Heartbreak Five

88 63 1
                                    

¤¤¤

“ARE YOU GUYS READY”

YES

This is it! Sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat, pero para sa akin ang araw na sinusumpa ko.

Nakahanda na ang lahat ng kalahok dito sa back stage. Naka make-up, nakasoot na ng custome na irarampa sa gitna at mag papa-impress sa mga judges at tao.

Ang ibat ibang category na paglalabanan namin ay Best in Creative Maong, na syang susuotin namin para sa production number. Best in Casual Attire, Best in Sports Attire, Best in Formal Attire. While for the special awards ay Best in Production Number, People Choice and Best in Question and Answer.

“WAG NA NATING PATAGALIN ITO. LET’S ALL WELCOME OUR CANDIDATES FOR THEIR PRODUCTION NUMBER.”

“Are you ready?” rinig kong tanong ni Marfe na ngayon ay sobrang ganda na sa soot nyang creative maong, nakapusod ang buhok nito ng medyo may kataasan, ang pangtaas nyang damit ay isang pantalon na ginawang tube na may ruffles sa kanyang dibdib ang pangbaba nya naman ay isang ripped shorts at kitang kita mo ang ganda ng kanyang mga binti at nakasoot sya ng kulay itim na boots.

She looks very beautiful and stunning today.

Hindi ko nga alam kung nababagay ba ako sa kanya. Isang ripped jeans lang ang soot ko na nilagyan ng feathers bilang design at sa pantaas? WALA AKONG DAMIT PANTAAS! Maliban nalang sa silver dust na nilagay sa dibdib ko na kulay ginto at isang piraso ng denim na tela na pinaikot sa ibabaw ng noo ko. Takte! Mukha akong maharot na albularyo.

Nginitian ko sya at tumango.

“Oo naman.”

Kinakabahan ako pero sa t’wing rumerehistro sa mukha ko ang mukha ng bestfriend ko, nawawala ang kaba na nasa dibdib ko, dahil napapalitan ito ng kilig. Takte! Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako sa ayos na ganito.

“Let’s go.” Nakangiting sabi ko at taas noo akong lumabas sa back stage para salubungin ang naghihiyawang tao.

Lakad rito, lakad roon, ngiti rito, ngiti roon. Hindi ko alam kung ilang beses akong nakipag plastikan sa mga judges para ngumiti.

Basta stick to the plan lang, kung ano ang pinraktis yun lang. This time nasa harap na kami ng dalawang mic ni Marfe para magpakilala.

“Marfe Yvette Signacion, 17, Senior High School.”

Isang masigabong na palakpakan naman ang narinig namin mula sa mga tao, lalong lalo na ang mga kaklase nya at ang buong SHS na nagkaisa para sa aming dalawa. Bumalik sya sa kanyang pwesto at nag pose ulit.

You can do it self, you can do it.

Humakbang naman ako at hinawakan ang standee ng microphone.

Calvin Jacob Morenes, 18, Senior High School.”

Mas lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga tao pagkatapos kung magpakilala. Tama nga ang sabi ng best friend ko dahil pati junior high school ay nakita kong nasisigiwan sa akin. Bumalik ako sa tabi ni Marfe at sabay kaming nag pose pero pasimple kong nilibot ang aking paningin para makita ang babaeng kanina ko pa gustong gusto na makita. Pero nabigo ako. Siguro nasa tabi tabi lang sya at nag chi-cheer sa akin  pero hindi ko lang alam kung saan ang pwesto nya dahil sa sobrang dami ng mga estudyante. Siguro sa susunod nalang ulit na paglabas ko sya hahanapin.

Tumalikod na kaming dalawa at naglakad para um-exit.

Ilang oras na ang lumipas at natapos na rin ang Casual attire at Formal attire kaya this time. Oras na para sa question and answer.

HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon