#BHOCAMP8TC #TeamNight #HeraxThunder #BHOCAMP
HERA'S POV
"I'm fine."
Hindi ko na alam kung ilang beses ko na inulit ang mga salitang iyon. Para kasing lahat ng tao sa paligid ko ay iba ang inaasahan sa akin. Like uncontrollable vomiting, o walang katapusan na pag-iyak, o iyong klase ng nerbyos na parang any moment tatakas na ako.
"Lahat naman 'yan ang sinasabi."
"I'm fine, Dawn." ulit ko at bumuntong-hininga. "Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon? O kaya...I don't know, dotting on your new babies?"
Pinaikot ng babae ang mga mata bago ginalaw ang cellphone at itinutok kung saan dahilan para makita ko si Triton na kulang na lang ay makipag-sanib puwersa sa salamin ng incubator na nasa harapan niya dahil sa sobrang lapit ng mukha niya roon.
"Mukha ngang nakalimutan na niyang kasama niya ko. Pagkatapos sabihin ng nurse na pwede na naming makita ang mga anak namin inilagay na lang niya ako basta sa wheelchair, dinala rito sa NICU, at hindi na ako pinansin ulit."
Dawn finally gave birth. Kaya hindi siya makakasama sa amin ng mga agent ngayong araw na ito. She went into labor last night and gave birth this morning. Iyon nga lang ay premature ang mga bata dahil hindi na talaga kinaya ni Dawn na dalhin sila full term. But the doctors said that they're all safe and healthy. Kailangan lang talaga nilang manatili muna sa NICU pansamantala para masiguro na wala ng magiging problema.
Kaya ngayon ay may tatlo na namang supling na winelcome ang BHO CAMP. Dawn and Triton's baby Cross, Ram, and Belaya.
Four babies. I can't even imagine the sleepless nights that they will go though. Isa pa nga lang parang nananakmal na si Dawn sa trabaho dahil kulang ang tulog niya. Paano pa ngayon na tatlo na?
"I can't blame Triton for looking like he's foolishly in love. They all look so cute right?" sabi ni Dawn na hinarap na ulit sa mukha niya ang cellphone.
It's rare but there are times that Dawn's usual snobbish expression melts into an angelic expression like she has now. Kung noon siguro na tinanong niya ako ay oo agad ang sagot ko. Una dahil talaga namang ang cute ng mga anak niya at pangalawa ay wala akong balak maipatapon sa bangin kapag hindi niya na gustuhan ang sagot ko.
But now I'm a mother myself. So I can't help the mommy brag battle.
"They're cute pero mas cute ang mga anghel ko."
Kaagad naningkit ang mga mata ni Dawn, "Mas cute ang akin."
"Mas cute ang triplets ko-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay may kumuha na sa cellphone na hawak ko kung saan kausap ko sa Face time si Dawn. Nanulis ang nguso ko nang makita ko na si Athena iyon at sa sariling mukha na itinapat ang aparato.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #8: The Cadence
AcţiuneAll my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it would be him. I never thought that it would be the loud, full of life, lead guitarist of the band R...