Chapter 22: Free

22.7K 920 135
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Present day...

"Hera!"

Napabuntong-hininga ako at napatigil sa paglalakad. Gusto kong hindi lingunin ang tumawag sa akin dahil kilala ko kung sino iyon pero wala na akong magagawa dahil nakita na niya ako. Kaya na nga ba iniiwasan kong dumaan sa headquarters. Kung hindi ko lang talaga kailangan pakainin ang mga alaga ko.

Pagkatapos ko kasing magpasa ng application for adoption ay kinakailangan ko pang bumisita ng ilang beses sa SALO at tatlong beses na home visitation. Kinailangan kong ayusin pa ang townhouse na ibinigay sa akin ng mga magulang ko noong mag graduate ako dahil kinakailangang makita ng SALO na maayos ang matitirahan ng mga aampunin ko. Hindi naman kasi sila pwedeng bumisita sa headquarters.

Thankfully because of Wilhelm mas napadali ang proseso. Instead of waiting for more than a month, nagawa naming ma-cut iyon sa dalawang linggo lang.

"Hera." ulit ni Dawn sa pangalan ko nang makalapit siya sa akin. "Ilang beses na kitang pinatawag kung hindi pa kita makikita ngayon baka hindi pa tayo nagkita."

"I'm busy." mahina kong sabi sa kaniya.

Pinagkrus niya ang mga braso niya at tinitigan ako. Nararamdaman ko ang pag-akyat ng dugo niya na kalimitan nangyayari kapag naiinis na siya sa kausap niya. Idagdag pa na buntis ang babae kaya mas maldita pa siya panigurado kesa sa normal.

Pero imbis na tarayan ako kagaya ng inaasahan ko ay lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong makita ang lungkot sa mga mata niya. I've been seeing those in the mirror for a long time.

"Kung gusto mo ng mission pwede kitang bigyan ng experiment department mission. I can give you a field one but you'll be accompanied by other agents. Just to be sure."

Umiling ako at pilit na ngumiti, "Sa susunod na lang."

"Hera-"

"I can't Dawn. Hindi ko kayang lumayo at iwan si Thunder. Pakiramdam ko bawat minuto na wala ako sa tabi niya ay mga minutong nalalagas mula sa oras na natitira sa aming dalawa. I just want to stay with him."

"You can't live like this."

"I won't be able to focus on any mission Dawn. Alam kong importante ang trabaho natin. But right now there's nothing more important to me than to be with Thunder."

Napatingin ako sa likuran niya nang makita ko si Triton na nag-aalalang nakatingin sa amin. Dumako ang mga mata niya sa asawa niya at masuyong pinaikot niya ang braso niya sa bewang ng babae. Looking at them is making me realize what I haven't done and something that I might never be able to do.

Thunder and I had a bubble. Lahat nang namagitan sa amin ay nasa loob no'n. Every special moments, every memories that I know I won't ever forget...lahat iyon kami lang ang nakakaalam. Hindi namin naranasan na isigaw sa mundo kung ano ang meron kami. Kasi mas ginusto namin na sulitin ang bawat oras na kami lang na para bang iba ang mundong ginagalawan namin. And we're both okay with that. Kasi masaya kami na kami lang. Masaya kami na wala kaming iniisip sa loob ng realidad na ginawa namin para sa mga sarili namin na malayo sa totoong naghihintay sa aming dalawa.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon