¤¤¤
MAAGA akong nagising para maligo at mag-ayos. Mabilis ang mga naging kilos ko pero sinisigurado kong mabango at mas magiging gwapo ako ngayong araw. Nakasoot ako ng kulay itim na fitted jeans, kulay maroon na hood at kulay puti na may halong pula na nike na sapatos. Hindi ko pinatayo ang kulay ash blond ko na buhok ngayon, hinayaan ko lang ito na bumagsak at tumakip sa aking noo. Ginamit ko ang pabango kong Victoria secret. Hindi ko alam pero mas gusto ko yung amoy ng pabango na parang magaan lang sa ilong, yung panlalaking amoy kasi ay sobrang tapang. Kaya siguro hindi ako nagiging matapang dahil pati pabango ko amoy pambabae. Ulol.Mabilis kong kinuha ang susi ng aking motor sa ibabaw ng drawer ko at pinasok yun sa aking bulsa. Nakangiti naman akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan. Pagkarating ko ng sala hindi ko nakita ang anino ni mama kundi si papa ang aking nakita na nakaupo sa sofa habang nanunuood ng Animal Planet. Nang maramdaman nya ang presensya ko mabilis syang lumingon at bahagyang ibinaba ang suot nyang glasses na para bang kinikilatis ang pustora ko.
“Ayos na ayos ata ang binata ko ngayon ah.” Nakangiting sabi nito. Lumapit naman ako kay papa at nilapit sa kanya ang aking kamao, mabilis nya naman itong tinanggap at pinagdikit ang kamay naming dalawa.
“May pupuntahan po kasi kami.”
“Kami?”
“You know? The girl living in front of our house.”
“Aww. Your bestfriend?” may halong panunukso nito.
“PA!”
“Bakit? Mag best friend naman talaga kayong dalawa ni—
“Pa, masakit pakinggan.” Sagot ko at hinawakan pa talaga ang puso ko na para bang nasasaktan talaga.
Pero seryoso masakit talaga parang naririnig kong tinutukso nya ako nang “Hindi ka crush ng crush mo.”
“Kung ayaw mo ng masaktan, edi umamin kana sa kanya.” Seryosong suhestiyon ni papa.
Nagbuntong hininga naman ako at pinaglandas ang aking tingin sa aming bintana at mula rito kitang kita ko ang nakasaradong pinto ng kabilang bahay.
Yes, Papa is right. If I don’t want to hear those words over and over again I need to take an action right now. So what if she’ll reject me? We will both remain best friend right? I knew her she’s not the type of girl na babaliwalain lang ang lahat dahil sa aamin ako. She’s a kind of girl na sobrang mahalaga sa kanya ang memories. Yung babae na mahahanay mo talaga sa salitang “For Keep”
I remember the first day I gave her a lollipop, hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang stick at cellophane n’on. Yung isang kumpol ng santan binigay ko sa kanya noong grade 2 kami dahil Valentines day, nasa kanya pa rin yung bulaklak hanggang ngayon at nakapaloob pa yun sa isang transparent na kahon.
Kaya I know, sa araw na ito I decided to confess my feelings. Kahit na sampalin nya ako matigas naman ang mukha ko kaya makakaya ko ang sakit, O hindi kaya sigawan, ipapalabas ko nalang sa kabilang tenga yung sasabihin nya. Mag walk out? Sige, kaya ko naman syang habulin. Sabihin na, ayaw nya na akong makita? Puta! Hindi ko na iyan kaya.
“Yes, Pa gagawin ko yun.”
Binigyan naman ako ng mahinang tapik ni papa sa balikat bago ako niyakap.
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
Short StoryDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700