#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP
A/N: Thank you for waiting. Like I've said to my social media pages, I've been busy this past few weeks because of a family thing. I appreciate those who waited patiently.
Please do leave a comment para alam ko kung anong tingin niyo sa chapter na ito at sa mga susunod na update. It helps a lot :)
Ps: Sana kung gaano kaingay
CHAPTER 10
HERA'S POV
"Hoy!"
Pakiramdam ko ay tumalon palabas ang puso ko sa pagkagulat nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. Nanglalaki ang mga mata habang nakahawak sa dumadagundong na dibdib na humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Kaagad naningkit ang mga mata ko nang makita ko roon si Aiere na ngiting ngiti pa.
"What the ef, Aiere!" I hissed.
"Sorry na." natatawang sabi niya. "Akala ko naman naramdaman mo na ang presensya ko. Ang lakas kaya ng pandinig mo."
Pinaikot ko ang mga mata ko imbis na sagutin siya at pagkatapos ay tuluyan ng pumasok sa dining hall. Halos walang tao roon at maliban sa staff ay tatlong agent lang ang nakita ko sa loob na kumakain. Baka katulad ko galing lang sa misyon kaya ngayon ay madaling araw na nakabalik.
Dapat bukas na ako uuwi pero talagang gusto ko ng bumalik ng Tagaytay. Hindi na kaya ng pagkatao ko ang init sa Maynila. Kaya kahit antok na antok at pagod na ako ay nagpasiya na akong umuwi. Pagkatapos na pagkatapos ng mission ay bumyahe na ako kaagad kaya hindi ko na nagawang makapag-dinner man lang.
"Galing ka sa mission?"
Hindi ko nilingon si Aiere dahil abala ang mga mata ko sa pagtingin sa mga pagkain na meron sa counter. Lagi kasing handa ang mga staff dito. Anytime kasi may gutom na agent na kakailanganin ng pagsaklolo nila. Their hungry stomachs to be exact.
"Yep. A tiring and annoying mission."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Baby sitting?"
"Mas okay pa nga 'yon at least maayos ayos naman siguro ang taong kailangan kong bantayan." I shook my head when I remembered the doofus I was tasked to tail. "Pinasusundan ng kliyente ko ang asawa niya."
Aiere grunted as if sympathizing, "I hate that kind of mission too. Papapakin lang ako ng lamok para lang panoorin kung paano nila ginagawa ang pagtataksil nila. Which may I add, not pretty to look at."
"Sana kung lamok lang. Ginawa na kaya akong tanghalian ng mga naistorbo kong hantik. Kung bakit naman kasi puno ng mangga lang ang pwede kong akyatin kanina." Nag-angat ako ng tingin sa isa sa mga staff na si Remy. "Clubhouse sandwich na lang ako, Remz. Pero pwedeng may fries?"
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
ActionAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...