Chapter 22

1.1K 34 0
                                    

Aira Kingdom

(Kim's pov)

Ng matapos ang pakikipaglaban ko sa kanila ay naisipan kong pumunta sa Aira Kingdom.

Ng makarating ay makikita kung gaano ka saya ang lugar.Ang ibang tao ay nagamit ng kapangyarihan at ang iba ay hinde.Medyo padilim na kaya makikita mo ang kulay asul na ilaw.

Makikita mo rin ang mga magkasintahan na naglalakad.At ang mga batang naghahabulan.

Napatingin ako sa mga tao at kita ko ang pagiging makaluma na suot nilang damit.Para itong damit sa mortal world (noon) kaso nga lang ang pagkakaiba ay mas maganda ang disenyo ng suot nila.

Pumunta ako sa bilihan nila ng mga pagkain.Nakasulat sa taas ng tindihan ang salitang 'Pagkain' Gamit ang alpabetong baybayin.

"Binibini,Ano ang nais mong bilhin?"Pati ang tunog ng pagsasalita nila ay naiiba.Napapansin ko rin naman iyon dati.Magkakaiba ang tunog ng pagsasalita nila base sa kulturang kinalakihan nila.

"Maiinom na lang ho sana.Ano ho ba ang pwede kong bilhin?"

"Fanta at Jaz,Binibini.Anong nais mong kulay?"

"Yung fanta na lang ho sana.Yung kulay dilaw.Meron po ba kayong snacks?"

"Mmmm.Oo binibini.Halina't ikaw ay mamili."

"Isang box ho ng Bazooka,Limang Tofi Luk,Sampong Tiniwini,At dalawang Safari."

"Anim napu't limang piso ang kabuoan binibini."Binigyan ko naman siya ng sakto at inintay kong mailagay lahat ng mapamili ko sa isang supot.

"Sa mundo ka ng tao isinilang binibini?"Pagtatanong niya.

"Oho.Paano niyo nalaman?"

"Base sa iyong pananalita.Ano ang iyong kapangyarihan?"

"A-----"Di ko naituloy ang pagsasalita ko ng marinig ko ang hiyawan ng tao.

"Ang hari at reyna ay paparating!Yumuko tanda ng paggalang!"

Mabilis naman silang nagyukuan.Kita ko ang isang karwahe na dumadaan sa gitna ng bayan.Kita ang karangyaan ng karwahe.Andami ring nakapaligid na lalaking mukhang sundalo sa may karwahe.

"Binibini,Kung ako sa iyo ay yumuko ka.Baka parusahan ka kapag nakita ka nila."Mahinang bulong nung magtitinda.Kaya mabilis naman akong yumuko.

Inintay ko naman na makadaan paalis ang karwahe kung saan nakasakay ang hari at reyna.Ngunit nagulat ako ng may nga tumamang itim na bola sa paa ng unimagic na sinasakyan nila.
Nagsihiyawan naman ang mga ito.Pati ang mga tao.

Kita ko ang pagka-alerto ng bawat sundalong nakabantay sa hari at reyna.At makatapos ang isang segundo ay nakita kong nagsilabasan na ang iba't ibang tao galing sa kung saan.Siguro ay daan daan ang mga ito.Mabilis namang umalis ang ibang tao.Yung iba ay nagtago dahil mga kuryoso.Samantalang may ilang natira na nakayuko pa ren.katulad ng matandang nagtitindang katabi ko.Halatang natatakot pero handang tumulong para magapi ang mga kaaway.Samantalang ako ay nangangalay nasa kakatayo

Kaya tumunghay na ako sabay nito ang pagbukas ng karwaheng sinasakyan ng hari at reyna ng Aira Kingdom.

"Anong ibigsabihin nito?"Simpleng tanong ng reyna kita ko ang takot sa mga mata.

May lumapit namang isang lalaki na may maskara sa mata at binigyan ang hari at reyna ng nangaasar na ngiti.

"Simulan na ang laban!Kailangan makuha niyo ang hari at reyna na humihinga pa!"Sigaw nito.

CELESTIA'S KINGDOM THE LONG LOST POWERFUL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon