Part 9

28 2 0
                                    

Tahimik kaming naglakad hanggang makarating kami sa pinakamalapit na grocery. Sabay kaming pumasok.

Nag lakad ako sa isang aisle and si jules sa kabila. Ewan ko, pero hindi padin nawawala yung awkwardness between us.

Sinisilip ko sya sa shelf. Mukha nga akong tanga eh, mukha akong stalker. She continue to scan the area to find what we need. Which is funny, kasi we just need sugar pero dalawa pa kami. Natigil ako sa pag-sstalk ko kay jules ng mabangga ako ng isang push cart.

Napatingin ako sa mukha ng isang galit na babae. "Watch your step, stupid!" sabi nya, with masamang tingin sa akin. "Sorry" sabi ko tapos gumilid ako para makadaan na sya. Binigyan nya ako ng kanyang One last death glare bago sya tuluyang umalis.

"tss... Sya na nga nakabangga sa akin, sya pa galit" bulong ko. Sumilip ako ulit sa shelf para tignan si jules pero wala na sya. Asan na yun? tanong ko sa isip ko. Nagpatuloy ako sa pagsilip para hanapin sya ng mabangga ako ulit, pero this time sa tao na.

"What are you doing?" rinig kong tanong nung babae. Nagulat ako ng si jules pala yung nakabangga ko. "No-nothing. I'm just looking for...." Nauutal akong sumagot. I feel like, i've been caught doing something illegal. Isip liam, isip! Kinuha ko kung ano man yung naabot kong item galing sa shelf nang hindi ito tinitignan. "This." tapos ngumiti ako sa kanya.

Nagfrown sya sa akin, nagtataka na akala mo naging dalawa yung ilong ko sa mukha. "Fish sauce?" tanong nya. Tsaka ko lang tinignan yung hawak ko. Nakasulat sa label, with Bold Letter. FISH SAUCE. "Y-yeah. I love Fish sauce!" sagot ko naman sa kanya. Kahit hindi naman talaga ako mahilig sa fish sauce. Nagfrown na naman sya sa akin. "Weirdo," sabi nya. "Come on, i got the sugar." sumunod naman ako sa kanya, papuntang counter para magbayad na, habang hawak padin yung fish sauce.

Again, tahimik kaming naglakad pauwi. Hanggang nakarating kami sa bahay. Nagpatuloy lang si ate at jules sa pagbebake, at ako pinapanuod sila. "Liam?" sabi ni ate.

Napatingin ako sa kanya. "hmm?" tanong ko din. "I've set a date for you" nakangiti nyang sabi. "WHAT?!!" napalakas yung boses ko sa sobrang gulat. "you said it yourself, your date last night was not your type. So i set you a date. I promise you, your going to like her."

"You can't do that! I don't care, who she is, or what she's like! I'm not going to that date!!" sabi ko sa kanya. Nag uumpisa na akong mainis. She and jules are so much alike, they're annoying!! "See? That is why i want you to have a girlfriend. You're acting like a bitch right now" sabi nya. "Look, it's just one date. If you don't like her, then don't ask her out again. Just like what you did to your last date." pagpapatuloy nya.

Hindi ko na sya sinagot, tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bar stool, kinuha ko braso ni jules para lumabas na kami sa kitchen. "So your going?" tanong ni ate. "Whatever" sagot ko sa kanya. Tapos tuluyan na kaming lumabas ng kitchen ni jules. "Tonight, 7 o'clock sharp. Prince Café & Restaurant."

Sigaw ni ate. Yun na yung huli kong narinig sa kanya.

Hinila ko si jules papasok sa kwarto ko, tapos agad kong sinara yung pinto pagkapasok namin. Agad kong hinarap si jules tapos hinawakan ko sya sa dalawang balikat. Halata sa mukha nya yung pagkagulat. "Jules, I need your help." seryoso kong sabi sa kanya. "H-how?" tanong nya. Gulat padin yung expression sa mukha nya. "We need to make a 'Date Escape Plan'".

My FAIRYTALE EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon