Chapter 5: Objective

31K 1K 53
                                    

CHAPTER 5

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Nakita ko pa ang pabirong pagsaludo ni Chalamity nang paandarin na ni Thunder ang sasakyan. Sa tabi niya ay nandoon si Sean habang si Nyx naman ay nasa loob na ng driver's side at tumango lang sa amin.

"He'll be safe now." I whispered.

"He will."

Bahagya kong nginitian si Thunder nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang kamay ko. Inangat niya iyon at katulad ng madalas niyang gawin ay binigyan niya iyon ng magaang halik bago niya iyon binitawan sa hita niya. Nanatiling nakahawak ako ro'n habang binabaybay namin ang daan patungo sa address na binigay ni Mia Montez.

"Hindi na nakakapagtakang sumikat ang Pink Maze no? Kakaibang mag-isip si Mia." sabi ko pagkaraan.

"Yeah. And I think she's delaying the actions of the suspect. Para masiguro ang kaligtasan ng kapatid niya."

"Sana lang maaga niya tayong hinanap para maging siya ay hindi dinanas ang pinagdaanan niya."

"Maybe she knew that it was too late for her. Maybe she knew she was dying."

Arsenic is one of the most common poison. Maaaring makapatay agad iyon at maaari namang hindi. Depende sa intensyon ng gumagawa no'n. Gaano ba kadami at paano. In Mia Montez' case it seems like the perpetrator don't want her death to look like it was planned kaya ang paggawa ng krimen ay hindi agad-agaran sa pag atake para magmukhang aksidente.

"I pity that child." I whispered. "Anong klaseng buhay ang magiging buhay niya pagkatapos nito?"

"My top suspect is Cora Montez. Though she's the aunt of Mia and Sean, technically hindi pa rin siya kadugo ng mga iyon. Federico is still their father's brother." sabi ni Thunder. "But their greed for money is evident so we can't be sure."

"Somethings weird with her."

"Cora? Yes, I know. She kept on following us and snooping around-"

"No. Not her."

Saglit na lumingon sa akin si Thunder at hinihintay ang idudugtong ko sa sinabi ko pero nanatili akong tahimik na nag-iisip.

Kung titignan ay talagang mas madaling paghinalaan si Federico at Cora. Kita kasi sa kanila ang kagustuhan na makuha ang pera. Base na rin sa ilang beses nilang paghahabol ng mana ay hindi na nakakapagtaka iyon. Pero iyon nga ba talaga ang dahilan o gusto lang nilang mahanap iyon? Para kay Sean? Did they really found their humanity by the recurring deaths in their family?

But what is the motive if my hunch is right? Bakit gagawin iyon ng isang ina sa sariling mga anak?

Mga anak nga ba niya talaga?

"Freezale can you use KSIF for Adeline Montez?" I asked Freezale. "Makakatulong din kung ang ibang mga agent ay maghahanap pa ng ibang impormasyon tungkol sa kaniya."

"Copy." Freezale answered.

Thunder turned left on the next bend and then he looked at me again. Alam kong nagtataka siya kung bakit ko pinapagamit ang KSIF o ang Kosher Structure Identity Finder na inimbento sa Expriment Department ng BHO CAMP. It's a scanner that can be use to find identities even with facial replacement procedures have been applied.

"I was looking at a picture album in Mia's room."

"And?" he prompted.

"Noong una wala lang sa akin ang mga nakita ko. Normal lang na litrato ng magpapamilya na ang tanging pagkakaiba ay mukhang masaya ro'n maging si Sean. Nang abutan ako ni Cora at Adeline sa taas at maiwan kami ni Adeline ay may napansin ako sa kaniya. Her ears were not pierced."

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon