Heartbreak Nine

80 59 0
                                    

¤¤¤

Patapos na ang last period namin ngayong araw. Nakikita ko nang unti unti ng nililigpit ni Ma’am Sudario ang kanyang mga ginamit na chalk pabalik sa kanyang chalk box habang nag bibigay ng conclusion sa kanyang topic ngayon.

At tama nga ang instinct ko dahil sampong segundo lang ang lumipas ay nag ring na ang bell sa labas ng aming hallway hudyat na tapos na ang klase.

“Okay. That’s all for today. Goodbye, class.”

Tumayo naman kaming lahat at yumuko.

"Goodbye, Ma’am Sudario. Thank you for teaching us today.”

Pagkatapos nun dumiretso na si ma’am sa pintuan at lumabas. Nakita ko nang nagsiligpitan ang mga kaklase ko pero ang aking mata ay nakatuon lang sa babaeng nakaupo sa unahan habang pinapasok sa kanyang bag ang kanyang papel at ballpen. Nang makita ko syang tumayo at naglakad palabas ng room. Mabilis pa kay flash kong hinablot ang aking bag para sundan sya. Pero nakakailang hakbang palang ako, nang may humarang na feather duster sa aking mukha.

“At saan mo balak pumunta, Mr. Morenes?” nakita ko ang mukha ng aming class president na si Ms. Feril.

“Ano? Sisibat kana naman sa pagiging cleaners mo today?” this time pinanlakihan na nya ako ng mata.

Shit! Kung minamalas ka na naman, oh. Pero kung bibilisan ko ang pagkilos alam kong maaabutan ko pa sya sa school ground at pwede ko pa syang kausapin para makipag-ayos.

Inayos ko ang pagkakabit ng bag ko sa aking likuran at mabigat ang kamay na inagaw ang feather duster sa kamay ni Ms. Feril. Hindi ko alam kung bakit yan ang gusto n’yang itawag namin sa kanya. Dahil kapag Ms. Feril raw feel na feel n’ya na nirerespeto namin sya bilang class president. Eh, sa katunayan ang pandak pandak nya nga eh. Sus.

Mabilis akong naglakad sa bintana at inalis ang mga alikabok na nasa gelousy gamit ang feather duster na hawak ko. Madali lang naman kasi sa’king abutin yung pinakamataas na bahagi dahil matangkad ako. hindi katulad sa iba kong kasama na cleaners na gumagamit pa ng upuan para maabot yung dulo. Pagkatapos kong maglinis sa bintana tinulungan ko naman ang ibang boys na nag-aayos ng aming arm chair pabalik sa dati na pwesto dahil nasira ito dahil sa pagwawalis kanina sa sahig.

Nang sa tingin ko ay sapat na ang mga naitulong ko mabilis kong binalik sa kamay ni Ms. Feril ang feather duster at patakbong lumabas ng classroom. Narinig ko pang tinawag n’ya ang pangalan ko na parang galit na galit. Pero pasensya muna sya dahil may tao akong kailangang habulin para kausapin.

Nasa 4th floor yung classroom namin kaya malalaki ang aking naging hakbang pababa ng 3rd floor. Nakarating ako sa 3rd floor na wala nang masyadong tao kaya lumapit muna ako sa railing upang makita kung nasa baba naba sya. Pero nanlumo ako dahil papaubos na ang mga estudyanteng naglalakad sa ground floor dahil halos lahat ay nasa gate na, at kahit isang kaklase ko wala akong nakita. Umatras akong muli at pinagpatuloy ang pagbaba, nasa 2nd floor na ako at pababa na ng hagdan pero napatigil ako dahil sa isang babaeng nakatayo sa dulo nito, nakatingin ito sa akin, ang kanyang dalawang kamay ay naka-krus sa kanyang dibdib, at bahagya pang nakataas ang kanyang kilay.

“Bakit nandito kana? Sumibat kana naman sa pagiging cleaners mo no? Naku! Graduating kana, pero tamad ka pa rin.”

Hindi ko alam kung bakit kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Putragis! ilang salita lang ang lumabas sa bibig nya pero walang pinagbago ang epekto nya sa akin. Shit! Puso tumigil ka, wag kang masyadong magpahalata na sobra mo syang na-miss. Pinakalma ko naman ang puso ko pero sadyang traidor ang aking mga paa dahil hindi ko namalayang mabilis na pala itong bumaba papunta sa direksyon nya at mabilis ko syang hinablot palapit sa akin upang yakapin.

HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon