Part 7

32 2 1
                                        

****

Nakarating kami sa restaurant 30 minutes early. I supposed to meet her -well i don't know who i'm dating tonight, at 7 o'clock.

Nakaupo na ako sa table and si jules nakaupo nadin hindi kalayuan sa akin. Katulad ng una kong blind date manunuod ulit sya sa amin. Hindi ko din maiwasang maging concern sa kanya kasi, halata naman na hindi pa sya okay. She's just pretending to be.

AFTER 30 MINUTES.

"Sir? Gusto nyo na po bang umorder?" tanong sa akin ng waiter.

Kanina pa sya pabalik-balik para tanungin ako kung gusto ko na bang umorder, at malapit na talaga akong mainis!! Hindi sa kanya, kundi dun sa kadate ko! Antagal nya!

"uhmm... Wala pa kasi yung kadate ko. Later na lang ako oorder," sagot ko naman. "Okay po sir, just let me know kung gusto nyo na po umorder. how about, something to drink, sir?" sabi nya. "No, thank you." nakangiti kong sabi. Tapos umalis nadin sya.

Another 15 minutes have passed pero wala padin yung kadate ko!! Hindi na ako mapakali sa sobrang inis. Ayoko talaga yung pinaghihintay ako!! Tinignan ko si jules, na nakatingin din sa akin. Tinaas ko yung kilay ko para itanong kung ano na. Nag shrug lang sya sa akin.

Marahas kong kinuha yung phone ko tapos dinial ko yung number nya. Nakita kong kinuha yung phone nya at agad nya rin sinagot yung tawag ko. "What the hell?!!" sabi ko kay jules sa kabilang linya. Nakatingin ako sa kanya at sya sa akin. "Look. I texted her already, no response. I tried calling her, but she just didn't pick up her phone." huminto sya, and napansin ko nanaman yung expression ng mukha nya. Katulad padin kanina. Disappointed.

Binaba na nya yung phone nya, tapos tumayo para lumakad palapit sa akin. I feel guilty about yelling at her on the phone. Feeling ko ang sama ko para sigawan sya, kahit alam kong she's having a not-so-great day. "I'm sorry for dragging you here tonight. Maybe we should go home now. " sabi nya ng tuluyan na syang makalapit sa akin. Ramdam ko yung mababang energy nya and hindi ako sanay na nakikita syang ganyan. She's always happy, energetic and fun. She's not in her spirit.

And gusto ko, kahit papano bago kami umuwi, mag uplift ko kahit papano yung spirit nya.

"No, it's okay." sabi ko sa kanya. Hindi padin ako tumatayo sa kinauupuan ko. "No, it's not--" hindi nya natuloy yung pagsasalita dahil nagsalita na ako. "Jules it's okay. Not a big deal anyway. " sabi ko. "Really?" tanong naman nya.

"Sit down." tapos hinawakan ko sya sa braso para paupuin sa upuan sa harap ko. Umupo naman sya. "Liam. i really think we need to go home" sabi nya. "Not yet. I know you're sad, disappointed maybe, and I really wanna do something to make you feel good." pagpapaliwanag ko. Gusto ko kasi malimutan nya kahit sandali yung nakakapagpalungkot sa kanya. Na sa tingin ko alam ko na.

"and what is that?" tanong nya. Binigyan ko sya ng ngiti ko bago ako magsalita. "Let's just play roles" sabi ko habang nakangiti padin. "I'm 'Prince Liam of Kingdom Weirdness' and you are...." huminto ako para mag isip. Nakita kong tinaas ni jules yung kilay nya. "i am what?" nginitian ko ulit sya bago magsalita. "my date." sabi ko. "Don't worry,it's purely platonic." And For the first time since umalis kami sa tapat ng bahay nila, nakita kong nagbago yung expression ng mukha nya. From disappointed to a genuine smile.

"haha! Fine, nice to meet you 'Prince Liam of Kingdom Weirdness'." sabi nya tapos tinaas nya yung kamay nya para makipagshake hands sa akin. Inabot ko naman yun. "The pleasure is mine, Princess" bahagya akong tumayo sa upuan para halikan sya sa kamay nya. Nakita ko naman sya ngumiti. And again, may naramdaman akong undescrivable puso ko, katulad nung naramdaman ko nung inaya nya ako mag mall.

"Can i get you and your date, something now, Sir?" Lumapit agad yung waiter sa amin. "Yes!" nakangiti kong sagot sa kanya.

*****

Me and jules spent the rest of the evening, talking. And all of a sudden, she opened up to me. About her family and why she doesn't believe in fairytale. Since her real dad and mom separated, and her mom re-marry to her step-dad. Jules didn't felt the magic of love and fairytale anymore. She grew up hearing and witnessing every verbal and physical altercation between her mom and his step-dad. Eversince then, she stopped dreaming about happily ever after. And she doesn't believe in true love.

"Sorry" sabi ko. I really felt sorry for her. "Don't be, actually it really felt good" sabi nya, nafrown naman ako sa kanya. "Opening up, specially, with you. My Bestfriend." sabi nya tapos ngumiti sya sa akin. Napangiti nadin ako.

"Really? You don't believe in True Love?" tanong ko sa kanya, para maiba yung topic. Nag shrug lang sya and hindi ako sinagot. "It's True Love, it's not Mythology." sabi ko. "i mean, it can happen, for real." Ako kasi i believe in the power of love. And i really want her to believe in it, too. "You mean, it's True Love, it's not fairytale? haha.." pang aasar nya. Nagfrown naman ako sa kanya. Pero inside i'm glad to see her laughing. "Oh, so it's about me now? Fairytales are true. and so is True Love" sagot ko.

"Oh come on. How do you know, if it's True Love or not?" tanong naman nya. Napahinto ako sa tanong nya. Paano nga ba malalaman?? Pilit akong humanap ng sagot sa isip ko ng bigla akong mapatingin sa mukha ni jules.

Parang may kakaibang nangyari sa paligid, parang tumahimik at ang tanging tunog na naririnig ko eh yung malakas na pagtibok ng puso ko.

*tug tug* *tug tug* *tug tug*

"You'll know it, when you feel it..." hindi ko alam pero parang yung utak ko at labi ko, kusang gumalaw para magsalita pati ang kamay ko, gumalaw para ituro yung puso ko "here." sinabi ko yan ng hindi inaalis yung paningin ko sa kanya.

*tug tug* *tug tug* *tug tug*

My FAIRYTALE EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon