Lumabas ako ng restaurant na basang-basa. Lahat ng mata ng mga t.ao sa loob nakasunod sa akin. Grabe, nakakahiya! Nagmukha tuloy akong sobrang sama. Hindi ko naman inexpect na ganun yung gagawin ni jules. Kudos to her, sobrang believable yung act na ginawa nya. Kudos to me too, magaling din ako umarte. Wait! Hindi pala ako umarte, totoo yun lahat. I can't believe it, I'm a natural born actor. All natural, parang coconut oil! (joke po yun! tumawa ka please!)
Peste, kung ano-ano naiisip ko. Patuloy ako sa paglalakad, hanggang nakasalubong ko si jules, sa hindi kalayuan. Inantay nya pala ako. "Liam, i'm so so so sorry." sabi nya agad nung makalapit sya sa akin. Tinignan ko sya, mukha namang authentic yung apology nya. Tsaka kasama naman yun sa pinag usapan namin. "It's okay. My cheeks are sore, though, and i'm still damp."
"Oh my gosh, i'm so sorry." hinawakan nya yung dalawa kong pisngi na kinagulat ko kasi nang magtama yung kamay nya at pisngi ko, parang may static na dumaloy sa buo kong katawan na nag trigger para bumilis ang takbo ng puso ko. Agad ko naman inalis yung kamay nya kasi, that feeling makes me uncomfortable.
"I'm sorry, i got carried." sabi nya. Napangiti ako ng konti, "It looks like, you've got carried away." sabi ko, nakita ko syang nag pout, i find it cute. "Are you mad? Tell me, what do you want me to do, to compensate?" sabi nya. May bigla akong naisip, nginitian ko sya ng nakakaloko.
"Just give me a hug," sabi ko, bigla syang napasimangot. "Hug? But, you're wet." sagot nya. "I thought, you'll do anything to compensate?" pang aasar ko, haha.. para makaganti ako sa kanya, mabasa din sya. haha... "But..." hindi nya natuloy yung sasabihin. Kasi hinila ko sya para yakapin.
*tug tug* *tug tug* *tug tug*
Agad ko syang nilayo nang maramdaman ko ang mas malakas na pag tibok ng puso ko.
"Let's go home." agad akong naglakad, nilagpasan ko na si jules. Ayoko kasing makita nya yung mukha ko. Tingin ko kasi nagblush ako. Naramdaman ko naman sinundan nya ako.
Pagdating sa subdivision namin, nag hiwalay nadin kami ni jules. Sa bahay, pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto, sinalubong ako agad ni ate.
"Your home! So how was it?" masaya nyang tanong pero bigla syang napahinto ng makita nya yung itsura ko, basang-basa. "Whoa! It looks bad" sabi nya. I rolled my eyes on her, just for effect na kunwari, frustrated ako. "Obviously." sabi ko.
"What hap--" tanong nya pero hindi na nya natapos magsalita, kasi nagsalita na ako.
"No further information. I'm going to bed." tapos tumuloy na ako papasok sa kwarto. Sa kwarto, pumasok ako sa banyo para maglinis nang sarili. At bago ako tuluyan matulog, kinuha ko muna yung phone ko para itext si jules.
'thank you, for tonight. <3'
Message sent. WAIT! Did i just did that? Did i just sent jules my <3?!
WTF!!