¤¤¤
“MA!” sigaw ko ng makita si mama na nagdidilig ng halaman namin dito sa labas.
“Uyy! Bagay na bagay talaga kayong dalawa anak.” Panunukso sa amin ni mama. Sige ma, ituloy mo lang napakasarap pakinggan eh.
“Naku tita? Wag kayong magsalita ng gan’yan dahil baka ma-inlove itong anak mo sa akin.” Pabirong sabi nito. Nakita ko naman ang pagsulyap nya sa akin at binelatan ako.
SHEET! DON’T DO THAT PLEASE, MARUPOK AKO! Takte ang bakla pakinggan.
“Naku iha, kung alam mo lang na matagal ng in—
“So ano tara na?”
Hindi ko na pinatapos si mama sa kanyang sasabihin dahil baka maunahan nya pa ako sa pag amin. Binigyan ko naman ng makahulugang tingin si mama na para bang sinasabing “Ma, I have plans” mukhang na gets naman ni mama ang gusto kong iparating kaya bingyan nya ako nang mag-asawang ‘thumbs up’
“Sige tita, aalis na po kami.”
“Mag-iingat kayo.”
“Bye ma, see you later.”
“Sige anak, God bless you.”
That is what I need, A God bless not a Good luck.
Sumakay na ako sa aking motor at naramdaman ko naman ang pagsampa nya sa likod. Bago ko pinaandar ang aking motor ako na mismo ang kumuha ng kamay nya at pinaikot ito sa bewang ko.
Sheet! I miss this, I miss her arms wrapping aroung my waist.
Pero bago pa ako malunod sa sobrang kilig. Mabilis ko nang pinaandar ang aking motor at tinahak ang daan kung saan kami pupunta ngayon.
Saan nga ba kami pupunta? Well sa ngayon? Ang first stop namin ay,
“Galingan mo naman kasi sa pagkuha.”
“Wag mo kasi akong guluhin.”
“Ang sabihin mo hindi ka talaga magaling sa pagkuha ng stuff toy d’yan sa claw machine.”
“Tatahimik ka? O hahalikan kita?”
“O sige gawin mo, dahil friendship over na tayo.”
Dalawang oras na kami sa pesteng claw machine na ito rito sa World of Fun. Tangina! Sa pangalan palang ng arcade masyado ng scam, paano naging world of fun to? Eh, sa simpleng stall nila ng claw machine ay pikon na pikon na ako.
At ang babae na ito sa tabi ko. Kung hindi ko lang to mahal kanina ko pa ito iniwan dito eh. At rinding rindi na akong pakinggan ang salitang friendship over na pinang ba-blackmail nya sa akin. Kapag ako nakakuha ng pesteng pikachui na ito na kanina pa nakangiti sa akin na para bang sinasabing “Come and get me, baby.” Yari talaga sa akin ang babaeng ito.
Mabilis ko naman syang tiningnan at kitang kita ko ang inis sa mukha nya. Kinalma ko muna ang isipan ko bago sya kinausap.
“Bibilhan nalang kita sa Soft Haven ng stuff toy na pikachui. Kung gusto mo yung pinakamalaki pa.” malumanay kong sabi
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
Short StoryDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700