GENE POV
"Ang cute talaga hahaha. Lalong nakakainlove.." bulalas niyang chat pagkatapos akong magtapon ng mga larawan ko sa kanya.
Sabi ko naman tama na kasi baka mavirus lang phone niya at sinagot naman niyang may anti-virus daw siya.
"Send mo lahat please... hahaha.." he insisted.
"Pangit.." sabi ko.
"Di naman panget.."
"Ayaw kong madissapoint ka.." sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Ang gusto ko ay pangit ang tingin sa akin ng mga tao kasi mas maganda yun.
"Luhh. Ang cute kaya. Lalo nga ako naiinloveeeee.. Seryoso ako.."
"Baka kapag nakita mo ako sa personal madidisapoint ka ng sobra-sobra.." sabi ko ulit.
"Never akong madidisappoint.." matigas niyang sagot. "Yung ex ko nga mukhang pwet. JOKE! hahahaha dami ko tawa."
"Tignan mo tinatawanan mo.." I replied.
"Pero seryoso kasi. Cucute ng mga pic mo ihhh.. Bigay mo sakeeennn.."
Hindi ko siya sinunod. Napagtripan kong isend ang picture niya na sinend niya sa akin noon.
"Yan na po.."
"Panget naman niyan mukhang tae.." sagot niya..
"Cute nga pong umiri ih.."
"Ewww! Delete mo yan. HAHAHAHA.." utos niya. "Panget-panget bakit ka nagsasave ng pangit?"
Para mas lalo siyang mainis nagsend pa ako ng iba bagay na pinapabura niya.
It was April 9 when we talked about seeing each other.
"Baka po madiri ka sa akin.." sabi ko na may kasamang sad emoji.
"Bakit naman po? May tae ka ba?"
"Gago.." sabi ko habang tumatawa. "Pangit nga diba tapos maliit ako na parang dagul.."
"Okay lang po yan. Pangit din ako at di rin katangkaran.."
"Di kasi ako confident.." pag-aamin ko.
"Ikaw nga ito excited makipagkita tapos ayaw. Ano kaya 'yun.."
"Syempre joke lang. Halla ako ba excited?"
"Ako din po excited.."
I told him na gusto ko siyang yakapin at sabi naman niya hahalikan daw niya noo ko kasi sakto daw doon kasi nga mas maliit daw ako sa kanya. Sabi ko naman pipikit lang ako at magpapaubaya tapos sabi niya pagdilat ko daw ay wala na daw siya sa harapan ko. Nakaluhod na daw siya sa akin para itali daw yung sintas ng sapatos ko pero sabi ko mag-tsitsinelas lang ako kaya nabasag iyong trip niya.
"Pinanganak akong manira ng ilang bagay.." imporma ko habang tumatawa.
"Sabi ko na eh, sisirain mo din puso ko.."
"Drama mo po.." sabi ko na lamang.
Sa unang pagkakataon ay nagVC kami. Syempre ako di sanay kaya nahihiya ako. Sabi ko pa sa kanya ang dugyot ng mukha ko kapag walang filter. Pangit pa ng boses. Pati daw siya ay nahihiya. Di ko rin tanda kung ano na napag-usapan namin.
Sinabi niyang kumain na ako pero wala akong gana. Nagalit siya at sinabing huwag daw akong magpapagutom. Syempre ako naman natuwa dahil sa concern na pinakita niya. Nakakataba ng puso kapag may nag-aalala sayo.
Nag-video call ulit kami for the second time.
"Nu na.." tanong niya noong hindi pa ako tumatawag.
"Nahihiya ako hahahah.."
"Luh! Nahiya pa eh, nakapagVC na eh.."
He called but I cancelled it.
"Halla wait.." sabi ko kasi di talaga ako confident.
Ako na tumawag na agad naman niyang sinagot. We took so many pictures. Kahit pangit G lang kami. Ansaya namin kahit ganoon lamang. Iyong antok ko nawala habang kausap ko siya. Masaya ako kahit na nahihiya akong kausap siya.
"Buti nakatakip ako ng mukha.." sabi ko ng matapos usapan namin.
"Post ko na ba.." tukoy niya sa larawan naming dalawa. "Para iyak mga may crush sayo hahaha.."
He knew na maraming nagkakagusto sakin. Kaya nga siya nagalit noon ng magreply ako sa isa. Nagtampo siya. Eh para sa akin wala namang masama.
"Bahala ka.." sabi ko lang. Account naman niya yun.
"Ayoko baka ma-issue. Friends lang naman tayo.." sabi niya.
I sent him his own photo. It was a funny one kaya pinapadelete niya.
"Post ko na. Caption Videojakoling with my friend.."
"Sige nga po.." sabi ko naman.
So he did. He posted it with the caption he said.
"Hahahaha Taena.." bulalas ko. "Gene Left The Universe.."
Nakakahiya naman kasi..
"Ayan na.. Pota! Si Ynna unang nagcomment sabi na nga ba.." natatawa niyang turan sakin.
"Nabasa ko nga.." sagot ko.
"Issue talaga iyang si Ynna.."
I remember almost two months na din pala kaming nag-uusap nitong si Jae. At sa mga panahong iyon ay alam ni Ynna na may gusto si Jae sa akin. Siya din nagkalat sa GC namin at siya ang laging nagcocomment saming dalawa.
May pagka-echusera siya dahil lagi niya kaming pinagtritripan. Di ko alam kung shipper siya o bitter lang ang lola mo.Naggood nightan na kaming dalawa dahil gabing-gabi na.
"Nagcomment mga frenna mo.." pahabol niya. "Di ko sila kilala. Si ano lang.."
"Bahala ka na diyan.." sabi ko.
"Taksil ka daw hahaha!"
I just shrugged. Tanda ko yung nagcomment ng taksil nun yung babae na may gusto sakin.
Nagsend siya ng napakadaming hearts. Lunod na lunod na ako. Ang saya namin parehas.
"Bye na!" sabi ko.
"Good night po! Lab you.." sabi niya na agad niyang dinelete at sinabing JOKE.
30 days of FAKED LOVE
Thank You For Reading!
BINABASA MO ANG
30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]
Non-Fiction[BASED ON A TRUE STORY!] LOVE, TRUST and BETRAYAL