Heartbreak Three

112 66 3
                                    

¤¤¤

"Ma'am ayoko pong sumali."

"But we have no other choice."

"Pero ma'am mas marami pong mas deserving sa spot na 'yan bilang pambato ng section natin."

"As the Senior High School coordinator, ikaw ang magiging representative natin."

"Ma'am pe-

"No butts. Mr. Morenes my decision is final. You may go."

Mabibigat ang naging hakbang ko palabas sa faculty ni Ma'am Buison; ang aming SHS coordinator. Sino ba naman kasi ang matutuwa na tatawagin ka sa kalagitnaan ng klase ninyo sa Philosophy na syang pinakapaborito kong pasukan. Para lang sabihin sa'yo na ikaw ang magiging representative sa gaganapin na "Mr. and Ms. Campus Model" nang school ninyo.

This is bullshit! Hindi ko forte ang pagrampa sa gitna ng stage habang pinapangalandakan ang ngiti ko at aking katawan. It's not necessary na maghuhubad ako, but then the thought na rarampa ka just to please everybody na you are willing to win that fvcking title. For what? For the popularity? To gain points para manalo ang year level ninyo against the others? I really don't like it.

I don't care kung wala kaming maging pambato. Wala rin akong pakialam kung sa kangkungan pupulitin ang year level namin. Mananalo pa rin naman kami sa sports especially sa soccer dahil ako ang ace player ng level namin hindi lang sa year level but sa buong school.

If Ma'am Buison's decision is final that I will be the representative of that pageant? Then my decision is final too na hindi ako sasali. We all have a choice. Sana wala lang personalan sa grades.

Pagkarating ko ng classroom tamang tama naman na natapos na ang klase ni Sir. Mike sa Philosophy. Kaya pasalampak akong umupo sa aking upuan, habang nakatingala sa kisame. Sinusundan ko lang ang mahinang pag-ikot ng ceiling fan sa taas nang biglang may mukhang biglang lumitaw sa paningin ko.

Nakakunot ang noo nito at nakanguso ang mga labi.

Sheet! Alam talaga ng babaeng ito kung kailan sya dapat lumilitaw. Now, I can feel that my anger is slowy fading it's because of this angel looking at me.

Wala sa sarili naman akong napangiti habang nakatingin pa rin sa maamo n'yang mukha.

"Puto! Baliw na nga ang isang ito." Sabi nito at inalis ang mukha sa paningin ko. Kaya mabilis akong napaayos ng upo at sinundan sya ng tingin kung saan sya pupunta.

Nakita kong hinila nya ang kanyang upuan palapit sa upuan ko at umupo sya sa ibabaw ng arm chair nito.

At tangina lang, nakapalda sya kaya hindi nakatakas sa paningin ko ang maikling cycling na nasa ilalim ng palda nya. Sheet!

"Eyes up, Mister." Awtomatiko namang napunta sa mukha nya ang mga mata ko.

"W-wag ka kasing basta bastang mag-aangat ng paa mo d'yan. Alam mo namang nakapalda ka. Pasalamat ka best friend mo ako. K-kaya walang m-malisya."

Walang malisya? Pero nauutal ako? Sheet!

Nakita ko naman ang pagkairita ng mukha nya.

"Oo na hinding hindi na mauulit, best friend."

Sheet! Nahalata ba n'ya ang pag-iba ng boses ko? Nahalata ba n'yang nilagyan ko ng malisya ang pagkakita ko ng cycling nya? Sheet! You have to be careful, self. Be careful.

"Bakit ka nga pala, pinatawag sa faculty ni Ma'am B?" pag-iiba nito ng usapan.

This time muli na namang bumalik ang inis sa sistema ko, pero hindi na kasing inis nung tulad kanina. Konti nalang dahil siguro nandito ang guardian angel ko para pakalmahin ako. Baduy!

HIS POV: Downfall Heartbreak (Downfall Series #1)∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon