Final Chapter

107 59 2
                                    

¤¤¤


With that mabilis ko syang binitawan at patakbong umalis para hanapin ang best friend ko.

Kailangan kong ayusin to. Without the help of others but only with myself. Ayokong makitang ganoon ang itsura ng babaeng mahal ko.

Nagagalit. Dahil baka naisip n'yang mas gusto ko ng kasabay sa pagkain si Marfe.

Nalulungkot. Dahil baka naisip n'yang hindi ko na sya kailangan at na-echapwera nalang sya.

Nasasaktan. Dahil baka naisip n'yang tuluyan ko na s'yang tinalikuran.

But no, gusto kong sabihin at linawin sa kanya ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa pagpapanggap na ginawa ko. Dahil sa pagsisinungaling ko. Dahil sa pagpaparamdam ko sa kanya na wala na akong pakialam.

I want to talk to her. I need to say sorry.

Halos nilibot ko na ang buong campus pero ni anino nya ay hindi ko makita. Kahit sa practice namin kanina ay wala sya. Ang sabi ni Nyra ay nag excuse raw ito dahil may emergency na nangyari sa bahay nila. Balak ko pa sanang umalis ng school pero hindi na ako pinayagan ng guard dahil lampas na ako sa time ng lunch break. Kaya wala akong nagawa kundi ang um-attend ng graduation practice habang walang tigil sa pagbantay ng oras sa aking relo.

Nang matapos ang aming practice, mabilis akong lumabas ng gym at pinaharurot ng mabilis ang aking motor.

Walang tigil ako sa pagdasal na sana, pagbuksan nya ako ng pinto.

Ang kinse minutos na natural na byahe ay nagawa kong diyes minutos dahil sa bilis nang pagmamaneho ko, mabuti nalang dahil walang LTO na nagbabantay sa checkpoint. Hindi ko pa naaayos ang pag park ng aking motor sa harap ng aming bahay dahil mabilis akong tumakbo papunta sa bahay nila.

Hindi ko alam kung ilang beses kong pinindot ang kanilang doorbell. Sadyang sobrang desperado na talaga akong magpaliwanag at humingi ng pasensya sa kanya.

Nang makita kong bumukas ang pinto mabilis kong binati si Manang Cara.

"Nang Cara nandiyan po ba ang alaga nyo? Pwede ko po ba syang maka-

Pero hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang mapagtanto kong hindi si Manang Cara ang kaharap ko ngayon. Dahil ang sumalubong sa akin ay ang isang babaeng nakataas ang kilay, balingkitan ang katawan at kitang kita sa pustora nito ang awtoridad. Nakasoot sya ng isang itim na pencil skirt, itim na sapatos na may takong at kulay pulang blouse na panloob na pinatungan ng isang kulay puting coat.

She have the same eye color of my bestfriend and heart shaped lips.

Walang duda, it's her mother.

Bakit nandito ang mama nya?

Bigla namang bumalik sa aking alaala ang kanyang sinabi kanina.

"Pasensya kana ha, sadyang naging kumplikado lang yung lagay ko ngayon."

"Bakit may problema ka ba?"

"Wala naman."

"Eh, bakit naging kumplikado?"

HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon