
Kahit interesado ako sa sinasabi niya ay gusto ko siyang patigilin dahil bahagya akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.
"Charot lang past is past.." sabi niya.
Bakit kaya kailangan isipin pa niya iyon kung masasaktan lang siya?
"Ako po ba?" Matapang kong tanong kahit na nagdadalawang isip ako. "Di mo love?"
"Mahal po kita.. Mahalaga.."
"Sabi ko na nga ba hindi.." arte ko lang.
"Luhhh. MAHAL KITA. MAHAL. GUSTO. LOVE.."
Napakasarap basahin ang mga mensaheng iyon. Pakiramdam ko ay sobrang totoo dahil siya na rin mismo nagsabi na everyday ang feelings niya sakin ay palaki ng palaki. Di na talaga ako mag-iinarte kasi tanggap at mahal niya ako. Dun na tayo para di na mahirapan pa.
"Kelan kaya kita makakasama? Yayakapin kita at kikiss ko noo mo.." sabi ko.
"Talaga ba?"
"Gusto mo po ba yun? Yung habang niyayakap kita nagkwekwentuhan tayo?" tanong ko.
"Oo naman po" kanya namang sagot. "Gusto ko ng ganon. Best feeling po yun. Nakakamiss tuloy may kayakap pag natutulog.."
"Chat tayo mamaya may gagawin lang.. Lab u po kahit di mo ako lab.." maktol ko. "Lab pa din kita kasi narealized ko na sa sarili ko noong inenglish mo ako.."
"Luhhh sinong nagsabing di kita love? Kala ko talaga di mo ako jojowain.." bulalas niya.
"Di ka kasi makapaghintay. Kung nagtanim ka ba ng buto kinabukasan puno na ba?" sabi ko. "Lab u na po.."
"Luhhh?! Sorry na po kung atat? Di naman ako atat? Sinasaktan mo kasi ako ihhh.."
Sineen ko na lang siya at di na nagreply pa. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at siya naman nasa labas kasi mamimigay siya ng cup sleeve dahil birthday ni Sehun ng Exo at siya ang pinag-organize.
30 days of Faked Love
Thank You For Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/189955791-288-k17390.jpg)
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Não Ficção[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL