¤¤¤
“BULAGA!”
“TANGINA!”
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may pumalo sa tiyan ko at nahulog naman sa lupa ang librong nakatakip sa aking mukha habang ako’y natutulog. Hindi ko alam kung ilang oras palang akong nasa ganoong posisyon ng may umistorbo sa aking pagtulog. Tangina lang dahil ngayon ay gising na ako.
Inis akong humarap sa kung sino mang damuho ang gumising sa mahimbing kong pagtulog at ambang susuntukin ko na sana ito.
Pero naramdaman ko na lang na ang galit na nararamdaman ko kanina ay biglang natunaw at kasing bilis ito ng ice cream na hinahayaang matunaw sa ilalim ng matinding sikat nang araw.
Dahil nang makita ko syang nakatayo isang metro ang layo sa akin na ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa kanyang tiyan na para bang pinipigilan ang pagsakit nito dahil sa kanyang pagtawa, ay parang biglang naglaho ang lahat ng bagay sa paligid ko. At ang tanging nakikita ko nalang ay sya at ang puso kong walang tigil sa pagtibok nang mabilis.
The feeling that you are listening to an angel’s laugh. Because that was the feeling I feel right now. Hearing her laughs is like a sweet melody to me. Call me gay or whatsoever. I’m just madly in love.
Pero mabilis ko ring ibinalik ang inis kong ekspresyon nang maluha-luha itong tumingin sakin.
“That. Was. Epic” sabi nito habang pinupunasan ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata dahil sa katatawa.
“Anong sa tingin mo ang ginawa mo?” pagalit kong sagot. Pero sa loob ng katawan ko gusto ko syang kutongan dahil sa gandang taglay nya na mas lalong nag papa in love sakin.
She grew up as a beautiful lady. Not only beautiful but very beautiful. She has this tantalizing hazel eyes, pointed nose, white skin, curly brown hair and of course her best asset, her red pouty lips. Sinong mag-aakala na ang babaeng iyakin noon ay lumaking sobrang ganda ngayon.
At dahil sa gandang taglay nya hindi maiiwasan ang mga lalaking nanliligaw sa kanya. Araw-araw meron na lang kaming matatagpuan na love letter sa ibabaw ng desk nya, bulaklak sa ilalim ng upuan nya. Minsan natatawa na lang kami dahil nag-mumukhang pinaglalamayan sya dahil sa sari saring bulaklak na nakapalipot sa pwesto ng kanyang upuan. At syempre meron ding mga sticky note na nakadikit sa pinto ng locker nya at minsan meron din sa paligid ng motor ko. Pero sa lahat ng yan walang sumubok na magpakilala sa kanya ng personal. Bakit? Dahil palagi nya akong kasama. Sa tingin ng ibang tao may relationship kami pero sa mata nya. Friendship lang ang namamagitan sa aming dalawa..
Nanatili syang nagpipigil ng tawa habang naglalakad palapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko.
“Ang tigas ng tiyan natin ha. Ilang pandesal na ba ang meron tayo?” nanunuksong sabi nito habang sinusundot sundot pa ang gilid ng aking tiyan. Mabilis ko namang hinawakan ang kamay nyang tumutusok sa tiyan ko at seryoso syang tinitigan.
“Ano sa tingin mo ang ginawa mo?”
Napakunot naman sya ng noo bago ako sinagot
“Tinusok ko lang naman yung tiyan mo. Ikaw ha! Ang damot mo na, ayaw mo ng ipahawak sa akin ang abs mo? Wag ka ngang ano, para ngang bilbil yung nahahawakan ko sayo, eh” may halong pang-aasar na sagot nito at tumawa ulit. Malakas nyang binawi ang kamay nyang hawak ko at napatingin naman sya sa katawan ko. Bigla naman akong napalunok dahil sa ekspresyon ng mukha nya.
BINABASA MO ANG
HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓
Krótkie OpowiadaniaDOWNFALL SERIES #1 "This is the story of my Downfall Heartbreak " Date started: June 14, 2019 (7: 55 pm) Date ended: August 31, 2019 (6:55 pm) Reads: 700