CHAPTER 2

4K 97 5
                                    

GENE POV

Dahil nga sa ganap na fanmeet di na ako gumamit ng FB. Iwas inggit na lang din.

Pagbukas ko kinagabihan ay nagulat ako. Inaccept ni kuya friend request ko. Inaccept ako ni Jae Rim Song. Wow! Kala ko deadma si Kuya. Hindi naman pala.

So, naisipan ko siyang imessage..

"Ay kala ko po di niyo iaaccept. Haha. Thank you po! See first para updated sa post.."

"Ay grabe po.." kanyang sagot. "Wala naman po akong masyado maipost. Masyadong busy nung fanmeet wala akong napicture ni isa.."

"Okay lang po iyon para sigurado ko makita ko news about kpop at BL kung ano mga kaganapan.." sabi ko.

TBH, gusto ko ng madaming kaibigang spazzer. Iyong mga matitino ang post at authentic. Di iyong mga spazzer na pasikat, pabebe o di kaya ay jeje. Kabwisit sila.

"Kayo po nagdala sa cast ng LBC?" muli kong tanong.

"Umuwi na sila T.T.. Team ko nagdala. Im part of the organizers.." sagot niya.

"Next time po hire niyo akong staff. Taga linis ng kahit ano. Alilain niyo ako..." Biro ko sa kanya. "Sino po next na dadalhin niyo?"

"Pagmemeetingan pa namin kung sino next dadalhin. Grabe naman iyong alilain.. Haha.. Pwede JOWAIN na lang? Joke HAHAHAHA..." sabi niya.

"Halla wag po.. Marupok po ako..."

Landi naman neto kakikilala palang jowain agad.. Tsk!

"Sana OffGun ulit kasi wala pang bago na pwedeng dalhin.." dugtong ko sa mensahe ko.

"Oo nga e.. LBC pa din pinakasikat.. HAHAHA. Same po. Marupok din ako. Charot!"

"Gano karupok? Bibigay ba sa akin?" Hala bakit ko iyon sinabi tang ina..

"Naman.. Pero ako'y isang patatas lamang..." sabi niya.

"Bigla akong naloading sa patatas.. Teka.."

"Hahahaha. I'm just a patatas who doesn't deserve to be loved.." he replied.

"Halla! Lahat naman deserve ng love po.." sabi ko.

"Joke lang 'yun syempre.. Friendly love lang binibigay nila sakin hahahaha.."

"Baka di mo pa nahahanap iyong taong magpapatibok ng puso mo.. Baka sperm cell pa?" biro ko na lamang.

"Buset. Di na ako magkakalove life kung sperm cell pa. Pero baka ikaw na iyon? HAHAHAHAH.."

Luhhh! Landi naman talaga nitong si kuya. Ni di pa nga niya ako kilala.

"Parang kailangan ko ng hangin.." sabi ko.

Kahit nagbibiro siya hindi ko gusto ang mga ganito. Im not into relationship kaya single ako mahigit nine years na.

"CPR kita.."

ME LIKE eww

"19K followers tapos walang love life?" Sabi ko na lamang.

"Di naman sila active. Dumami lang iyan dahil dun sa pinost ko na video na nag-viral hahaha.."

"Sikat ka din sa mundo ng kpop. Nagdadala ng Thai Actors. Mukhang sperm cell pa lang talaga yung future mo.."

"Sad po.." kanyang sagot. "Sige hintayin na lang yung sperm cell.."

"Di ka pa ba nagkakajowa? Ako kasi hindi pa.."

"Nagkajowa na 2 years ago.. Weh? Talaga ba? Di siguro.."

"Gusto ko kasi mas matanda sakin. Ala pa akong nahahanap.. Gawin mong 3years" muli kong biro.

"Ang sama.. Hahaha.. Ilang taon ka na ba? Matanda naman ako for sure.."

"Weh? Mukha ka ngang bata eh.." sabi ko na lamang. Matanda na kasi ko.

"Hindi ah! 24 na ako.."

"Halla mukha kang bata. Mukhang bagong tuli lang.." pang-aasar ko.

"Busit ka.."

"Joke lang po! 25 na ako.." sabi ko.

"Mukha akong matanda sa personal.. Ay weeehhh?? Di halata.. Di siguro.. Mukha kang grade school.."

Normal na sakin ang ganyang reaction dahil sa totoo lang di nagmamatch itsura ko sa edad ko. Napagkakamalan pa nga akong high school student.

"Mukha naman akong si dagul sa personal.."

"Mukha ka talagang grade school.. Maliit ka ba? HAHAHAHA.."

"25 na talaga ako. Sana nga grade school na lang. Di naman ako maliit.."

"Payat ka kasi kaya kala ko maliit ka hahaha.."

Ay grabe naman to. Payat agad di ba pwedeng sakto lang? Tiyaka bakit mas matanda na naman ako sa kanya? Lahat na lang ng kaibigan ko na mahilig sa kpop at Thai mas bata sa akin. Bakit Lord??

"First time kong mag-try lumandi. Hirap pala hahaha. Kaya di ako nagkakalove life.." sabi niya..

"Sino ba nilalandi mo?" Tanong ko.

"Oo nga sino ba nilalandi ko? Wala naman hahahaha. Anong pinagsasabi ko?"

Bakit ganon ang tao? Kapag nakakita ng gwapo landi agad? Mas prefer ko kaibigan lang.

"Baka yung destiny mo kapitbahay mo lang. San ba bahay mo?"

"Puro mga chinese at korean nandito :(.."

"Bakit ka po sad? Ayaw ko po nalulungkot ang isang tao lalo na kapag walang love life.." sabi ko.

"JOWAIN MO AKO para di na ako malungokot.. Jokee..."

Agad-agad? Di ko tuloy maiwasang tumawa ng malakas.

"Di mo naman ako kilala lol.."

"Pwede po ba kitang kilalanin? hahaha.." He asked.

"Bukas mo na ako kilalanin.. Matutulog na kuya mo. Good night nong!" Sabi ko na lang para makaiwas sa kanya. Baka saan pa kami mapunta. Mahirap na at baka umasa.

"Sige po kuya.. Paalam po este good night! Have a sweet dreams.."

So that's how our first conversation. Unang usap pa lang nilandi na niya agad ako. Wala lang 'yun sakin dahil lagi akong nagaganyan. Sanay na sanay na ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay natulog na ako dahil kinabukasan ay kailangan ko na naman ng lakas para lumaban.

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon