¤¤¤
“Ginang Cara? Nandyan pa po ba ang alaga nyo?”
“Ay naku, iho. Pasensya ka na ha. Nauna na kasi syang umalis.”
**
“Ginang Cara? Ang alaga nyo po?”
“Ay iho, di ba nya sinabi sa’yong may lakad sya ngayon?”
**
“Si best friend po? Nand’yan po ba sya?”
“Naku, iho. May pinuntahan sya.”
Ilang beses ko na bang narinig kay Ginang Cara nawala sya sa bahay nila? Kelan pa sya natutong umalis na hindi ako kasama?
“Pasensya na iho, wala sya.”
“May pinuntahan.”
“May binili sa mall.”
“May binisita s’yang kaibigan.”
“Hindi nya sinabi kung saan sya pupunta.”
Sheet! Hindi ako tanga para hindi malaman na iniiwasan nya ako. Pero bakit? I thought we’re okay. Akala ko ba nagkamabutihan na kaming dalawa. Akala ko ba balik na kami ulit sa dati. Pero bakit parang mas lumala na ang sitwasyon namin ngayon?
Ito ba ay dahil sa pagpasok ni Marfe sa buhay namin?
Pero hindi nga kami nagkakausap ng isang ‘yon sa school. Maliban nalang kung mag ku-krus ang landas namin. Hindi kami yung typical na mag boyfriend and girlfriend na sabay kung kumain kapag recess or lunch, hinahatid sa classroom habang dala ang gamit ng girlfriend, nag ho-holding hands kapag magkasama? Hindi kami ganun dahil wala akong nararamdaman para sa kanya. I am just using her para mapaamin ang best friend ko. In fact this is all her idea, because according to her she knows when a girl is jealousy or not.
That’s why we gave it a try.
Pero hindi ko nalang sana pinatulan ang sinabi nya kung ang magiging bunga naman ay ang paglayo sa’kin ng taong mahal ko.
Kasalukuyan kaming lahat na Grade 12 student ay nandito sa gymnasium para mag practice ng aming graduation march.
Hindi mo talaga mapapansin ang panahon, parang noon lang ay bubwit pa kami na pumasok sa eskwelahang ito. Tapos ngayon ga-graduate na kami.
Hindi man ako yung klase ng estudyante na sobrang sipag kung mag-aral pero hindi naman ako nababagsak sa mga subjects ko. Well, maliban nalang kay Ma’am B. Hindi ko nga alam kung bakit wala talaga akong interes sa klase n’yang Community, Engagement and Solidarity. Eh, kung tutuusin magaling naman magturo si Ma’am hindi sya yung tipo ng guro na 90 percent talambuhay 10 percent topic ang tinuturo. Pero anyways, isang linggo nalang bago kami ga-graduate. Kaya wala na kaming pino-problema ngayon maliban nalang sa pag pa-practice para sa graduation day. Yung tamang distansya sa processional march, tamang pwesto kapag yuyuko matapos mong makuha ang diploma, ang tamang pagpalakpak kapag pinakilala na ang guest speaker, ang tamang stepping ng sayaw kapag kinakanta na ang graduation song at ang tamang linya at distansya kapag nasa recessional march na.Sobrang bilis ng pangyayari. Noon best friend lang ang turing ko sa kanya pero ngayon, mahal ko na sya. Boom!
“Okay students, pwede na kayong bumalik sa mga classrooms ninyo para magpahinga. Our practice will resume at exactly 1:30 pm.”
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
ContoDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700