CHAPTER 21

397 12 1
                                    

GENE POV

"Ingat ka.." chat ko habang papaalis ang bus na sinakyan ko. "Grabe, mamimiss talaga kita.." To be honest nakaramdam talaga ako ng lungkot pagkatapos naming magkahiwalay. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.

"Ingat din po.." he said na may kasamang dalawang hearts.

Bumalik siya ng hotel kasi sabi ko doon na siya matulog kasi mag-isa lang naman doon si Hannah. Kawawa naman siya kung uuwi pa siya ng Pampanga. Ayoko siyang mapagod.

"Nalulungkot ako.." sabi ko.

"Oo nga po eh. Miss na po kitaaa. Huhu.. I love you po.." he sound so sweet in my head.

Ganon kami ka eme na kakahiwalay pa lang miss na namin ang isa't-isa. In love na in love kami e, wala kami magagawa.

"I love you more.." sagot ko ng makarating ako sa bahay. Sabi niya magpahinga na daw ako. "Grabe hiya ako sayo.."

"Luhh baket?"

"Sa totoo lang di mo ako deserve pero thank you for accepting me.." Para kasi kaming langit at lupa. Ewan lang dahil siguro simpleng tao lang tingin ko sa sarili ko tapos siya ang taas-taas ng tingin ko. "Ang cute mo sa personal.."

"Everybody deserves to be loved.." he said. "Liit mo po.." sinabayan niya iyon ng mahabang tawa.

"Tangkad mo e, tapos makinis at maputi.. Nese u ne eng lehet.." biro ko.

"Ikaw makinis ako hindi. Mas maputi ka sa akin.."

"Nag-enjoy ako at worth it today. Smack kissed twice.."

"Landi mo po.." sabi niya.

"Pangit ko. Sana di ka nadissapoint.."

"Di naman po. Sa akin ba?" tanong niya.

"Never po akong madidisappoint.." sagot ko. "Sinabi ko na noon. Tayo na ba?"

"Oooooo.." sagot niya. "May jowa ka na.. Hihi.."

"First time kong magkajowa ng lalake.." sagot ko habang tumatawa. Di ko talaga inaasahang mangyayari ito sa akin. "Mas mapupuyat ka na naman kasi may jowa ka na.."

"Same pa din! Basta matulog tayo 10 or 11pm.."

"Sarap mo po yakapin.." sabi ko.

Iba pala pakiramdam kapag mahal na mahal mo niyayakap mo like sobrang satisfying siya. May pakiramdam na di mo maiexplain kung ano ba ang pakiramdam na iyon.

"Mas masarap ka pong yakapin kasi maliit ka.."

Kung kasama ko pa to masasakal ko na siya. Di man ako maliit sakto lang.

Sabi ko ang cute-cute niya sa personal at ang sarap niyang ikiss sa cheeks. Sabi niya dinig daw ni Hannah mga smack ko pero okay lang daw sa kanya kasi sa kanya daw niya unang pinapakilala ang nagiging jowa niya. Bff nga naman.

Sabi ko, kung pwede lang na di ako uuwi ay di na talaga ako uuwi. Di ko makakalimutan iyong paglalakad namin sa may Gateway. Isang bonding na unforgettable. Sabi naman niya di na daw niya ako pauuwiin sa susunod. Sana nga lang.

Natulog akong nakangiti that night kahit madaling araw na. Parang ayaw ko na ngang matulog eh. After ko siya makita pakiramdam ko mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Naisip kong wala ng atrasan pa. Gaya ng isang ilog sasabay na lang ako sa agos. Ayaw ko munang isipin ang future dahil ang mahalaga sa akin ay itong ngayon. Masaya ako di ko iyon maitatanggi sa aking sarili.

----------

We were madly deeply inlove in the very first day bilang magjowa. Kung maaari nga lang magcelebrate kami ng daysary gagawin namin eh. Cheesy pero ganoon talaga kapag naiinlove ka.

"I love you.." I said.

"I love you too.."

"Kahit nahihiya po akong sabihin sa personal.."

"Landi mo nga eh.. Nahihiya mo to.." sabi niya.

"Love na love po kita.."

"Ayiiieeut! Ako din po. Pinatitibok mo ang nota nota ko.. puso pala.."

"Miss na kita agad.." malungkot kong turan. Sana lang may kapangyarihan akong patigilin ang oras. Gusto kong tumigil ang pag-ikot ng mundo noong kasama ko siya.

"Ako din po. Kailan kaya ulit kita makikita? Hayst.. Kaiyak po.." sabi niya.

That's when I planned to visit him in Pampanga. Maliban sa kanya gusto ko rin muna mamasyal doon bago umuwi samin. "Punta ako Pampanga.."

"Basta if pupunta ako/kami inform po kita. Para magkita ulit tayo.." sabi niya.

Sinang-ayunan ko iyon. Sabi ko pa kahit saglit lang. Sabi niya makita lang niya ako sapat na. Next month iyon kasi may fanmeet silang ioorganize ulit.

Sabi niya di muna siya lalabas ngayong buwan kasi need niya mag-ipon dahil sa gala nila ni Hannah. Di ko alam kung saan.

Kahit isang buwan pa bago kami magkita we already planned something. Ganon kami kaexcited.

Bumalik na sila ng Pampanga kasama ng bestfriend niya pero yung usapan namin tuloy-tuloy lang. Inlove kami eh.

Sabi niya nahihiya siyang hawakan ko kamay niya kasi nagpapawis. Sabi ko okay lang di naman ako maarte. Nakakahiya daw kasi. Tinanong kong muli kung di siya na turn off sa akin at di naman daw kasi expected na niya lahat ang dapat iexpect. Di naman daw siya choosy kasi pangit naman daw siya.

I told him that I like to stare at his face kaso nahihiya siya. Pabebe much! His nose is small sabi ko ang cute.

Sabi niya naiinis daw siya kasi gusto niya ako halikan ng matagal. Sabi ko ako din naman.

"Grabe dumagsa yung mga may crush sayo ng comment sa post ko.." sabi niya na pinost niya kagabi na larawan namin.

"Puro biro-biro lang yan sabi ko.." I don't care. Ni hindi ko nga chineck yung mismong post kasi mas focus ako sa kanya.

He mentioned four names na mga kaibigan ko lang naman.

"Dami ko kaagaw hasyt.."

"Sayo lang po tete ko este puso ko.." biro ko kaya sinabihan niya ako ng bastos. Tawang-tawa naman ako. "Mas lalo po akong nafall sayo kagabi  Narealized ko na gustong-gusto talaga kita.." sabi ko.

"Ayieut ako din po.." sabi naman niya. "Akin ka lang!"

Those words hit me like a love arrow. Syempre feel na feel ko naman. Naniwala ako ng walang alinlangan.

"Sa iyo lang naman talaga ako kasi wala ka namang kaagaw. Yung mga iyon nagbibiro lang.."

Pakiramdam ko habang sinasabi ko iyon sa kanya namumula mukha ko na para bang isang hinog na kamatis. Ngayon lang ako naging super duper honest sa isang tao. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig dahil nagagawa nitong baguhin ang isang tao kung saan nailalabas niya ang tunay na kulay.

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon