Heartbreak Eight

87 60 1
                                    

¤¤¤


“Anak, hindi ka ba nakatulog ng maayos?” bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mama.

Tinapik ko naman ng tatlong beses ang magkabila kong pisngi para maalimpungatan ako ngayong araw.

“Okay naman ako, Ma. Nagbabad kasi ako sa panunuod ng anime kagabi.”

Nakita kong hindi kumbinsido si mama sa naging sagot ko, pero hindi nya na ako ulit tinanong at binigyan na lamang ako ng isang baso ng gatas.

Umupo ako sa dining table at nakita ko si papa na umiinom ng kanyang kape at sa tabi nito ay ang kanyang laptop.

Dad is a journalist in a well known TV Station. Kaya hindi masyadong nananatili rito sa bahay si papa kasi kailangan n’yang pumunta sa ibang lugar kung saan sya kukuha ng mga report at isusulat para mabalita ito sa telebisyon o sa radyo.

“Good morning, Pa.” kahit na alam kung wala akong gana ngayong araw kailangan ko paring ipakita kay papa na maganda ang kondisyon ko. Minsan na nga lang syang umuwi tapos maabutan pa n’yang lalamya-lamya ang panganay na anak.

“Good morning din anak. Ayos ka lang ba talaga?”

Tumango naman ako at sumubo ng isang kutsarang fried rice.

“Ang huli nating pagkikita ay pustorang pustora ka ah. Tapos ngayon naman na kauuwi ko lang eh, ang tamlay tamlay mo. Ano nga pala ang nangyari sa pagtatapat mo sa bestfriend mo?” humigop muna ng kape si papa bago ako tiningnan sa mata at hinihintay ang aking sagot.

Napatingin naman ako sa direksyon ni mama na nakatayo sa tabi ni papa at humingi sa kanya ng tulong para makalusot sa hot seat na ito. Mukhang na gets naman ni mama ang pinapahiwatig ko kaya mabilis syang naglakad palapit sa akin at hinila ako patayo.

“Naku anak, anong oras na baka ma-late ka ngayong araw. Huwebes pa naman ngayon. Diba ang nakabantay na gwardiya ngayon ay iyong strikto? Sige na, alis kana mamaya nalang kayo mag-usap ng papa mo.”

Nakita ko naman na nagpalipat lipat ng tingin si papa sa aming dalawa ni mama na para bang kinikilatis kung totoo ba ang sinabi nito. Pero hindi rin kalaunan ay tumango si papa.

“O sige mamaya na lang anak ha? Kwentuhan mo naman si papa.” Nakangiting sabi nito, pero bakit ramdam ko na parang pinapa-konsensiya nya ako dahil may hindi ako sinasabi sa kanya.

Hindi ko na muna inisip yun at nginitian ko nalang sya pabalik at nagmano bago ako tuluyang umalis.

Hinatid naman ako ni mama hanggang sa gate at inalalayan akong makasakay sa aking motor. Sya mismo ang naglagay ng helmet sa aking ulo.

“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?” nag-aalalang tanong ni mama.

Inilipat ko naman ang aking tingin sa bahay na nakasarado ang pinto maliban sa bintana na nakabukas pero hinaharangan naman ng makapal na kurtina. Nagbuntong hininga muna ako bago sinagot si mama.

“Hindi pa rin, Ma eh.” Malungkot na sagot ko.

Naramdaman ko naman ang dalawa n’yang kamay na pumulupot sa aking balikat papunta sa aking likod.

Shit! Sa simpleng yakap lang ni mama napapaiyak na naman ako. Alam mo yun yung pakiramdam na ang bigat bigat ng pakiramdam mo sa loob, na ilang araw mong pinigilan pero sa isang yakap lang ng iyong ina ay nag-uunahan itong nagsilabasan.

HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon