Part 6

27 2 1
                                        

"Sabi sa akin ni mama, na meron ka na daw girlfriend." Paliwanag ni ate.

Andito kami ngayon sa dining room. Nakaupo ako katabi ko si jules and

si ate and mama, sa harap namin. And pinapagpaliwanag ko sya kung

paano nya naisip na girlfriend ko si jules. Sabay-sabay kaming tumingin

kay mama, medyo nagulat sya. "I thought, you and juliet are, you know,

couple?" sabi nya.

Nag frown ako sa kanya. "Well, you definitely thought wrong," sabi ko,

"We're just friends" tapos tumingin ako kay jules na nakatingin din

sa akin habang nakangiti. "Bakit?" hindi sya sumagot. Binaling ko

naman yung tingin ko kay ate, tapos kay mama. Lahat sila

nakangiti nang nakakaloko. "Why are you all, smiling?!" irita kong

tanong. "You're Over Reacting." sagot ni jules. "True. haha.." pag

sang ayon ni ate. Tinignan ko sya ng masama. "Over Reacting?!!"

pag uulit ko pero sa sobrang naiiritang tono.

Hindi ba sya naiinis, na napagkamalan kaming couple?

"They thought, we're a couple!! okay lang sayo?" sabi ko. Hindi nya

sinagot, pero tumingin sya kay ate and mama. "Tita, ate. We're not

a couple. We're just friends." sabi nya tapos, tumingin sya sa akin.

"Just like that." sabi nya sa akin. Anong ibig nyang sabihin?

"Okay. Well then, you better get yourself a girlfriend. If not,

i'll start thinking you're gay." sabi ni ate, tapos tumayo na sya

para umalis na. si mama tumayo nadin. "already doing that. jule's

helping me. And for the record. I'M NOT GAY!" sabi ko kay ate.

Kanina excited akong makita ulit si ate, ngayon gusto ko na sya

paalisin ulit. "Good to hear. And just so you know, it's okay for

me if you're gay. I love gays. hahahaha...." sabi nya bago sya

tuluyang makaalis sa dining room. "me too.. haha.." rinig kong

sabi ni jules, pero wala na syang kausap.

"You girls, are annoying!" sabi ko sa kanya. Tapos umalis nadin

ako sa dining area, iniwan ko sila ni mama na nagtatawanan.

Pinagtatawanan nila ako. Nakakainis! Dumiretso ako sa

kwarto para magkulong.

Mabilis ang oras. Hindi ko namalayan na hapon na pala at may usapan kami ni jules na papakilala nya ako sa parents nya. And pagkatapos nun, didiretso na kami sa blind date na sinet-up nya for me.

Narinig kong nagring yung phone ko. Nakita kong si jules yung tumatawag kaya agad kong sinagot. "Hello?" "Ready ka na?" tanong nya sa kabilang linya. "Uhmm... not yet, magbibihis palang ako." sagot ko naman. Wala akong narinig na response sa kabilang linya, kundi malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Nang buksan ko, tumambad sa akin si jules. Nakasuot sya ng SkyBlue Apron top dress, multiple bracelet on one arm, yung tinatawag nyang 'wedge' na sandals and she wear her hair into a bun. Para akong na-stunned ng magic spell. Ang ganda nya, mukha syang princess. Napatulala ako habang tumitingin sa kanya.

Nakatingin sya sa akin ng masama, pero ako, hindi ako makagalaw. Ewan, pero sa hindi malamang kadahilanan, maski magsalita, hindi ko magawa. Nakita kong nilagay nya yung hawak nyang phone sa tenga nya tsaka sya nagsalita. "What now? You forgot how to talk?!" narinig ko yun sa phone na nakatapat padin sa tenga ko. Bigla akong nabalik sa realidad.

"Huh?" sabi ko. "Wow, you look....... beautiful." pagpapatuloy ko. Hindi mawala wala yung masama nyang tingin sa akin. "Thank you. You told me to wear something nice. pero kailangan mo na talagang mabihis, dahil, right after you meet my parents, pupunta na tayo sa date mo! kaya bilisan mo na!!!" sabi nya tapos tinulak na nya ako para magbihis.

Matapos yun, nagpaalam na kami kay mama and ate. Si ate nga, sobra yung kilig nang makita kami ni jules. Pinipilit nyang magdedate kami kahit ilang beses na namin sinabing meron akong ibang ka date.

~ooOoo~

Nakarating kami sa tapat ng bahay nila jules. Sinusundan ko sya papunta sa pinto, nang may marinig kaming ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Tunog ng mga nababasag na gamit, palitan ng mga foul language. Mukhang may nag aaway.

Napahinto si jules sa harap ng pinto and humarap sya sa akin. Yung expression ng mukha nya, sobrang lungkot and punong-puno ng disappointment. "Well, meet my parents." sabi nya sa akin tapos, mabilis na naglakad hanggang malagpasan na nya ako. Agad ko naman syang sinundan.

"Jules, wait!" tawag ko sa kanya habang mabilis syang naglalakad. Hindi sya lumilingon, patuloy lang sya. Binilisan ko yung lakad ko hanggang maabutan ko sya. Hinawakan ko sya sa braso para mapahinto sya.

"Jules..." sabi ko. Humarap sya sa akin. Wala na yung expression sa mukha nya, pero makikita sa mga mata nya ng malungkot sya. "Are you okay?" tanong ko. "Of course!" mabilis nyang sagot. fake yan yung word na pumasok sa isip ko. Alam ko hindi sya okay.

"Jules, you can talk to me. You know that." sabi ko sa kanya. Concern ako sa kanya. Alam ko hindi sya okay and gusto ko kahit papano mapagaan yung nararamdaman nya. "Im okay. Seriously!" sabi nya. "Come on, we better hurry. Were going to late on your date!" pagpapatuloy nya, tapos hinawakan nya ako braso para mabilis kami maglakad.

Bakit ayaw nya sabihin sa akin na hindi sya okay? Friend nya ako diba?

My FAIRYTALE EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon