Chapter 15: Promise

29.5K 1K 183
                                    

#BHOCAMP3TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP3TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Napapahikab na itinigil ko ang ginagawa at umayos ako sa pagkakaupo ko. Mahinang napaungol ako nang maramdaman ko ang pagapang ng sakit sa likod ko dahil sa matagal na pagkakayukyok sa lamesa. Grabe. Sign of aging na ba ang tawag dito?

"Restaurant kasi 'to hindi tulugan."

Nilingon ko ang nagsalita at nang makita ko si Ocean na nakatayo ro'n ay pinaningkitan ko siya ng mga mata, "Hindi ako natutulog. Nag-iisip ako."

"Wow."

Hindi ko pinansin ang sarkastiko niya na komento at dinampot ko na lang ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Kanina kasi ay ka-text ko pa si Thunder. Ang kaso nagsimula na ang banda nilang mag practice kaya natigil kami sa pag-uusap. Dahil dito rin naman kami sa Craige's magkikita mamaya kung saan ako nag almusal ay nag desisyon ako na hintayin na lang siya rito. Wala rin naman akong ibang pupuntahan.

Iyon nga lang nakatulog ako. Puyat na puyat kasi ako kagabi dahil tumambay ako sa experiment department. Patuloy pa rin kasi ang pag-aaral sa karamdaman ni Thunder at ang pagbuo sa planong nagsimula lang sa isang konseptong hindi pa namin alam kung posible. Hindi masisiguro iyon hanggang wala pa ang kailangan namin pero habang hindi pa iyon nangyayari ay patuloy pa rin sa pagdidiskubre ng paraan ang experiment department. Hindi naman kasi pwedeng walang gawin habang hinihintay-

Natigilan ako sa iniisip at malalim na napabuntong-hininga. This must be hard for Thunder's family. Iyong para bang iniintay na lang nila ang paghugot ng huling hininga ng taong importante sa kanila. Pamilya nila. I can't imagine the pain they must be going through.

"Hoy, saan ka pupunta ate Hera? Hindi ka pa nagbabayad!"

Napatigil ako sa akmang pag-alis sa lugar na kinaroroonan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ocean. Nilingon ko siya at tipid na nginitian, "Libre mo na lang ako. May pinagdadaanan ako ngayon."

Napaawang ang mga labi niya pero hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglabas. Para bang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa ako no'n na dinala patungo sa iisang direksyon. Lugar kung saan pilit kong iniiwasan na pumunta. Hindi dahil natatakot ako sa maaari nilang sabihin kundi natatakot ako sa maaari kong idulot pa na sakit sa kanila. I'm a reminder of what they're going to lose.

Napakuyom ako ng mga kamay at sandaling napahinto ako nang makarating ako sa tapat ng BHO CAMP Hospital. Bago pa magbago ang isip ko ay pilit na pinahakbang ko ang sarili para tuluyan ng pumasok sa loob.

Bawat hakbang ko ay para bang ang bigat pero nagawa ko pa ring makarating sa pakay kong puntahan. Iyon nga lang ay ng matanaw ko ang room number ng sadiya ko ay napatigil ako. This is not right. I shouldn't do this. Lalo lang silang mahihirapan.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon