Part 17

32 1 0
                                        

Lumipas ang ilang araw. Nag tuloy-tuloy lang yung pagpapanggap namin  ni Chlea. Pinakilala nya nadin ako sa Girlfriend nya, si Mimi, isa ding Lipstick Lesbian. Nung una ko nga silang nakita, mukha lang silang magbestfriend. Kasi parehas sila maganda.

Nung mga nakaraang araw, halos araw araw kami nagkikita ni Chlea. Kunwari nagdedate pero ang totoo naming ginagawa, nag mo-movie marathon sa bahay nila. Minsan naglalaro kami ng XBox, nakakatawa nga eh, hindi ko sya matalo-talo sa kahit anong laro. Mukha tuloy akong weak. Naalala ko tuloy yung araw na naglaro kami ni Jules.

Speaking of Jules. Ilang araw ko nadin syang hindi nakikita. I miss her,  araw-araw, lagi kong iniexpect na pag gising ko sa umaga, andun sya sa kusina. Pero wala. I texted her, many times na pero, no reply. Alam ko hindi sya nagloload pero pwede naman makitext diba? I tried calling her, one time sinagot nya pero binaba nya agad. Ang sinabi nya lang. 'talk to you, later. Bye'

Really? Ganun ba sya kabusy para hindi ako kausapin? Tsaka ano naman kayang pinagkakabusy-an nya? Wala naman akong gagawin ngayon eh, wala kaming lakad ni Chlea. Pupunta nalang ako sa bahay nila mamaya. Nagstay lang ako sa kwarto.

Nung hapon. Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa bahay nila Jules. "Liam, where are you going?" tanong ni ate, bago ako tuluyang makalabas ng bahay. "I'm going to see, Jules." sagot ko. "Speaking of Jules. Did you do something to her? I haven't seen her in a while." ito nanaman sya, umiiral yung pagka chismosa. Nagfrown ako sa sakanya. "No, i didn't do anything. I'm going to her house, to check on her." sagot ko. "Well, off you go." sabi naman nya tapos hinayaan na nya akong makalabas.

Andito na ako sa tapat ng bahay nila. Pinakinggan ko muna kung may parang may nag aaway ulit, pero wala naman akong narinig. Kaya kumatok na ako. Tatlong katok bago buksan ng mommy nya. Agad naman akong ngumiti, ganun din sya. "Good Afternoon, Is Jules in there?" bati ko. Hindi nya ako sinagot, instead tumingala lang sya, tsaka sumigaw.

"Jules, someone's in here. Looking for you!" sigaw nya. "Who?" rinig ko namang sagot nya galing sa second floor. "See for yourself." sagot naman ng mommy. Sandali lang nang makita ko si Jules na pababa ng hagdan. "Mom, I told you, Not to dist-- Liam?" natigil sya sa pagbaba ng makita nya ako. "Jules, are you busy? Can we talk?" sabi ko.

"Liam,  Look, I-I'm bus--" natigil sya nang magsalita ako. "Please, I miss you. Please, talk to me." sabi ko. Ewan ko, pero gusto ko talaga syang makausap. Nami-miss ko na sya. Hindi ako sanay pag wala sya. Yung ilang araw na si Chlea yung kasama, aaminin ko, hindi sya nawala sa isip ko. Yung ngiti nya, yung mga biro nya sa akin, yung bonding namin. Lahat yun namimiss ko na. And most of all, I miss Jules. Big Time!

My FAIRYTALE EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon