CHAPTER 26

330 13 0
                                    

GENE POV

"Kwento ka nga.." utos ko.

"La po ako alam ikwento. Tungkol saan?"

Napasisip ako. Wala akong ibang maisip kaya ang tinanong ko ay..

"May crush ka ba dati bago naging tayo?" Sobrang curious din ako kung malandi ba siya.

"WALA NAMAN. WALA DIN AKO IBANG KALANDIAN. WALA IBANG KACHAT. Kasi wala namang may gusto sa akin.." sagot niya habang tumatawa.

"So ano iyon? Noong inaccept mo ako shoot na agad na ako na?" natatawa ko ring turan kasi ganoon ba ako kapogi? Joke.

"Di naman. Inaccept lang kita. Kung di ka nag-chat baka walang tayo ngayon.." sabi naman niya.

Naalala ko pala nagpasalamat ako noon sa pag-accept niya. Taas kasi ng tingin ko sa kanya eh.

"Ala ka palang balak ichat ako noon. Nakakagulat.." as in gulat talaga ako kasi noong unang linggo naming magkakilala chat siya ng chat. Napakakulit niya.

"Seryoso di talaga ako mahilig makipag chat.." Teka linyahan ko iyon ha? Gaya-gaya siya. "Kahit gwapo pa. Kaya di ako nagkakajowa. Tamang accept lang.

"Luhh tirador ng gwapo.." sabi ko naman. "Pero di ka nakatsamba ng gwapo ngayon.."

"Ok lang.." he replied.

"Napunta ka sa okay lang.."

"Basta nakatsamba ng love life. Wala akong pakealam sa gwapo. Gwapo ka naman para sa akin.." sabi niya.

"Nakakaiyak po.."

"Bakit?" he asked.

"Ngayon lang may nagsabi na gwapo ako. First time.."

"Ilang beses ko ng sinabi!!" sabi naman niya.

"I mean ikaw lang po nagsasabi. Wala ng iba.." madrama kong turan.

"Utot mo.."

"Nagkajowa ako ng oppa.." sabi ko

"Oppakan.." sagot naman niya.

"Happy weeksary po! Mahal na mahal kita bunso. Yieeehh!" sabi ko ng maalala kong isang linggo na pala kaming punong-puno ng pagmamahal. Hello mga langgam..

"Wow naman po one week na tayo. Mahal na mahal din po kita liit.." sabi naman niya

Sarap basahin ng mga katagang iyon. Damang-dama ko. Lakas maka-fall.

"Nagsearch ako ng couple room sa Baguio.."

"Luhhhh may pacouple hahaha. Pakasal na tayo.. Joke!" biro niya. I rember nagbiro din siya dati na mag-live in na daw kami.

"Kasal agad one week pa lang? Magkuya ba dapat isearch ko?" tanong ko.

"Hahahah coupal.. Joke!"

"Ayaw mo ba couple tayo?" malungkot kong turan. Isa ito sa mga ayaw ko sa kanya. Iyong tipong sweet para sakin lagi niya kinokontra. Ilang beses pa niyang sinabihang korni ako. Seryoso ba talaga siya sa akin? Alam kong hindi iyon ang sukatan pero sana maki-ride on naman siya. "Gusto ko na mamatay.."

"Hoy! Nagjojoke lang. Syempre gusto ko. Baliw! Bakit mo sinasabi iyan?" galit niyang turan.

"Syempre drama lang..." sabi ko. Bakit ako papakamatay sayang lahi ko. Ikalat ko muna.

Naalala ko sinabi ko pa sa kanya noon na dapat tanggap niya lahat ng flaws ko, sabi niya oo naman daw. Para sa akin kasi kung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo kung ano siya bilang siya.

Nagkwento siya ng something. Sabi ko dami ko kaagaw sa kanya kaya natatakot ako sabi ko. Buti na lang may tiwala ako sa kanya. Sinabi ko iyon mismo. Sabi naman niya wala daw akong kaagaw sa kanya. Sampalin daw niya ako.

"Ako nga dami ko kaagaw sa iyo. Dami may gusto sa iyo.. Hayst.." sabi naman niya.

"Di naman kita ipagpapalit no kung meron man magkagusto sa akin. Love na love kita.." sabi ko. This is real kasi alam ko sa sasarili ko na deep inside hinding-hindi ko siya lolokohin. Alam ko kung gaano kasakit ang maloko kasi I've been there. Masakit as in sobrang sakit. Ayaw kong iparanas iyon sa kanya kasi di niya deserve.

"Kahit crush mo magkagusto sa iyo?" muli niyang tanong.

"Wala po akong crush sa ngayon.." tumatawa kong turan. Siya lang sapat na. "Isa pa bihira ako magkacrush.." dagdag ko pa.

Sinabi ko pa sa kanya na ayaw ko siyang mawala sa akin. Mahal na mahal ko siya. Iyon lamang ang naiisip ko to the point na handa na ako kung ano mangyayari sa amin sa hinaharap. Mga balakid at problema o kung ano pa man. Handa akong harapin ang lahat ng iyon. Basta't kasama ko siya.

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon