#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP
HERA'S POV
A few years ago...
"Kuya, okay lang ako. Kanina pa ko tinawagan nila Mama para kamustahin ako at alam na nila kung anong nangyari. It's not like I got injured."
"Hera-"
Inunahan ko na sa pagsasalita ang kapatid ko na si Kuya Hermes, "I'm really fine. Hindi mo kailangan umuwi. Just enjoy your trip to Japan and buy me some Shiroi Koibito Cookie." sabi ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang isa sa pinagmamalaki sa Sapporo, Hokkaido. It's like a langue de chat but with the goodness of white chocolate sandwiched inside a melt-in-your-mouth cookie.
"Sa lahat talaga ng pasalubong na gusto mo iyong sa malayo pa mabibili at mahal pa."
Tumigil ako sa paglalakad para magawa kong tanggalin ang suot ko na sapatos na may mataas na takong. Kanina pa kasi sumasakit ang mga paa ko.
"Pang royalty ang taste ko." pilit na pinasigla ang boses na sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko sa kabilang linya. Alam ko namang kahit malayo sa bilihan ng gusto ko ang venue ng event na kailangan nilang i-cover para sa Philippines-Japan Friendship Golf Tournament ay bibilan pa rin niya ako no'n dahil hindi naman niya ako kayang tiisin.
"Are you sure you're okay?"
"Okay nga lang ako. Sila mama nga nakumbinsi ko na 'wag ng umuwi. Ibig sabihin lang no'n naiintindihan nila na okay lang talaga ako."
It's half a lie. Alam kong nag-aalala pa rin ang mga magulang ko kaya hindi malabong putulin nila ang bakasyon nila sa Italy ni Papa at paniguradong gagawa na lang ang mga 'yon ng dahilan kung bakit sila biglang umuwi kapag nakaharap ako. Wala naman kasing ibang pagmamahanahan ng pagiging protective si Kuya kundi ang tatay lang naman namin. Our mom will worry but she also know when we really needed her. Natural instinct na siguro ng mga ina.
Kahit noong mga bata pa kami ni Kuya kapag nasasaktan kami ay si Papa iyong parang laging may gera na pupuntahan kapag narinig na umiiyak o sumisigaw ang isa sa amin. Kahit minsan sobrang babaw lang naman ang dahilan. Si Mama alam niya kung kailan pwede kaming hayaan lang i-resolba ang maliliit na problema at kung kailan naman kailangan namin siya. Kapag sa pagkakataon na si Mama naman ang nag-alala hindi lang gera kundi end of the world na ata ang datingan ng pagsugod niya kung saan naroon kami.
Dahil ako ang unica hija at malayo rin ang agwat ng edad ko sa kapatid ko ay talagang naging baby ako ng pamilya. By the time I was big enough to get into trouble, hindi na lang si Mama at Papa ang protective sa akin kundi pati na rin ang kapatid ko.
Kaya nga kung puwede lang ay ayoko nang pati si Kuya ay umuwi pa ng dahil sa akin. Alam ko naman na matagal na niyang hinihintay ang event na pupuntahan. Isa kasi ang kapatid ko sa pinakakilalang reporter sa Channel 93.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
ActionAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...