CHAPTER 29

332 11 0
                                    

GENE POV

It was May 12 when he dreamed of me. Two weeks na palang kami. Gaya ng dati natulog siya ng gabi at nagising bandang 10:25 PM. Iyon 'yung pinakagabing nagising siya. Mostly mga 9 or 10PM tapos bigla na lang siya magchachat. Sabi niya napasarap tulog niya dahil napanaginipan niya ako. Namiss niya daw ako ng sobra kasi nasa panaginip niya ako. Rason kung bakit napahaba at napasarap tulog niya.

He asked a photo. I sent the cute one.

"Sarap dukutin mga mata mo. Fetish ko talaga mga singkit na malaki mata.." sabi niya.

"Ano kaya iyon?" natatawa kong turan.

"Kagaya ni Dahyun ng Twice. Kaya bet na bet ko.."

"Congrats! Lalake ka na po.." natatawa kong turan muli.

"Lalaki naman talaga ako pero ikaw bet ko (With matching hearts..)"

"Sarap naman po basahin.." kinikilig ko pang turan.. Muntanga lang ako.

"I love you po.. Ikaw lang po jowa ko. Faithful po ako. Di kita ipagpapalit.." He promised. Syempre I trusted him so much. Ganon naman ako lagi.

I made a promised too. Sabi ko di ko siya ipagpapalit. Pinangako ko rin sa sarili ko na hinding-hindi ko siya sasaktan kasi hindi niya desereve iyon. His my baby eh, and I really love him so much.

I remember he said na ayaw daw niya akong mawala sa kanya. Sobrang sweet di ba? Nakakadiabetic.

May araw na hindi kami nakapag-usap ng maayos kasi busy siya. Syempre parang mayroong kulang sa araw na iyon. Nasanay na kami eh.

"Masakit puso ko.." sabi ko.

"Bakit po masakit puso mo? Sino po nanakit sayo?" tanong niya.

"Sinisigaw name mo. Hinahanap ka.." sagot ko. Wala e, miss ko talaga siya ng sobra.

"Sorry na po. Busy kasi today. Dami ginagawa sa school. May mga new students kasi tapos inaayos new books.." isplika niya.

"Halla wait wag ka mag-explain.." agad kong turan. Naiintindihan ko naman siya. Binibiro ko lang.

"Sampalin kita.." sabi niya. "Nang ano.. Nang kiss.. Lab you po.. I miss you.. Eut.."

God! How to calm down? His so fucking sweet. Di ko alam kung sadyang mababaw lang ang kaligayahan ko bilang isang tao subalit masaya na ako kahit sa mga ganoong simpleng landian lang namin. Pakiramdam ko sobrang inosente ko pa.

"Kapag nagkita tayo sa Baguio. Sobrang pangit ko na.." mangiyak-ngiyak ko pang turan sa kanya. Kasi naman baka magmukha na akong ewan kapag katabi ko siya.

"Ganon? Wawa ka naman fu.."

"Iitim ako ng sobra.." sabi ko.

"Papanget you.." pang-aasar niya na may kasama pang tumatawang pusa.

Nagreply ako ng emojing umiiyak. Mga tatlo.

"Ikaw pa din naman bibi ko.." reply niya.

"Baka di mo na ako makilala. Seryoso iitim talaga ako.."

"Okay lang iyan. Pakilala ka na lang ulit.." sabi naman niya.

Me like okay! Tignan natin.

Kapag nagpopost ako at may mga babaeng nagcocomment sa post ko nagrereact siya ng angry bagay na kinatutuwa ko pa. Simpleng bagay pero ang lakas ng impact sa akin kasi pakiramdam ko binabakuran niya ako. Para siyang isang mataas na pader na di kayang tawirin ng iba. Naisip ko na lang baliw na talaga ako. Baliw na baliw sa kanya.

"Pasarapin ko buhay mo. Charot!" he said.

"Masarap na po buhay ko kasi nakilala kita.." real na real na mensahe ko. Grabe! Never ko pa iyon sinabi as in sa kanya pa lang. Di ko rin alam na kaya ko iyong sabihin sa isang tao. Nagmatured na ata pag-iisip ko.

"Ayieeut! Landi naman po.." tanging sinabi niya.

"Kilig ka ba?" I asked.

"Slight.." tanging nasabi niya.

Lumipas ang mga araw hanggang dumating ang sabado. Ito iyong araw na major meeting nila at kung saan kami magkikita. This will be the second time. Syempre ako excited much.

Hindi ko siya chinat. Hinayaan ko lang na matulog siya kasi wala siyang work at isa pa ay sobra siyang napuyat kasi tatlong students niyang Korean nagpagoodbye party. Graduate na sila at pabalik na ng Korea.

Dumating ang hapon. Nataranta siya kasi hindi siya makalabas dahil sobrang lakas ng ulan. Ako naman medyo nalulungkot kasi baka di kami matuloy magkita. Naghintay na lang ako kung ano mangyayari.

Tumila ang ulan kaya nakalabas siya. Pagdating sa may Cubao ay natraffic siya bagay na kinainis niya. Sabi ko naman lagot na siya kay Hannah kasi gabi na wala pa siya sa venue ng meeting nila. Mukhang wala na siyang dadatnan.

Ako naman nagbihis na din at sumunod. I took a taxi kasi di ko alam iyong lugar. Kahit magastos okay lang basta makita ko siya. Iyong pera naman kasi mapapalitan pero iyong moment na kasama siya ay hindi.

Pagdating sa venue ay agad ko siyang hinanap. Sakto namang lumabas na sila kasi tapos na meeting nila.

Pagkakita sa kanya ay agad akong lumapit at niyakap siya. To be honest, wala akong pake sa paligid that time. Kahit nandon pa ang entire member ng team nila. Kahit may ibang tao sa mall. I really don't care. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko ang baby ko na eighteen days kong hindi nakita.

"Landi naman.." sabi niya.

I just smiled and look at his face. As usual his wearing his eye glass and this time nakasuot siya ng sweater. Sweater is life kasi para sa kanya.

"Para kayong nasa ibang bansa.." puna ni Hannah.

Nakasuot din kasi ako ng long sleeves this time. Baliw kami parehas no? Kasi naman sobrang init pero nakaganoon kami.

Ito rin iyong unang pagkakataon na nakita ko si Ynnah. She looks so stunning in personal. I just said HI! Kasi medyo nahihiya pa ako.

I stared each one of them. Para silang nasa high society na sobrang hirap abutin. Mga ngadadala ng Thai artist eh mga diko kalevel. Nasabi ko sa sarili ko kaya ko bang sabayan ang mga ito? Or makakasundo ko ba sila? Sabi naman ni Jae mababait sila. Ewan ko lang.

Nagsimulang magsialisan ang iba kasi uuwi pa sila ng Bulacan. So, ang naiwan ay si Ynnah, Hannah, Jae, Ako at dalawa pa na hindi ko kakilala.

Pagkalabas ay kanya-kanya silang kuha ng grab.

"Para kang high school student.." sabi ni Ynnnah.

"Ganon talaga.." sabi ko na lang. Pero sa totoo lang di rin nakakatuwa magmukhang bata minsan.

"Uuwi ka pa ng Pampanga?" tanong ni Hannah kay Jae.

"Sosogo kami.." biro niyang sagot.

"Hindi.. Uuwi ko siya sa amin.." sabat ko naman.

That's when Ynnah started to teased us. Iyong mga mata niya para bang laser beam na kala mo mabubutas kami. Mas excited pa ata siya sa mangyayari kaysa sa amin ni Jae.

Nang dumating grab ay nagkanya-kanya na kami. Kami ni Jae ay nag-grab din at gaya ng plano namin ay nagpunta kami sa Circle para mag-date.

30 days of FAKED LOVE

Thank You For Reading!

30 days of FAKED LOVE [A REAL BOYS LOVE STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon