¤¤¤
“And 3, 2, 1 very good. Let's have a 5 minutes break then practice ulit, okay?” masiglang anunsyo ng aming trainer na si Madam M. He’s a gay that’s why he told us to call him Madam instead of Sir.Nandito kami ngayon sa loob ng aming gymnasium para i-practice ang lakad namin, kung saang dulo kami hihinto para mag pose at kung saan namin ime-meet yung partner namin. Natapos na rin naming memoryahin ang sayaw para sa production number.
Sampo kaming estudyante ang nandito sa loob ng gym, tig-iisang pares bawat year leverl. Isang lalaki at isang babae na pambato ng Grade 7, same rin sa Grade, 8, 9, 10 at ang SHS inisa lang ang representative ng Grade 11 and Grade 12 kaya ako ang naging pambato sa lalaki at sa babae naman ay si,
“Hey.” Nakita ko syang naglalakad paakyat sa bleacher para makapunta sa direksyon kung saan ako ngayon nakaupo.
“Hey!” bati ko sa kanya pabalik.
Nang makarating sya sa pwesto ko mabilis syang umupo sa aking tabi at sinandal ang kanyang likod sa upuan.
“Nakakapagod ano? Limang araw na tayong nagpa-praktis but it feels like a month already.”
Ininom ko muna ang tubig na nasa water bottle ko bago sya sinagot.
“Yes. It’s already 5 days.”
Limang araw na kaming pumupunta ng maaga sa school para magpraktis para raw kahit papaano ay makaka-attend pa rin kami ng first period namin everyday. Kapag uwian naman, diretso agad sa gym para mag praktis tapos uuwi kami ng medyo late na.
It’s already 5 days, 5 freaking days na hindi ko sabay sa pagpasok ang best friend ko slash ang babaeng mahal ko at limang araw na rin na hindi ko sya naihahatid pauwi dahil lang sa pag attend ng praktis na ito. Hindi na kami masyadong nagkikitang dalawa dahil kapag pumupunta sya sa bahay t’wing gabi ay hindi kami nakakapag-usap ng matino dahil sa pagod ako, kaya nga si mama nalang ang palagi n’yang nakakausap.
“Hmm. I’ve heard na maaga raw tayong idi-dismiss ni Madam M.”
Nagliwanag naman agad ang mukha ko dahil sa sinabi nya.
“Talaga?”
“Oo.”
Pagkasabi nya no’n mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa loob ng aking bag at pinindot ang kanyang pangalan para tawagan sya. Ilang ring lang ang lumipas dahil agad nya na itong sinagot.
“Oh, bakit napatawag ka?”
“Maaga kaming idi-dismiss ngayon sa practice.”
“Tapos?”
“Syempre, maihahatid kita mamaya pauwi. Gusto mo yun?”
“Hmm… Syempre gusto ko yun.”
“Sus, ang sabihin mo gusto mo na ako. Miss mo na ako eh.”
“Tanga! Gusto ko yun dahil libre pamasahe. Aba limang araw na rin akong nagko-commute no.”
Natawa naman ako dahil sa sinagot nya. Alam ko kasing hindi sya marunong mag commute kaya nai-imagine kong nagiging batang ligaw sya kapag nagkaganon. Pero sa totoo lang, ako ata ang sobrang naka-miss sa kanya. Miss ko na ang amoy nya, ang kamay nyang nakapulupot sa tiyan ko kapag nakaangkas sya sa likod. At syempre miss ko na ang presensya ng taong mahal ko.
“Naku, in-denial kapa.”
“Sira, o sige ibababa ko na ito ha? Magkita nalang tayo mamaya.”
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
Short StoryDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700