¤¤¤
Matapos kong mag-ayos, nagsoot lang ako ng simpleng shorts at kulay itim na sando. Mabilis ang aking mga hakbang pababa ng hagdanan pero naging mahina ito dahil sa boses na naririnig ko mula sa sala.
“Oh, iha? kumusta naman kayo ng anak ko?”
“Okay naman po kaming dalawa as usual marami pa ring girls ang nagpapapansin sa kanya. Pero hindi lang nila nagawang lumapit kasi palagi kaming magkasama.”
“Nakuu! Wala bang pinopormahan ang anak ko?”
Katahimikan….. ilang segundo rin ang lumipas bago sya sumagot.
“Hmm. Wala naman po syang nababanggit sa akin. Minsan nga po napapaisip ako kung bakla po yang anak nyo, Tita eh.”
“Hahaha! Naku, hindi bakla ang anak ko. Torpe sya, iha. torpe.”
At narinig ko ang tawanan nilang dalawa.
“Po? So ibig sabihin may nagugustahan nga talaga sya?”
“Oo iha. Teka may tanong ako. Kung manliligaw ba ang anak ko may pag-asa ba sya sai—
Pero bago pa maituloy ni mama ang kanyang sasabihin ay mabilis akong naglakad palapit sa kanya at inagaw ang basong may laman na gatas sa kanyang kamay.
“Mmm.. ang sarap, Ma.”
“Anak andyan kana pala.” Kitang kita ko ang makahulugang tingin mula sa mga mata ni mama na para bang sinasabing “Ang torpe mo anak.”
Ngunit hindi ko na sya pinansin dahil nabaling ang mga tingin ko sa babaeng nakaupo ng indian seat sa ibabaw ng mesa kung saan kami kumakain ng agahan, tanghalian at hapunan. At ang mas malala pa dahil nakabuhaghag pa rin ang kanyang kulot na buhok na para bang kagigising nya lang at nakasoot pa rin sya ng kanyang pantulog na para bang bumangon lang sya sa kanyang kama para mag-agahan dito sa bahay namin.
Mabilis akong naglakad sa pwesto nya at binuhat sya na para bang isang sako ng bigas at pinaupo sa upuan.
“Ano ba, pwede mo naman akong buhatin na parang pangkasal para i-upo dito sa upuan. Hindi yung para akong sako ng patatas.”
“Wag ka munang magsalita. Nag tooth brush kana ba?” nag-aarte akong nandidiri sa kanya para hindi nya mahalata na masyado akong kinikilig dahil sa presensya nya ngayon. Sheet! Nababakla na naman ako.
“Kahit hindi ako magsipilyo, mabango pa rin ang hininga ko.” Nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinila ako palapit sa mukha nya. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha dahil ilang dangkal lang ang layo ng labi ko sa labi nya. Akala ko na ang gagawin nya ay ang ideyang nasa isip ko pero nawala iyon dahil isang malakas na,
“HAAAAAAAAA” ang sumalubong sa mukha ko.
TANGINA! BINUGAHAN NYA AKO NG HANGIN MULA SA BUNGANGA NYA. AT TUNAY! ANG BAHO NGA NANG HININGA NYAAAA.
Mabilis ko namang inalis ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko at tumagilid para lumanghap ng sariwang hangin. Takte! Parang naubusan ng oxygen dahil sa ginawa nya.
“Ano ba. Ang ganda ganda mo nga, dugyutin naman.” Pero wag ka, labs pa rin kita.
Pero isang malakas lang na pagtawa ang narinig ko mula sa kanya. At sa kasamaang palad humalakhak rin ang aking ina. So ganun? Kinakampihan nya talaga ang future daughter in law nya? Hayyys. Sarap sa ears.
“Oh ano? magtatanong ka pa?” matapang na sabi nito.
Pinitik ko naman ang kanyang noo at mas lalong ginulo ang magulo nyang buhok.
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
Short StoryDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700