#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP
A/N: Mula ng simulan ko ang kwento na ito ay pinipigilan ko talaga na iwasang banggitin kung ano ang mangyayari kapag dumating ang kabanata na ito. Though I did slip with a few people :3 You see, this is the very first chapter that I've written for this book. I've written it before even starting The Cadence's prologue. May mga nabago man at nadagdag ay nakatakda na itong mangyaring lahat.
Please do tweet the hashtag #HeDerCadence as we are nearing the 30th mark of this book.
HERA'S POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang tahimik ng paligid, wala halos makikita na mga tao sa daan...kung meron man ay pasalubong sa amin at nagmamadaling makaalis. Malayong-malayo sa unang sumalubong sa amin nang umalis kami sa Tagaytay.
A few hours ago everything seems normal. Except of course for the fact that thick smoke is forming in the air. Sa Tagaytay ay parang mas lalo pa iyong nakadagdag sa interes ng mga guest. I mean, to witness a volcanic eruption is a pretty big deal.
We saw a lot of tourists taking pictures and marveling at the falling ash from the sky. If only they will open the news so they can see how bad ashfall can be for the health instead of taking pictures that they can post on social media. Dawn even made an announcement for the entire BHO CAMP so everyone can be alert and also so we can know who wants to leave. Iyon nga lang parang walang gustong putulin ang supposed to be bakasyon nila kahit na willing naman ang BHO CAMP na mag refund.
Worse comes to worst, the remaining agents will need to force evacuate everyone. We're hoping it won't come to that since according to Dawn's contacts we're not on the list of the eight susceptible barangays in Tagaytay.
"The ash is getting thick."
Hindi nagkakamali si Triton na kasalukuyang nagmamaneho. Hindi katulad kanina ay di hamak na mas makapal ang bumabagsak na abo na kita sa windshield ng sasakyan. Lalo kaming lumalapit sa tinutumbok na lugar ay mas lalo iyong bumibigat.
"We should have waited at the location when it's not dark yet." I told him as I looked outside. Kung hindi lang sa mataas na ilaw ng sasakyan ay baka hindi na namin makita ang sasakyan na nasa unahan namin. Kung nagkataon na maaga pa lang ay bumyahe na kami ay mababawasan ang panganib para sa amin. Now we're here when it's dark and there's too low of visibility. Idagdag pa ang patuloy na pagyanig na nararamdaman namin maya't maya.
Sandaling nagkatinginan kami ni Triton pero wala ni isa sa amin ang nagdugtong sa sinabi ko. Gano'n pa man alam kong iisa lang ang nasa isip namin. Damn that Government-Organization Alliance.
There's no question that we will help no matter what. Pero dahil sa kasunduan na iyon at sa tulong na hinihingi ng gobyerno ay kinakailangan namin na makipag-kapit bisig sa kanila. That includes obeying to their rules and guidelines.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
AcciónAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...