#BHOCAMP8TC #HeDer #HeDerCadence #BHOCAMP
Pakiramdam ko ang tagal na mula nang huli akong pumunta sa lugar na ito. Noon kasama ko siya. Kuntento ako pero isang bahagi sa akin ang pilit iniignora ang sakit at takot. Kasi kahit kasama ko siya, may maliit na tanong sa puso ko ang gustong malaman kung hanggang kailan. Kung gaano na lang katagal ang nalalabi sa aming mga oras.
I can remember his warmth around me, hugging me from behind as I look at the beauty of the horizon in front of me. Parehas naming tinatanaw ang kagandahan sa harapan namin kung saan para bang ang lapit ng langit sa lupa. That the horizon in someway can meet from where we stood.
Katulad noon ay nakikita ko pa rin ang kaparehas na tanawin ngayon sa harapan ko. At katulad noon ay tila bumubukas ang langit para papasukin ang maliliit na sinag ng liwanag. He called it crepuscular rays. It's when splintered light pierced through the gaps of the clouds, letting the light pass through.
"Dito kung saan ka mananatili at doon kung saan ako kailangan pumunta. The sky and the earth will meet. It might look far but they will still meet. And when the clouds will open to let the light pass through, that would be me greeting you."
I can remember those words clearly as if it's just been yesterday. Naaalala ko kung paano na ang mga salitang iyon ang pumasok sa isip ko nang isuot ko ang singsing na iniwan niya para sa akin sa sarili kong daliri at sa kaniya. Kahit na ng mga panahon na iyon ay alam kong maaaring huli na. I didn't care because in my heart I know he's the only one for me.
Hindi niya gustong pakasalanan ako. Hindi niya gustong ibigay sa akin iyon para lang manatili sa tabi ko sa napakasandaling oras. But he still bought that ring, hoping that one day he will be able to slide that on my finger and take me as his wife.
He left those rings to me, knowing the possibilities. Posibilidad na baka hindi siya ang makakapagsuot ng kapares nang sa akin.
May maliit na ngiti sa labi na nagbaba ako ng tingin sa daliri kong noon ay suot ang singsing na bigay ni Thunder. I never thought I will ever take it off.
Until now.
Inangat ko ang mukha ko sa langit at ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa akin. My smile didn't left my lips as I let the sun shine on me. To let it warm me. Kasi habang binabalikan ko ang mga nangyari ay pakiramdam ko nararamdaman ko ang lamig na matagal bumalot sa akin. Lamig na akala ko hindi ko na magagawa pang tunawin.
I thought that's how my life would continue to be. Cold...and numb. I never thought I could get myself unstuck from that place...that place where I lost him. Doon sa lugar kung saan tuluyan na niya akong iniwan.
Isinuot ko ang isa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko at kinuha ko roon ang maliit na piraso ng papel. Katulad iyon ng mga papel na iniwan ni Thunder kay Wilhelm para sa akin. Pero ang isang ito ay hindi binigay sa akin ni Wilhelm. Because he knew at that time that I couldn't do what Thunder said on the note.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
ActionAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...