Pagpasok ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Ewan ko, wala naman akong masyadong ginawa pero feeling sobrang exhausted ako.
Sumunod na araw, kahit ayoko pa magising, nagising ako dahil nakaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Bahagya kong minulat yung mata ko para makita ko si ate. Anong ginagawa nya dito sa kwarto ko? "Wake up, sleepyhead!" sabi nya. "Good morning" energetic nyang bati. Hindi ko sya pinansin, umiba lang ako ng pwesto sa pagkakahiga. Tinalikuran ko sya.
Pero hindi sya tumigil, patuloy padin sya sa pag yugyog sa akin. "Liam, tell me what happened on your date?" pagpupumilit nya. "Argg!!! Can't you wait until i'm fully woken up?" sabi ko habang may nakatakip na unan sa tenga ko. "No, I want to know. And I'm not the only one," sagot nya. "Jules is in the kitchen waiting for you." pagpatuloy nya. Si Jules? Sa hindi malamang dahilan, nawala lahat ng antok na nararamdaman ko.
Agad akong bumangon at napatingin kay ate. "Jules?" nagulat sya sa reaksyon ko. "She's out of the hospital. Last night, when you're out, dating" sabi nya. Mabilis akong tumayo para pumunta sa banyo. Nagmamadali. Naligo ako, nag toothbrush, nag suklay, tapos ginulo ko ulit yung buhok ko, tapos sinuklay ulit. Tapos lumabas na ako para pumunta sa kusina.
Sa kusina naabutan ko si Ate, Mama and Jules. Nakasuot sya ng floral na flowy dress. Ang ganda. Medyo pale pa yung complexion nya, kaya nag pop up yung pagka rosy cheeks nya. Idagdag mo pa yung maganda nyang smile sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti nadin.
"Good morning, Prince Liam." nakangiti nyang bati sa akin. "Good morning," lumapit ako sa kanya tapos hinipo ko yung noo nya, to check kung mainit ba sya. "How are you feeling?" tanong ko. Agad naman nyang inalis yung kamay ko. " I'm fine. I wouldn't be here, if I'm not." sagot nya. "Good to hear." sabi ko. Mabuti naman, okay na sya. "Breakfast is ready" rinig naming sabi ni mama.
Umupo na kami sa dining table. Dito din magbebreakfast si jules. "So, tell us about your date." sabi ni ate. "Do you like her?" Tinignan ko sya, pati si Jules and Mama. Mukhang mga tanga! haha... joke lang, mga nag eexpect na magkwento ako. "Well..." sabi ko tapos sinubo ko yung kutsara na may kanin at ulam. "Well?" sabi ni ate. Hindi makapag hintay? Nilunok ko muna yung sa bibig ko bago ako nagsalita ulit. "It went well, I like her. She's my type, so I'm gonna ask her out again. If that's what you want to hear." sabi ko tapos sumubo ako ulit ng pagkain. "I knew it!! hahaha..." tuwang tuwa si ate. Bigla akong napatingin kay Jules. Nakatingin din sya sa akin, pero hindi sya nakangiti, in fact, walang emosyon yung mukha nya.
Agad din naman syang bumaling sa ibang direksyon, para maputol yung locked-eyed moment namin.
Matapos yung breakfast. Agad umuwi si Jules, sumama daw kasi yung pakiramdam nya. Kailangan nya daw magpahinga. Ang weird nga eh, nung nag offer akong ihatid sya, tumanggi sya. Kaya nya na daw nya.
"Liam," tawag ni ate. Tumingin naman ako sa kanya. "I have an idea." excited nyang sabi. Nagfrown ako sa kanya. "What do you mean?" tanong ko. "Why don't you invite Chlea here. I wanna meet her, I'm sure Mama and Jules want that too, right?" sabi nya, tapos tumingin sya kay mama, na tumango naman sa kanya.
"I'll ask her." sabi ko.
Anong gagawin ko? Ayoko syang makilala ni Mama at ni Ate, lalong lalo na ni Jules! Kasi diba nga fake Bf/Gf lang kami? Baka pag nakilala nila si Chlea, mahirapan akong ipaliwanag sa kanila, once na mag break na kami?!
Pumunta ako sa kwarto tapos agad kong kinuha yung phone ko para tawagan si Chlea. Sinagot naman nya agad.
"Chlea, i have something to tell you." paumpisa ko. "Don't tell me, you fell in love with me. Because I'm totally Not into you." sabi nya sa kabilang linya. "Not that. My Mom, Sister and my Bestfriend wanted to meet you." sabi ko. "Just that? Okay, I'll meet them. When?" cool na cool nyang sagot. Okay lang sa kanya? "It's fine with you?" confuse kong tanong. "Not if they bite, haha.." tawa nya sa kabilang linya. "Ofcourse, they don't! So I'll meet you tonight? We're going to have dinner here." sabi ko. "Okay, is that all?" tanong nya. "Yeah, I'll text you what time. Okay, bye." yun yung huli kong sinabi. Tapos binaba na nya yung tawag.