Pumunta ako sa Prince Café & Restaurant na mag isa. Medyo kinakabahan nga ako eh. Kasi First time ko 'to gagawin. Lagi ko kasing kasama si jules. Binaling ko yung tingin ko sa table kung saan sya laging umuupo. Wala si jules pero may couple na nakaupo. Mukhang nagdedate.
Nakatingin padin ako ng may marinig akong may nagsalitang babae. Napatingin ako sa kanya. Whoa! yan ang unang word na pumasok sa isip ko. Ang ganda nya, Maputl, matangos and ilong, red lip, napaka gandang mga mata. She's definitely my type. Pero bakit ganun, ang sama ng tingin nya sa akin.
"Are you, Liam?" tanong nya, mukha talaga syang galit. May nagawa ba ako sa kanya? "Yes, Chlea?" tanong ko din. Hindi nya ako sinagot at padabog syang umupo sa harap ko. Yung totoo, may problema ba sya sa akin? Matapos nyang umupo, tumingin na naman sya sa akin ng masama. "Hi--" mag uumpisa palang ako sa pagsasalita ng magsalita sya. "I don't like you." sabi nya. Napafrown naman ako sa kanya. "Huh?" tanong ko. "We're not in the same team." sabi nya. Na lalong nagpaconfuse sa akin. Team??
"What do you mean?" tanong ko ulit. Sa totoo lang, hindi ko talaga sya magets. She rolled her eyes to me bago sumagot. "Look. You like girls," sabi. "I like girls, too" pagpapatuloy nya. She likes girls? Is that mean? Oh my! How? Why? Nanlaki yung mata ko ng marealize ko kung anong ibig nyang sabihin.
"You mean, you're lesbian?" mahina kong tanong sa kanya. Tumango lang sya bilang sagot. "But..." hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang magsalita sya. "Lipstick Lesbian." sabi nya. "Ah.." yun lang yung nasabi ko. Ibig sabihin ng lipstick lesbian diba, sila yung mga lesbian na hindi nagsusuot ng mga panglalaking damit.
"Do you have a problem with that?" tanong nya. Umiling lang ako. "I respect them actually. It's their choice. I mean, if that makes them happy.." paliwanag ko. Nginitian naman nya ako. "Good to hear." sabi nya.
Walang nagsalita sa amin, hanggang pinutol nya yung katahimikan. "I need your help." napatingin naman ako sa kanya. "I need you to act as my boyfriend. So that, my parents will stop bugging me, about having a boyfriend." pagpapatuloy nya?
Gusto nyang umarte ako as her boyfriend? Para tigilan na sya ng parents nya? That works for me as well! Para tigilan nadin ako ni ate at ni jules! Si jules, hindi ba mukhang pinagtataksilan ko sya? teka, hindi naman kami ah?!
"Don't tell me, you already have a girlfriend?" sabi ni chlea. "No, it's just that.." naputol na naman ako magsalita. "I will pay you." sabi nya.
"No, i mean. I'm in. So my ate will stop bugging me as well." sagot ko.
Ngumiti sya sa akin, ganun din ako sa kanya. "It sounds like a deal?" sabi nya tapos tinaas nya yung kamay nya sa akin. Inabot ko naman yun para makipag shake hands. "It's a Deal."
Nagkasundo kaming umarte na we're a couple. Hindi kami agad umuwi. Nagkwentuhan muna na kami. I learned that, hindi pa sya out, and she has a girlfriend. Okay naman sa girlfriend nya yung magiging set up namin, napag usapan na daw nila yun.
Hindi nagtagal, umuwi nadin kami.
Tonight, i earned a new friend and a fake girlfriend, and ate will stop bugging me about having a girlfriend. Good Job, Liam. It's like, you hit two birds in one stone.