Powers
MATT's POV
Nang matapos si prof na magturo ay umalis na sya, tatayo na sana kami ng makita naming hawak ni kim ang kanyang noo at parang may iniinda.
Masakit ba ang ulo niya?
"Kim anong nangyayari sayo"may pagaalala na tanong ni ashley sa kanya pero di ito sumagot, at bigla itong nahulog sa kinauupuan.
Gagamitin ko na sana ito ng kapangyarihan para hindi mahulog sa sahig ng makita kong nasalo na ito ni Blake.Hindi ko man lamang nakita kung paano ito nakapunta roon.
Nagteleport naman agad sila.Pero dahil nahihirapan pa kaming gamitin ang teleporting spell ay mabilis na kaming tumakbo sa clinic.
Ang iba't ibang emosyon na hindi niya ipinapakita noon ay ipinapakita na niya ngayon at dahil lang sa iisang babae.Hmmm.
Ng makarating na kami sa clinic ay nakita namin na nakahiga si kim sa kama.At inaasikaso ng female royal healers.
Ang healers na para lamang sa royal family.Ganon na ba talaga ang kanyang pagaalala kaya pinili niyang ang umasikaso kay Kim ay sila?
Nakita kang umiiyak si Ashley.Mahal niya talaga ang kaniyang kaibigan.Bibihira ang ganiyan.Ang iba yung inaakala mong kaibigan yun pa yung humihiling na mamatay ka.
Plastics.
Nilapitan ko siya at niyakap.Gusto kong malaman niya na maayos lang ang lahat.Na huwag na siya malungkot.Nahahawa kasi ako sa kalungkutan niya.
Siguro nga ganon kapag mahal mo ang isang tao.Kapag nakikita mo itong naninibugho ay mararamdaman mo din ito ng doble.
"Magiging ayos din ang lahat"bulong ko sa tenga nya.Naamoy ko ang halimuyak ng buhok niya.Ano bang ginagamit nitong pampalig-Teka ano ba itong mga iniisip ko?
Napabitaw na lang ako sa kanya ng makita kong huminahon na siya...Mabuti naman.
Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na sa amin ang female royal healers.Hindi naman malungkot ang mukha nila.Kaya sigurado ako na hindi ito malala.
"Okay lang po sya kailangan lang ng pahinga nahimatay lang sya dahil sa biglang pagpasok ng mga alaala na nawala sa kanya"sabi ng isang magandang healer.Ito ang pinakabata sa kanila.
Ala-Ala?
"Ala-ala ibigsabihin nagka amnesia sya?"tanong ni sheila
"Opo marami syang nawalang alalala.Lalo na po nung bata pa siya.Mukhang nauntog ito kaya nawala ang kanyang mga ala-ala.Pakibantayan na rin po siya kasi baka pilitin niyang isipin kung ano ang nangyari noon.At makakasama po ito sa kanya."sabi ng healer habang ito ay nakayuko.
"Ganon ba siya maaari na kayong umalis."sabi ko sa kanila.
"Paalam po,Your royal majesties"At umalis na sila sa silid.
"Alam mo ba ashley na nawalan ng alaala si kim?"tanong ko kay ashley.Baka kasi may alam siya kung bakit nawalan ito ng ala-ala,Saan at kailan?
"o-oo parehas naming alam na nawalan sya ng alaala dahil daw napatama ang ulo sa bato kaya sya nagka amnesia"sabi nya na nakayuko.Napatango naman ang iba.Ngunit ako alam kong nagsisinungaling siya.Pero alam kong may rason siya kaya ipinawalang bahala ko na ito.
(KIM'S P.O.V)
KINABUKASAN
Andito kami ngayon sa room at kasalukuyang iniintay si Prof
Ayaw pa nga nila ako papasukin pero dahil gusto ko wala silang nagawa.Buhay ko ito.Kaya ako ang masusunod.
Alam kong wala ako sa aking sarili iniisip ko pa rin kasi yung nagflash sa utak ko.Isa itong batang lalaki pero masyadong malabo.Hindi ko ito namukaan dahil sa labo ng paligid.
BINABASA MO ANG
CELESTIA'S KINGDOM THE LONG LOST POWERFUL PRINCESS
FantasyMAYROONG ISANG COLDHEARTED NA BABAENG NAGNGANGALANG HAZEL KIM PARK 17 YEARS OLD SOBRANG YAMAN NILA.SILA ANG NAGMAMAYARI NG PINAKASIKAT NA COMPANY SA KOREA,JAPAN,CHINA,PARIS,CANADA,USA AND PHILIPPINES AND THE MOST FAMOUS SCHOOL IN AMERICA. NAGMAMAYAR...