Chapter 24: Always

28K 1K 247
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Present day...

Inayos ko ang kumot ni Thunder na bahagyang nahila nang umupo ako sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Hinila ko iyon hanggang sa dibdib niya pero imbis na alisin ang kamay ay sandaling inilapat ko ang isa kong palad sa tapat ng puso niya.

You're still there. You're still keeping it beating.

Pinasmadan ko ang mukha ng lalaki. Walang nagbago sa kaniya. Siya pa rin ang Thunder na nakilala ko. That beautiful face, long lashes, lips that gave me the most wonderful kisses, his hair that is a bit longer now, his smell, his warmth...him. Ang pagkakaiba lang ay ang tagal ko ng hindi nakikita ang ngiti sa mga labi niya at ang mga mata niya na tila sumasalamin sa nararamdaman niya para sa akin.

"Ang daya mo." bulong ko sa kaniya. Inangat ko ang kamay kong nakalapat sa puso niya at isinuklay ko iyon sa buhok niya. "Nangako ka. Sabi mo lalaban ka para sa atin. You said you'll keep your heart beating as long as you can. Pero bakit ang bilis naman?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko na para bang ang sakit no'n ay magagawang pagtakpan ang pagkadurog na nararamdaman ko sa dibdib ko. Muli kong hinaplos ang buhok niya habang nananatiling pinagmamasdan ang mukha ng lalaki.

He's always look rough. Sa kabila ng maamo niyang mga mata at ang mga labi niya na laging nakangiti ay hindi nagagawang alisin no'n ang bagay na iyon. He live his life on edge, spending each day as if it is his last. Bago pa niya nalaman ang sakit niya ay ganoon na siya. Hindi siya napipirmi sa isang lugar, gusto niyang sinusubukan lahat, at wala siyang takot. He just absorbed everything, took pleasure on anything that life has to offer. When he found out that he's sick that didn't fazed him. Mas lalo niyang pinahalagahan ang bawat araw niya. Bawat segundo, bawat minuto, bawat oras na meron siya. He has no vulnerability.

Until he found me. Sinubukan namin na pigilana ng mga sarili namin kasi alam naming pareho kung saan maaaring mauwi ang lahat. We lost. In the end we can't stop ourselves from running away.

We tried to only have enough. To be happy enough. To take just the right amount of what we can handle. Sa huli ay natalo ulit kami. We lost a war but it's a beautiful war. Kasi paanong magiging mali kung ang tangi lang naman naming ginawa ay ang mahalin ang isa't isa?

I leaned towards Thunder and whispered at his ears, "You're tired aren't you?" Isinadal ko ang mukha ko sa unan sa tabi niya at tinitigan ang nakapikit niyang mga mata. "You're suffering because I'm being selfish."

Tumulay ang luha mula sa mga mata ko at bumagsak iyon sa unan na hinihigaan ko. Hindi ko ininda iyon. I long stopped fighting my tears that will never end. Because I know for the rest of my life without the other half of my heart, it will continue to flow from eyes.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon