Part 10

35 2 1
                                        

Andito padin kami ni jules sa loob ng kwarto ko. Ako nakatayo sa harap nya and sya nakaupo sa kama ko. "So, you want us to make a 'Date Escape Plan' how do we do that?" sabi nya. "Can you please stop that. Your making me dizzy" Hindi ko namalayan, naglalakad na pala ako ng pabalik-balik.

Tumigil naman ako, pero patuloy ako sa pag iisip. Umupo ako sa gilid ni jules. "Anything." sabi ko. Tumingin sa akin si jules, "huh?" Humarap din ako sa kanya. "Jules. i need you to get me out of that date, As soon as possible," sabi ko sa kanya. "Do whatever, say whatever. But i need you to get me out." Mukha akong desperado. Nagfrown sya sa akin. "Okay." sagot naman nya. "Promise?" "Promise."

Matapos naming mag usap, lumabas na kami sa kwarto. Napag usapan namin na tutulungan nya ako para makatakas sa date na sinet-up ni ate. Sasamahan nya ako, katulad ng lagi naming ginagawa. Pero pag nag signal na ako sa kanya. Dun na sya kikilos, magdadahilan para makaalis na kami. Hindi ko alam kung anong gagawin nya, pero i trust her.

~ooOoo~

6:30 pm.

Andito ako sa kwarto. Nakaharap sa salamin. Nakasuot lang ako ng simpleng button-up shirt, denim jeans and sneakers. Pupunta ako sa date na sinet ni ate, pero hindi dahil gusto ko. Ayaw ko lang madisappoint si ate. Kahit naman naiinis ako sa kanya, minsan lang naman ako hingan ng favor ni ate. And may plano naman kami ni jules eh, kaya hindi ako masyadong nag woworry.

May narinig akong katok sa pinto ng kwarto. "Come in," sabi ko. Nakita kong pumasok si ate, ngiting-ngiti. Lumapit sya sa akin. "Look at you!!" sabi nya. "Your not so little anymore! You're so Gwapo!" "Thank you" nginitian ko din sya.

Mabilis naman natapos yung moment namin ni ate, dahil pinagtulakan nya na ako palabas ng bahay. Baka daw kasi malate na ako.

Nakipag kita lang ako kay jules hindi kalayuan sa bahay. Tapos pumunta na kami sa Prince Café & Restaurant.

"So what's your plan?" tanong ko kay jules. Bago kami pumasok sa loob ng restaurant. "Just wait and see" yun yung sagot nya tapos nauna na syang pumasok sa loob. Agad naman akong sumunod.

Nakita ko syang nakaupo na kaya umupo nadin ako hindi kalayuan sa kanya. Wala pa yung kadate ko.

After 5 minutes, may nakita akong babae. Nakasuot sya ng yellow dress, flats, tapos yung buhok nya hanggang shoulder. Lumapit sya sa akin, todo ngiti. Maganda sya pero, wala akong maramdamang special toward her. Umupo sya harap ko.

Nakipag kilala kami sa isa't-isa. I learned that her name is diane. She loves dressing up. Sobrang dami nyang kwento, halos hindi nga ako makapag salita. And nag uumpisa na akong mabored. Tinignan ko si jules, nakangiti sya. Parang inienjoy nyang nakikita ako. Nag signal na ako sa kanya para gawin kung ano mang plano ang meron sya. Nagets naman nya yun at agad na tumayo para lumapit sa table namin.

Nagkunwari akong nakikinig sa walang humpay na kwento ni diane, tungkol sa sarili nya. Naisip ko nga Narcissistic sya eh. Sa peripheral vision ko nakita kong malapit na si jules. Nagulat nalang ako nang makalapit sya sa amin, kinuha nya yung glass of water sa table namin tapos buhusan nya ako. Napatayo ako at si diane sa sobrang gulat sya kanya.

"How dare you!!!" sigaw ni jules sa akin. May galit ba talaga sya sa akin? Bakit parang totoo yung ginagawa nya? Nakaramdam ako ng malakas na impact sa kaliwa kong pisngi. Sinampal nya ako. "Who are you?!" galit na tanong ni diane.

Humarap si jules sa kanya. "I'm his Girlfriend!!" sagot nya, tapos humarap ulit sya sa akin. "We're Done!! As*h*le!!" tapos naglakad na palabas ng restaurant.

Naiwan ako doon na nakatulala parin dahil sa mga nangyari. Napansin kong lumapit sa akin si diane. "So you have a girlfriend?! And your going to make me the 'third party'?" sabi nya. Kinuha nya din yung glass of water, tapos binuhusan nya din ako. "AS*H*LE!!!" sabay sampal sa kanang pisngi ko tapos walk out nadin.

Rinig na rinig ko yung bulong-bulungan ng mga tao sa restaurant. WHAT A SCENE?! naisip ko tapos, nakayuko akong lumabas ng restaurant.

My FAIRYTALE EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon