Next morning, nagising ako mula sa napakagandang panaginip. May kasama akong isang babae. Hindi ko makita ng malinaw yung mukha nya pero tumatak sa isip ko kung anong suot nyo.
Pastel green dress, with slim gold belt, T-strap stilletos and she wears her hair in a single fishtail braid that falls into her shoulder. Isa lang yung pumasok sa isip. LITERALLY sya ang dream girl ko, sayang I don't get the chance to see her face.
Bumangon ako sa kama na medyo disappointed, hoping sana pag natulog ako, makita ko sya ulit. Ginawa ko muna yung usual na routine ko, every morning bago ako lumabas sa kwarto,
naabutan ko si mom sa kusina. "Good morning, son! Take a seat I prepared breakfast" bati nya nang makita nya ako. "Good morning, ma." bati ko din sa kanya tapos umupo na ako sa may dining table.
Pinaghanda ako ni mom ng breakfast. Fried rice tsaka adobong baboy. "Liam, your sister Aya will be here." excited na sabi ni mama. Si ate Aya, yung ate ko. Hindi sya dito nakatira kasi may sarili na syang condo unit, and dun sa nagste-stay. Sya din yun yung nag introduce sa akin ng fairytale. "Really?" excited kong tanong. Close na close kasi kami ni ate. "Yes, and she'll be staying here for weeks" sagot ni mom.
Wow, dito muna nagstestay si ate. Ang saya! Sumabay na sa akin mag breakfast si mom. Si dad, maaga umalis para pumasok sa work nya. Habang kumakain kami ni mama, biglang nag appear si jules sa kusina. Looking as usual - pretty. Looking at her this morning. I feel happy. It's like she made my day. But I don't know, maybe it's the thought that ate Aya will stay here for weeks.
"Good morning," bati nya sa amin. Showing her perfect white teeth. "Good morning, Juliet. Come, join us." sagot naman ni mama. She's fond of jules, siguro kasi namimiss nya si ate. Ngumiti naman si jules kay mama. "Thank you, tita. But I just ate breakfast" sabi nya.
Nag frown naman ako. "Then why are you here?" tanong ko. weird. Ang aga aga nangangapit bahay sya? Nag frown din sya sa akin, tapos ngumiti sya sa akin. "That is how you greet good morning?" lumakad sya sa likod ko tapos niyakap yung likod ko tapos pinagdikit yung mga pisngi. Pilit naman akong kumakawala sa pagkakayakap nya. "Ano ba, jules!! Wag ka ngang magulo! Kumakain ako." reklamo ko, si mama pinapanuod lang kami. Habang nakangiti. "Ok." sabi ni jules, tapos umupo sya katabi ko, yung elbow nya nasa lamesa tapos nakapangalumbaba sya. She's watching me, intently. Teasing!!
Nagfrown ako ulit sa kanya tapos, nagpatuloy na ako kumain. "So, bakit ka nga andito?" tanong ko ulit sa kaya. Nag shrug naman sya. "Pumayag sila mommy na makilala ka." sagot nya. Narinig namin si mom na may ginawang sound, para syang nagulat. Napatingin kami parehas ni jules sa kanya. Ngumiti si mama sa amin tapos na wave ng kamay sa amin. "Wag nyo akong pansinin. Hehe."
sabi nya.
Ang weird ni mama!
Natapos kami mag breakfast. Andito ako ngayon sa kwarto kasama si jules. Naglalaro kami ngayon ng video game habang nakasandal sa gilid ng kama. Magkalaban kami, at dahil hindi sya marunong maglaro, natatalo ko sya. "Ang daya mo!!" sigaw nya habang tutok na tutok sa nilalaro namin. "Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga marunong. Loser. hahaha..." sagot ko naman, tinignan ko sya, seryoso sya. Ang ganda ng ngiti nya. Napangiti din ako. Napansin kong bigla din syang ngumiti pero hindi sya sa akin nakatingin. "Aha!! Sinong loser, sa atin ngayon?! hahaha..." sabi nya tapos lumingon sya sa akin. nakangiti padin. Napablink ako ng tatlong beses tapos bigla akong nakaramdam ng hiya. Mabilis akong lumingon sa monitor ng nilalaro namin. Feeling ko kasi namumula yung mukha ko. Para hindi nya makita. "YOU LOSE! hahaha..." sabi nya.
Hindi ko namalayan, masyado pala akong nagandahan sa nakita ko. Nakalimutan ko yung nilalaro namin. Para akong na magic. "You lose, your face! Madaya ka naman eh!" reklamo ko. Tinignan ko sya, nagfrown sya sa akin. "Madaya, your face! Ang sabihin mo, weak ka lang. Natalo ka ng first timer! hahaha...." pang aasar naman nya.
Nag frown ako ulit sa kanya. "Ah ganun?" sabi ko. Palihim kong inabot yung unan sa kama ko. Tapos bigla ko syang hinampas sa ulo! "AAAHHH!!!!" sigaw nya. "PILLOW FIGHT!" sabi ko, tapos agad akong tumayo para lumayo kay jules, kasi kumuha din sya ng unan para hampasin din ako. Naghampasan kami at naghabulan.
Tumakbo ko palayo sa kanya, hinahabol nya ako. At doon na nag umpisa ang isang masayang harutan namin. Nag umpisa nadin akong kilitiin sya. Tawa kami ng tawa. "Ahh!!! Liam, tama na!!! hahahahaha....." sabi nya habang nakahiga sa kama ko at ako nasa gilid nya, walang humpay na kinikiliti sya. Hahahaha... XD
"Sinong loser ngayon, ah? haha.." sabi ko. "Ako, ako!! Ako na loser. hahahaha.... tama na, hahaha... please!!!" sagot nya. Hindi ko padin sya tinitigilan. haha..
"AAAHHHH!!!!!!!" Natigilan kami ng makarinig kami ng malakas na sigaw ng babae sa pinto ng kwarto ko. Sabay kaming naptingin, si ate Aya. Umayos ako ng upo, tapos si jules umupo din. Sabay kaming tumayo.
Andito na si ate Aya. Bigla akong napangiti sa kanya. Lumakad sya palapit sa amin, nakangiti din sya. Naglakad ako para salubungin sya ng yakap. Pero hindi nya ako pinansin at dumiretso para yakapin si jules. Napafrown ako sa kanila, habang magkayakap. Yung mukha ni jules, nagtataka, kasi hindi naman nya kilala si ate Aya.
Humiwalay na si ate sa pagkakayakap nya kay jules, tapos hinawakan nya ito sa dalawang pisngi. "Ikaw ba si juliet?" excited at nakangiting tanong nya kay jules. Wide eyes naman si jules na tumango kay ate. Niyakap ulit nya si jules.
Ano bang meron sa kanya? Tsaka bakit parang hindi nya ako kilala?
"Alam mo, hindi kita kilala pero, sa mga kwento ni mama tungkol sayo, gusto na kita!" sabi nya habang nakayakap padin kay jules.
"Ehem!!" nagkunwari akong umubo. Naghiwalay naman sila tapos bumaling ng tingin si ate sa akin. Ngumiti sya sa akin. "oh, liam." sabi nya tapos lumapit sya para yakapin ako. "My not so little, baby brother!" Tapos humiwalay na sya ulit para kausapin si jules.
"By the way, jules, my name is aya. Ate ako ni liam." nakangiti nyang sabi. Ngumiti din si jules, "hello, po." nahihiya nyang sagot.
Inakbayan ni ate si jules, sabay sabing.
"I'm so happy, to finally meet you. Akala ko bakla si liam, kasi ang hilig nya sa fairytales!" sabi nya. "Hindi pala, kasi may girlfriend na sya." tapos tumingin sya sa akin para tapikin yung balikat ko. "I'm so proud of you."
"WHAT?!!" napalakas yung reaksyon ko. Nanlamig yung buo kong katawan nung marinig ko yung sinabi nya.
Akala nya ako at si jules? Mag boyfriend/girlfried?! NO WAY!