Chapter 14: Chance

29.4K 970 88
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Namiss ko si Thunder at Hera. Namiss ko magsulat ng first person kaya ito na hahaha! Pagkatapos ng D-Lair I will be updating this constantly. Magandang training sa akin ang deadline ng D-Lair dahil na-realize ko na kaya ko naman palang magsulat ng marami :3 Anyways thanks for waiting lovies! Use any of the hashtags above guytzu for me to find you on tweetah world <3

PS: Medj lutang na ako ng isinulat ko 'to. Edit ko tomorrow (mamaya) kaya pagpasensyahan na ang mga mali.


HERA'S POV

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinapanood si Thunder na kasalukuyang nakatutok ang atensyon sa gitara na hawak-hawak niya. Parehas kaming nakaupo sa tabi ng swimming pool na tahimik ngayon. Gabi na kasi at nagkataon din na walang mga agent ang naisipang tumambay do'n ngayong gabi.

Muling tumigil si Thunder sa ginagawa para lang may isulat sa maliit na notebook na nasa tabi niya. Pagkatapos no'n ay muli niyang pinagtugtog ang gitara.

Siguro ay gumagawa and Royalty ng panibagong album. Marami kasi sa mga iyon ay si Thunder talaga ang naglapat ng tunog. Ang ipinagtataka niya lang ay tila mas soft ang ginagawa niyang kanta ngayon kesa sa mga kanta nila dati. They're a rockband after all. Kaya halos lahat ng mga kanta nila ay malilikot ang tunog at talagang nakakauhay ng dugo.

Iyon nga lang nitong mga nakaraan ay unti-unti silang nagpapasok ng variety sa mga album nila. Pero imbes na madismaya ang mga tao katulad ng napansin ko sa ilang mga rockband na sumubok na gumawa ng ibang kanta kesa sa nakasanayan ay nagig maganda ang pagtanggap sa mga bagong kanta ng Royalty. Pakiramdam ko nga ay mas lalong nabaliw ang mga fan nila sa kanila.

"That sounds nice." I told him. Niyakap ko ang mga tuhod ko at umunan ako ro'n habang pinapanood pa rin siya.

"Good. Kasi para sa'yo 'to."

Bahagyang napaangat ang kilay niya sa sinabi ng lalaki. Kung sabagay ang karamihan naman sa mga mas mellow na kanta ng Royalty ay ginawa ng mga miyembro para sa mga babaeng ngayon ay asawa na nila. Romantic pa rin talaga kahit na nagpapakaastig.

"Hindi mo man lang talaga sinurprise." natatawang sabi ko. Naalala ko kasi kung paanong sinurpresa ni Archer noon, isa sa mga kabanda niya, ang asawa na nito ngayon na si Aiere. Sa proposal kasi ni Archer nito ipinarinig sa unang beses na pagkakataon ang ginawa nitong kanta para kay Aiere.

"Ayokong gayahin ang dalawang 'yon. Dapat may originality tayo." sabi ni Thunder.

"Bakit mag po-propose ka na ba?"

Natigilan ang lalaki sa sinabi ko pero nananatili akong nakatingin sa kaniya. I'm not the kind of person that shy away from any possibilities of getting embarrassed...or getting heart broken. Mas gusto kong masaktan na agad, mapahiya na agad, kesa ang mawalan ng tulog kaka-over think sa isang bagay na hindi ko naman sigurado kung ano ang totoo.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon